Inday TrendingInday Trending
Biniro Niya ang Manliligaw na Bigas nalang ang Dalhin Kaysa Bulaklak, Hindi Niya Akalaing Tototohanin Nito ang Sinabi Niya

Biniro Niya ang Manliligaw na Bigas nalang ang Dalhin Kaysa Bulaklak, Hindi Niya Akalaing Tototohanin Nito ang Sinabi Niya

Si Mina ay isang dalagang hindi naniniwala sa mga romantikong bagay sa pag-ibig. Kaya naman isa siya sa mga tinaguriang “NBSB” o No Boyfriend Since Birth. Para sa kanya kasi, prayoridad niya ang kanyang pamilya. Hindi siya nakikisabay sa mga kaklase niyang mahilig gumimik at makipag-boyfriend. Sa hirap ng buhay nila, mas iniisip niya kung paano bubuhayin ang pamilya kaysa unahin ang pakikipaglandian sa iba. Ngunit dahil sa taglay niyang kagandahan ay marami siyang makukulit na manliligaw. Wala naman siya ‘ni isang sinasagot sa mga iyon. “Anak, wala tayong bigas.” Nalulungkot siya sa tuwing naririnig ang hinaing ng kanyang ina. Palagi kasi silang nauubusan ng bigas. Dahil doon ay tadtad na sila ng utang sa tindahan. Kung minsan ay ayaw na rin silang pautangin ng tindera ngunit dahil nangangako naman silang magbabayad ay wala na itong choice kundi pautangin sila. Habang nag-aaral sa eskwela ay nagtatrabaho rin siya bilang part-time cashier sa mismong eskwelahan nila. Isang araw ay may nakilala siya bagong transferee, na sa tantya niya’y galing sa pribadong eskwela dahil sa ayos ng pananamit at sa asal ng ugali. Mainipin ito sa pila at may pagkasuplado. “Bilisan mo naman, Miss nagmamadali ako.” “Wait lang po,” magalang niyang tugon sa antipatikong lalaki. “Anong wait lang? Ang haba-haba ng pila tapos may pa-wait wait ka pang nalalaman d’yan?!” sigaw ng lalaki na naging dahilan upang pagtinginan sila ng mga kapwa nila estudyante. “Kung hindi ka makapaghintay, doon ka mag-enroll sa school na walang pila,” sagot niya dito. Ang unang engkwentro nilang iyon ay nasundan pa ng maraming bangayan dahil naging magkaklase pa sila. Hindi nga nila lubos-akalaing dahil sa kanilang pag-aaway ay mauuwi sa pagiging close nila. Umamin ang binata sa kanya na gusto siya nito. “Ayokong magboyfriend, Cedrick. Priority ko ang pamilya ko,” diretsahang sagot niya dito. “At isa pa ayaw na ayaw ko ng mga romantikong bagay. Nakokornihan ako. Mas gugustuhin ko pang bigyan ako ng bigas kaysa sa bulaklak,” biro niya dito. Kinabukasan ay hindi niya lubos-akalaing magtutungo si Cedrick sa kanilang tahanan. Mayaman ang lalaki kaya naman nakakotse pa ito nang dalawin siya sa iskwater nilang tahanan. Hiyang-hiya tuloy siya dito. “Hi, Mina. May pasalubong ako sayo.” Umangat ang kilay niya sa sinabi ng lalaki, “Kung teddy bear o bulaklak ‘yan. Ibalik mo nalang sa pinagbilhan mo at masasayang lang ‘yan dito.” Umiling ang lalaki, “Hindi, teka lang ah.” Saka nito binuksan ang pinto ng likod ng kotse at hirap na hirap na inilabas ang isang kabang bigas. Halos lumuwa ang mga mata niya sa nakita, “Anong ibig sabihin niyan?” Nahihiya itong ngumiti, “Sabi mo kasi mas gusto mo ang bigas kaysa bulaklak diba? Eh gusto talaga kita, Mina kaya ito ang way ng panliligaw ko sayo.” Hindi alam ni Mina kung matatawa o kikiligin sa effort ng binata. Talagang binuhat nito ang isang kabang bigas mula kanto nila papasok sa makipot na eskinita patungo sa kanilang maliit na bahay. Hindi niya akalaing may ganito pa palang mayamang lalaki na kayang tanggapin ang isang dukhang katulad niya. Hindi lamang iyon, naging close din ito agad sa pamilya niya dahil magalang ito at palakaibigan sa personal. Akala niya’y antipatiko ito, ngunit nagkamali siya. Dahil ang unang impresyon niya dito noon ay ibang-iba pala sa tunay na ugali nito ngayon. Matapos ng ilang buwang panliligaw nito sa pamamagitan ng bigas at groceries, imbes na tsokolate’t bulaklak, ay sinagot niya na rin ang binata. Tawang-tawa talaga siya sa tuwing maiisip ang kakaibang panunuyo nito sa kanya. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement