Inday TrendingInday Trending
Kakaibang Surpresa ang Natanggap ng Isang Ama Mula sa Anak, Kataka-takang Ito Pa ang Naging Dahilan ng Pagbabago Niya

Kakaibang Surpresa ang Natanggap ng Isang Ama Mula sa Anak, Kataka-takang Ito Pa ang Naging Dahilan ng Pagbabago Niya

“Mama, ilang tulog pa bago ‘yung birthday ni Papa?” tanong ng pitong-taong anak ni Elena na si Stacey. “Dalawang tulog pa anak, bakit?” balik-tanong niya sa anak. Ngunit imbes na sagutin ay ngumiti lang ito at tila may isinulat sa notebook. Napapansin niyang araw-araw ay may inilalagay ito sa piggy bank niya at kukulitin siya kung ilang tulog na lang daw ang birthday ng papa niya. Pagkatapos ay magsusulat na ulit sa notebook. Kapag tinatanong niya naman ito ay puro ngiti lang ang sinasagot ng anak. Hinahayaan niya lang ito, baka balak surpresahin ang ama. Si Stacey ay ang nag-iisang anak nina Elena at Sammy. Isang simpleng kasambahay lamang si Elena samantalang driver naman ang asawang si Sammy. Dahil nag-iisang anak ay natututukan nila si Stacey at nabibigay ang halos lahat ng gusto nito. Gayunpaman ay hindi lumaking matigas ang ulo nito. Sa halip ay napaka-sweet nitong anak at sa edad na pito ay may kunswelo na sila dito. Nauutusan na kasi nila itong bumili sa tindahan at nakakapaglinis na ito kwarto nito. Halos perpekto na nga ang pamilya nila, bukod sa bisyo ng kanyang asawa. Mahilig kasi itong manigarilyo at nag-iinom tuwing linggo kapag nayaya ng barkada. Hindi naman ito nakakaperwisyo kapag nalalasing pero syempre ay inaalala lang nilang mag-ina ang kalusugan nito. Sumapit ang birthday ni Sammy. May inuman muli sa bahay nila. May pasok sa eskwela ang anak nilang si Stacey kaya naman nagpaalam muna si Elena na susunduin niya muna sa school nito ang anak nila. Nakita niyang nakaabang na ang anak sa may gate ng eskwela. Tila excited ito, “Kamusta ang school anak?” “Okay naman po, Mama!” Isasakay niya nalang ang anak sa tricycle nang hilahin siya nito pabalik, “Teka lang po mama, may inaantay pa po ako.” Nangunot ang noo niya, “Ano ‘yun anak?” “Yung surprise ko po kay, Papa!” anito sabay tawa. Napangiti siya, “Kaya naman busyng-busy ka kakasulat at kaka-save ng money ah.” Hindi niya nakita kung ano eksakto ang regalo nito, inihatid lang ito ng nanay ng kaklase nito. Sa pagkawari niya’y isa itong cake. “Sweet naman ng baby namin sa Papa niya, selos si Mama,” biro niya dito. “Don’t worry Mama, meron ka din pag birthday mo na.” Pag-uwi ay excited na binigay ni Stacey ang regalo sa ama. “Wow, may pa-cake pa ang anak ko sa akin ah,” pagmamalaki ni Sammy sa mga kumpare. Nang buksan niya ang laman ng box at makita ang design ng cake ay nagulat ang lahat. Isa pala itong cake na ang design ay alak at sigarilyo. May maliit na sulat sa gilid ng box, binuksan niya ito at binasa. Dear Papa, Happy b-day po! Papa sana ganito nalang kainin mo, ‘wag na alak at sigarilyo. Parehas lang naman sila diba? Lagi kita ibibili nito basta promise mo sakin tigil ka na sa totoo ah? Love love ka namin ni Mama! Gusto namin healthy ka. Stacey Naiyak na lamang si Sammy sa surpresa ng anak. Simula noon ay unti-unti niya nang tinigil ang bisyo. Naisip niyang dapat niya ngang mahalin ang kalusugan para sa kanyang pamilya. Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement