Inday Trending

Inday Trending

Kinilabutan ang Magkasintahan nang Makitang Isang Binata ang Nahagip sa Kanilang Larawan, Sino Kaya ang Misteryosong Binatang Ito?

Kinilabutan ang Magkasintahan nang Makitang Isang Binata ang Nahagip sa Kanilang Larawan, Sino Kaya ang Misteryosong Binatang Ito?
MysteryStories

“Okay, smile! Magandang kuha! Nice shot!”

“‘Yong magkayakap naman. Good!”

“Ilapit mo ‘yong mukha mo sa nobya mo na para bang hahalikan mo. Ayan! Perfect!”

Sunod-sunod na utos na photographer sa limang taon nang magkasintahang si Agatha at Martin. Isang buwan na lamang kasi ay magpapakasal na ang dalawa, kaya naman ngayon ay nasa isang photo shoot sila para sa kanilang nalalapit na pag-iisang dibdib.

Matapos ang halos isang oras na kuhanan ng litrato, sa wakas ay natapos din ang pagkuha ng sangkatutak na larawan.

“Grabe, babe. Excited na ako sa kasal natin,” nakangiting wika ng lalaki sa nobya.

“Ako rin, sobra! Halika, tingnan natin ‘yong ilang kuha kung maganda ba,” sagot ni Agatha.

“Palagi ka namang maganda e,” malambing na sagot ni Martin.

Napangiti na lamang si Agatha at hinila ang kasintahan papalapit sa photographer.

“Nako, ma’am. Hindi pa po kasi ito na-process e. Ieedit po muna namin, tapos tatawagan po namin kayo,” sabi ng photographer.

“Ganoon ba? O sige, makakahintay naman kami,” sagot nila.

Makalipas ang isang linggo, agad namang tumawag ang photographer sa magkasintahan.

“Madam! Kailangan niyo pong makita itong mga litrato ninyo!”

“Bakit? May problema ba? Pangit ba ang make-up ko?” pabiro pang sagot ni Agatha.

“Sana nga po kung ganoon lang. Mahirap pong ipaliwanag sa tawag. Kung pwede ay pumunta na lang kayo rito, o magkita na tayo,” seryosong sagot ng photographer.

Labis namang nagtaka si Agatha. Tinawagan niya ang nobyo niya upang magpasama. Nang makarating doon, agad silang sinalubong ng isang assistant.

“Madam! Sir! Mabuti at dumating na kayo. Heto ho, tingnan ninyong maigi,” wika nito.

Nangilabot ang dalawa nang makita ang larawan. Isang lalaki ang nakakatakot na nakatayo sa bawat sulok ng kanilang mga larawan.

“P*cha! Ano ‘yan, multo?! Minumulto ba kami?!” sigaw ni Agatha.

“Babe, huminahon ka. Baka naman sa ilaw lang ‘yan? O kaya naman ay taong napadaan lang na nahagip ng camera?” pagpapakalma ni Martin sa nobya.

“Hindi, sir e, noong nandoon tayo, wala naman pong nakapansin na may ibang tao,” sagot ng photographer na kararating lamang.

Tuluyan nang nag-iiyak si Agatha sa takot.

“Anong ibig sabihin nito, babe? Baka may espirito na ayaw tayong mag-isang dibdib?” hagulgol ng babae.

“Ano ka ba? Mahal kita, mahal mo ako. Walang espirito ang makakapigil sa atin. Huwag kang mag-alalag at ipapasuri natin ito ngayon din,” sagot ni Martin.

Kahit pa puno ng takot ang puso ng dalaga, itinuloy pa rin ng magkasintahan ang kanilang kasal. Isang araw, habang naglalakad papunta sa kanyang sasakyan si Agatha galing sa pagsusukat ng kanyang wedding gown, naramdaman niyang may isang lalaki ang nakatingin sa kanya na tila ba minamanmanan ang bawat kilos niya.

Nang lumingon siya sa kanyang tabi, agad siyang kinilabutan nang makita ng personal ang imaheng nakuhanan sa larawan. Sa takot ay agad siyang nagtatakbo sa kanyang kotse, agad itong pinatakbo, at mabilis na umalis sa parking lot.

“Babe! Nakita ko! Nakita ko!” sigaw ni Agatha sa kanyang cellphone habang kausap ang nobyo.

Ikinwento niya ang kanyang mga nakita. Pinuntahan naman siyang agad ni Martin upang pakalmahin.

Isang linggo ang lumipas, at dahil sa labis na pagka-abala ni Agatha sa nalalapit niyang kasal ay tila ba nakalimutan na niya ang mga nakita. Sa wakas ay dumating na ang araw ng pag-iisang dibdib nila ng kanyang nobyo.

Naging engrande at malapanaginip ang kanilang selebrasyon, maglalakad na si Agatha papunta sa altar upang sa wakas ay maiabot ang kanyang kamay sa kanyang magiging mister. Ngunit halos matumba sa takot si Agatha nang makitang muli ang imahe. Nakatayo ito sa altar, malapit sa kanyang asawa.

Imbis na mabagal na paglalakad, napakatakbo si Agatha sa altar nang makitang gumagalaw papalapit sa kanyang nobyo ang imahe.

“Babe!” sigaw ni Agatha. Ngunit hindi na siya umabot, at tuluyang nakalapit ang imahe.

Naging napakabilis ng mga pangyayari. Nakita na lamang ng lahat na nakahandusay sa lapag ng simbahan ang kawawang si Martin, habang tumatakbo naman papalapit ang lalaki sa larawan papalapit kay Agatha.

“Akin ka lang! Akin lang!” ilan sa mga salitang lumabas sa bibig nito.

Bago pa man makalapit ang lalaki kay Agatha, mabuti na lamang at isang pulis ang isa sa mga ninong sa kasal ng magkasintahan. Agad nitong sinunggaban ang lalaki at saka pinosasan.

Maya-maya pa ay dumating na rin ang iba pang mga pulis, at hinuli na ang lalaki. Naisugod rin naman kaagad si Martin sa ospital, at sa kabutihang palad ay walang tinamaang lamang loob ang binata.

Napag-alaman na ang imahe pala ay ang lalaking baliw na baliw sa dalaga. Dati itong kaklase ni Agatha noong hayskul, at nang malamang ikakasal na ang dalaga ay sinundan na siya nang sinundan.

Palagi lamang din itong nakasuot ng itim na damit at sumbrero upang hindi siya makilala. Kaya naman di inaasahang makuhanan siya kasama ng litratong gagamitin ng magkasintahan sa kanilang kasal dahil simula pa noon ay matagal na silang minamanmanan nito.

Naging mabilis ang hustisya at agad naipakulong ang lalaki. Laking pasasalamat na lamang din ng lahat at walang nangyaring masama kay Martin.

Ilang buwan ang lumipas at itinuloy na nila ang natigil na kasal. Sa panahong iyon, siniguro nila na wala nang makakapigil pa sa kanilang pag-iisang dibdib. Masayang-masaya ang dalawa, habang nabubulok sa kulungan ang lalaki.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

More Stories