Isinuplong ng Ale ang Kapitbahay na Lalaki Dahil sa Pananakit Nito sa Misis; Magugulat Siya sa Tunay na Lihim ng Mag-Asawa

Isinuplong ng Ale ang Kapitbahay na Lalaki Dahil sa Pananakit Nito sa Misis; Magugulat Siya sa Tunay na Lihim ng Mag-Asawa

HeartbreakingMysteryStories

“Alam niyo na ba ang tsismis? Naku, iyang si Ronnie ay nambubugb*g ng asawa!” kuwento ni Aling Nena sa mga kapitbahay niya.

“Totoo ba iyang sinasabi mo, Nena? Si Ronnie, yung guwapong lalaki na nakatira sa tapat ng bahay mo? Parang mahirap namang paniwalaan, eh mukhang napakabait ng batang iyon at magalang pa,” giit ni Aling Myrna.

“Maniwala kayo sa akin. Tuwing gabi ay naririnig ko na palaging nagtatalo ang lalaking iyon at ang asawa niyang si Lilian. Tapos ay nakakarinig din ako ng mga gamit na binabalibag sa loob ng bahay. Kinaumagahan ay nakita kong lumabas yung babae na balot na balot ang buong katawan at nakasuot pa ng sunglasses. Marahil ay itinatago niya ang mga pasa at latay niya sa katawan,” wika pa ng tsismosang babae.

Sa tuwing makakausap ni Aling Nena ang mga kapitbahay ay palaging iyon ang bukambibig niya, ang ginagawang pambubugb*g diumano ng kapitbahay nilang si Ronnie sa asawa nitong si Lilian.

Isang araw, nakita na naman ni Aling Nena ang babae na lumabas ng bahay nito. Nakasuot ito ng mahabang manggas na pang-itaas, nakasuot ng pajama naman sa pang-ibabang damit. Nakasuot din ng sunglasses ang babae na tila ayaw ipakita ang mga mata nito na parang may itinatago. Agad naman niyang inusisa ang babae.

“Uy, Lilian. Kumusta ka? Narinig ko kagabi na nag-aaway kayo ng mister mo at may narinig akong mga kalabog. Sabihin mo nga sa akin ang totoo, sinasaktan ka ba niya?” matapang na tanong ng ale.

Hindi agad nakasagot ang babaeng kapitbahay. Tumungo lang ito at tila nakikiramdam lang.

“A-a, e-eh, ok lang naman po ako, Aling Nena. Huwag po kayong mag-alala sa akin,” sagot nito.

“Naku, huwag mo nang pagtakpan ang asawa mo, hija. Kung palagi ka niyang sinasaktan, bakit hindi mo siya ireklamo? Isumbong mo siya sa mga pulis. Huwag kang papayag na abushin ka niya.”

Napakagat-labi lang si Lilian sa sinabi ng matandang kapitbahay.

“Kaya ko naman po ang sarili ko. Huwag niyo na po akong intindihin,” tugon ni Lilian saka nagmamadaling umalis.

Napabuntung-hininga na lang si Aling Nena sa naging sagot ng babae.

“Kawawa naman. Nagtitiis sa pananakit ng asawa. Napaka-martir na babae,” wika ni Aling Nena sa isip.

Ilang minuto lang ang nakararaan nang umalis si Lilian ay ang mister naman nitong si Ronnie ang lumabas ng bahay. Napansin iyon ni Aling Nena. Nakita niyang sumakay ito sa tricycle. Sa isip niya ay papasok na ito sa trabaho. Napag-alaman niya na isang guro sa isang pampublikong eskwelahan ang lalaki.

“Titser pa naman, kung makapanakit ng babae ay wagas, tsk tsk…Kakahiyang lalaki!” gigil na sambit ng matanda sa sarili.

Kinagabihan ay muli niyang narinig sa kabilang bahay ang pag-aaway ng mag-asawang Ronnie at Lilian. Dinig na dinig niya ang palitan ng boses ng dalawa ngunit hindi niya gaanong maintindihan ang sinasabi ng mga ito.

“Ayan na naman sila. Siguradong bugb*g-sarado na naman si Lilian sa walang h*ya niyang asawa,” nag-aalalang sabi ni Aling Nena sa isip.

Maya maya ay nakarinig na naman siya ng mga kalabog at hampas ng kung anong bagay. Siguradong sinasaktan na ng lalaki ang asawa. Hindi na nakatiis si Aling Nena at isinumbong na sa kanilang barangay ang nangyayari.

‘Di nagtagal ay dali-daling sumugod si Aling Nena kasama ang mga barangay tanod at ilang kapitbahay sa bahay ng mag-asawang Ronnie at Lilian. Isinuplong ng matanda ang ginagawang pananakit ni Ronnie sa sariling asawa. Sinabi rin niya na palagi nitong ginagawa iyon sa babae at ang matibay na ebidensya ay ang palaging pagsusuot nito ng mahahabang manggas na damit, pajama at sunglasses. Natitiyak niya na itinatago nito ang mga pasa at latay sa katawan na bunga ng pambubugb*g ng abusadong mister na isang guro pa naman.

“Kawawa naman pala si Lilian sa kamay ng mister niya. Tara na at iligtas natin siya sa halimaw na lalaking iyon!” sigaw ni Aling Myrna na isa rin sa mga kapitbahay na gustong makiusyoso.

Nasa harapan pa lang sila ng pinto ay dinig na nila ang malalakas na kalampag sa loob ng bahay. Napansin nilang nakasarado ang pinto sa loob kaya ginawan nila ng paraan para mabuksan iyon sa tulong ng mga barangay tanod. Laking gulat nila ng makita nila ang nangyayari sa loob.

“Diyos kong mahabagin!” sambit ni Aling Nena na naitakip ang mga kamay sa kaniyang bibig.

Kitang-kita nila ang mga nagkalat na gamit sa lapag, mga basag na baso at bote at isang sirang silya. Nakita rin nila si Ronnie na hub*’t hubad na nakaluhod habang nakatali ang mga kamay. Puno ng sugat, pasa at latay ang buong katawan habang hinahagupit ng latigo ng asawang si Lilian. Napag-alaman nila na hindi pala si Lilian ang totoong biktima ng pananakit at pang-aabuso kundi ang mister nitong si Ronnie. Nabunyag na may iba palang kinalolokohang lalaki si Lilian at nalaman iyon ni Ronnie. Dahil sobrang bait, martir at sobrang mahal ni Ronnie ang misis ay hinayaan nito ang ginagawang panloloko ng babae ngunit kapag nakakainom ang lalaki ay pinapaalala nito sa asawa ang kasalanan nito kaya humahantong sa mainitang pagtatalo. Imbes na si Lilian ang sinasaktan ng lalaki ay ang babae ang nananakit at nambubugb*g kay Ronnie. Isa palang [email protected] si Lilian kaya ganoon na lang kung saktan ang mister. Ang lalaki naman, sa sobrang pagmamahal sa asawa ay tinatanggap nito ang lahat ng pananakit huwag lang siyang iwan nito. Sa madaling salita, isang [email protected] husband si Ronnie. Inamin din ni Lilian na sinasadya nito na magdamit ng may manggas at magsuot ng sunglasses para isipin ng mga tao na siya ang biktima at ang mister ang masama, para hindi mabunyag na siya ang tunay na nagloloko sa kaniyang asawa.

Matapos na malantad ang katotohanan ay dinala ng mga tanod sa pulisya si Lilian para harapin at panagutan ang kasalanang nagawa. Dinala naman si Ronnie sa isang espesyalista para sumailalim sa counselling dahil sa matindi nitong pinagdaanan sa kamay ng asawa. Nakaramdam naman ng awa si Aling Nena at ang mga kapitbahay sa lalaki.

“Wala tayong kaalam-alam na iyon pala ang totoong nangyari. Hinusgahan natin si Ronnie ngunit ang totoo’y siya pala ang tunay na biktima. Kung titingan mo ay parang ang tikas at ang lakas na lalaki pero mahina naman pala pagdating sa pag-ibig,” napapailing na sabi ng matanda.

“Ang mahalaga ay lumabas ang katotohanan. Sana ay malampasan ni Ronnie ang mga nangyari sa kaniya at sana ay pagsisihan din ni Lilian ang kaniyang mga nagawa,” sambit naman ni Aling Myrna.

More Stories