Inday TrendingInday Trending
Madalas Bastusin ng Dalaga ang Kanyang Binging Ina, Huli na ang Lahat nang Magsisi Siya sa Maling Ginawa

Madalas Bastusin ng Dalaga ang Kanyang Binging Ina, Huli na ang Lahat nang Magsisi Siya sa Maling Ginawa

“Ano ba naman yan, ‘Nay! Ilang beses ko nang isinulat at pinaalala na hindi na nga ikaw ang aattend sa PTA meeting namin, hindi mo pa rin nagets! Ikaw pa rin ang nagtungo doon. Nakakahiya tuloy sa mga kaklase ko! Sabi nila bingi daw ang nanay ko!” Ika ni Mae sa kanyang ina na habang nanenermon ay sinasabayan ng hand gesture upang maintindihan nito ang sinasabi niya. Naiinis na naman kasi siya sa kanyang binging ina dahil sa makulit nitong pagdedesisyong mag-isa. Gusto niya kasing ang tiyahin nalang ang magtungo sa kanilang parent-teacher association meeting dahil aminado siyang ikinahihiya niya ang may kapansanang ina. “Pasensya ka na, anak. Gusto ko lang kasi makilala ang mga kaklase mo,” ika nito kasabay ng pag-hand gesture rin dahil sa kapansanan. Ngunit hindi niya pinakinggan ito, sa halip ay inirapan pa ito at nilayasan. Nagdesisyon siyang magtungo at pumisan muna sa kanyang nobyo. Sinabi niya ang problema sa nobyo. Hindi naman siya kinampihan nito at pinagsabihan rin, “Sigurado akong may mabuting dahilan si nanay mo para doon. Malay mo gusto niyang lang masigurado ang safety mo kung kaya gusto niyang makilala ang mga kaklase mo.” Sa kabila ng mga sinabi ng nobyo ay hindi pa rin siya nagpaawat sa paglalayas. Dahil ang bunsong kapatid lang naman ng nobyo ang kasama nito sa bahay ay nakituloy siya dito ng isang linggo. Nagtataka naman siyang hindi siya sinusundo ng kanyang ina. Kaya naman nagdesisyon siyang magtext sa kanyang tita Berna upang pasimpleng itanong ang kalagayan ng kanyang ina. Sa loob ng isang linggo ay ngayon niya lang muli binuksan ang kanyang cellphone. Alam niya kasing kukulitin lang siya ng pamilyang pauwiin siya. Ngunit sa pagbukas niya nito ay nagtaka siya sa napakaraming text messages at missed call mula sa kanyang ina’t tiyahin. Pinaka-recent na ang sa kanyang Tita Berna. Binasa niya ang huling text message nito, “Umuwi ka dito. Kailangan ka ng nanay mo.” Kinabahan siya sa sinabi nito kung kaya’t tinawagan niya ito agad, “Hello, Tita?” “Asan ka ba?” halos pasigaw na ang tono ng boses nito. “Malubha na ang sakit ng nanay mo. Ang sabi niya’y nasa boyfriend mo daw ikaw, hindi ko naman alam kung saan ‘yan!” Agad siyang nataranta sa narinig. Hindi niya na pinahaba pa ang usapan. Kinuha niya lang ang address at pangalan ng ospital kung saan ito naroon at agad niyang pinuntahan ang kanyang ina kasama ang nobyo. “Ma!” halos liparin niya ang mga hakbang mula pinto patungo sa kama kung saan naroon ang kanyang ina. “Ma, sorry po!” Nalaman niyang cancer pala ang sakit nito. Ang tumor pala na tumubo sa malapit sa tainga nito ang naging dahilan kung bakit nabingi ang kanyang ina. At ngayo’y nadevelop ito bilang cancer. Panay ang hingi niya ng tawad sa nanay niya. Sinisi niya pa ito sa pagiging bingi, yun pala’y may dinaramdam na ito. Simula nang nangyari iyon ay bumawi siya dito at halos hindi na lumisan sa tabi ng ina. Labis ang pagsisisi niya sa lahat ng kagaspangan ng ugali na ipinakita niya dito sa kabila ng kabutihang ipinamalas nito sa kanya. Nagdasal siya sa Diyos na sana’y mabigyan pa ng mas mahabang buhay ang kanyang ina upang mas mahaba pa ang panahon ng kanilang pagsasama. Ipinapangako niyang tutuparin niya lahat ng pangarap ng ina para sa kanya. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement