Inday TrendingInday Trending
Pinagpira-pirasong Kapalaran

Pinagpira-pirasong Kapalaran

“Nakakatakot na talaga sa panahon ngayon. Kaya ikaw, Emma, mag-ingat ka sa mga nakikilala mo sa social media, ha. Baka kriminal na pala iyan,” paalala ni Nina sa kaibigan habang sila ay nakatambay sa paborito nilang coffee shop. Nakauwi na sila galing sa trabaho kaya sila ay nagre-relax na lamang.

“Maingat ako, friend. Tinitignan ko muna kung maganda ang background. Hindi ako nakikipagkilala sa kung sino lang,” sabi ni Emma sa kaibigan.

“Payo lang naman ang sa akin, friend. Tignan mo ang balita ngayon. Isang babae pin*tay ng naka-meetup niya sa loob ng motel,” hintakot na pagbabalita ni Nina.

“Huwag kang mag-alala. Kapag nagkaroon ako ng ka-chatmate ulit ipapaalam ko sa iyo ang detalye ng buhay niya para alam mo rin kung sino ang hahantingin kapag nanganib ang buhay ko,” pabirong sabi ni Emma sa kaibigan.

Isang araw may isang estrangherong lalaki ang bigla na lamang nag-chat at nakipagkilala kay Emma sa Facebook Messenger. Nang tignan niya ang profile nito ay agad na nahumaling si Emma dahil pasado sa kaniyang panlasa ang pisikal na katangian nito. Chinito, maganda ang pangangatawan, maputi at malinis tignan. Tinignan din niya ang iba pang mga larawan nito. Mukhang matino naman. Financial analyst ang nakalagay na trabaho nito.

“Hello, Emma. Your profile got my interest. Can we be friends?” tanong ng lalaki. Adrian Larazabal ang nakalagay na pangalan nito. “Sure. Why not? Where are you from? Ilang taon ka na?” tugon naman ni Emma.

Doon na nagsimula ang kanilang pag-uusap sa pamamagitan ng chat. Walang araw na nagmintis sina Emma at Adrian sa pagcha-chat. Minsan ay nasisita na si Emma ng kaniyang boss dahil panay raw ang hawak niya sa cell phone niya. Si Adrian naman ay hawak niya ang kaniyang oras. Nagiging abala lamang ito kapag may kliyente at kapag may pulong sila.

Matapos ang halos isang buwang pag-uusap sa pamamagitan ng chat ay ipinasya nilang magkita. Kahit maaari naman ang video call mas gusto ni Emma na sa personal unang masilayan ang mukha at marinig ang tinig ni Adrian.

At nagkita na nga sila. Kumain sila sa labas. Nanood ng sine. Nagkape sa isang sikat na coffee shop. Hindi sila nauubusan ng kuwento. Parang ayaw na nilang umuwi sa kani-kanilang mga bahay. Hanggang sa napagpasyahan nilang magcheck-in.

Sa unang araw ng kanilang pagkikita ay isinuko ni Emma ang “Bataan” sa estrangherong lalaki. Ewan niya pero gusto niya si Adrian. Ang katwiran niya, bakit pa kailangang patagalin at magpabebe kung gusto mo naman ang isang tao? At sa gabi ding iyon na nagniig sila ay naging pormal ang kanilang relasyon.

Matapos ang dalawang buwang relasyon inaya ni Adrian si Emma na lumipat na sa kaniyang bahay. Tutal naman daw at malapit lamang ang lokasyon nito sa trabaho ni Emma. At dahil nangungupahan lang naman din siya tinanggap ni Emma ang alok nito.

Pagdating ni Emma sa bahay ni Adrian ay may naramdaman siyang kakaiba sa bahay nito. Hindi niya maipaliwanag. Ngayon lamang siya nakakita ng bahay na halos itim ang pintura. Nagmukha tuloy madilim ito.

May kakaiba rin itong amoy. Parang nabubulok. Hinanap niya ang pinagmumulan ng amoy. Nagmumula sa refrigerator nito.

Nagulat si Emma dahil halos mapuno ng karneng nakasilid sa plastik ang refrigerator ni Adrian. Halos nabubulok na ang iba.

“Ang baho. Ano ba ito? Bakit hindi mo pa itapon ang mga ito?” sabi ni Emma. Hindi niya kinaya ang nakasusulasok na amoy ng nabubulok na karne kaya nahilo siya’t dumuwal.

“Pasensya na. Hindi kasi ako marunong maglinis ng ref,” sagot ni Adrian.

Sinara ni Adrian ang pinto. Napansin ni Emma na nilagyan ng kandado ang double-lock ng pinto ng bahay.

“Ipagluluto kita. Anong gusto mong kainin? Sinigang? Adobo? Nilaga? Bulalo?” tanong ni Adrian kay Emma. “Kahit ano na lang. Pero sana huwag naman iyang mga karne sa ref mo. Parang hindi na sariwa,” parang nandidiring sabi ng babae.

“Huwag kang mag-alala. May stock pa ako,” nakangiting sabi ni Adrian.

Nagtungo ito sa kusina. May isa pa pala itong malaking freezer. Inilabas nito ang isang malaking plastik at kumuha ng karne.

Nanlaki ang mga mata ni Emma nang matitigan ang karneng inilabas ni Adrian. Hindi siya namamalikmata. Braso ito mula sa tao.

“Ano iyan? Bakit may braso ka ng tao diyan?” nasisindak na tanong ni Emma kay Adrian.

Sa isang iglap, ang maamong mukha ni Adrian ay tila naging mukha ng isang “psychotic.” Nakakatakot ang itsura nito.

“Sabi ko naman sa iyo ‘di ba na kakain tayo. Ipagluluto kita. Bulalo ang specialty ko,” turan ni Adrian. Hiniwa nito ng kutsilyo ang hawak na braso.

Tinungo ni Emma ang unang refrigerator ni Adrian na pinagmumulan ng nabubulok na amoy. Isa-isa niyang tinignan ang mga ito. Lalong nanlaki ang kaniyang mga mata. Mga bahagi ng katawan ng tao ang mga nabubulok na karne!

“Sino ka? Ano ka ba? Bakit may mga katawan ng tao rito? Pumap*tay ka ng tao?” takot na takot na tanong ni Emma sa kasintahan. “Oo. Pagkain ko sila. Isa akong cannibal. Hindi ko naisalaysay sa iyo na namuhay ako ng matagal sa ibang bansa. Doon ko natutuhan ang pagkatay at pagkain sa karne ng tao. Mas masarap. Mas masustansiya,” nanlilisik ang mga mata ni Adrian.

Tinangkang umalis ni Emma mula sa loob ng bahay ni Adrian subalit kinandado ng lalaki ang kaniyang pinto kaya hindi siya makaalis.

Papalapit na sa kaniya si Adrian. Hawak nito ang kutsilyo. Nakangisi itong lumapit kay Emma. Hindi nakahuma si Emma.

“Ngayong alam mo na ang lihim ko at dahil iyon ang dahilan kung bakit kita pinapunta rito kailangan mo nang mawala. Masarap ka, Emma. Gusto kitang ulamin,” wika ni Adrian.

Inundayan si Emma ng s*ksak ni Adrian. Sumalag siya subalit hindi niya na napigilan ang pagtarak ng kutsilyo sa kaniyang katawan. Paulit-ulit. Naligo sa dugo ang katawan ni Adrian.

Nilasahan ito ng lalaki at nasiyahan siya. Kinaladkad niya patungong kusina ang duguang katawan ni Emma. Itinuloy pa rin ni Adrian ang pagluluto niya ng bulalo.

Tinawagan niya ang kaniyang mga kaibigang cannibal na narito na sa Pilipinas. Magpi-piyesta sila. Sariwa at bagong katay ang karne. Karne ng katawan ni Emma na pinagpira-piraso at isinalpak sa kaldero.

Habang tinatadtad ni Adrian ang mga braso ni Emma upang gawin namang sisig dumating ang mga pulis kasama si Nina at sapilitan silang pumasok sa bahay ni Adrian. Dinakip nila ito. Natuklasan nila ang mga katawan ng tao sa mga refrigerators nito.

Nagimbal naman si Nina nang makita ang pugot na ulo ni Emma at ang mga hati-hating katawan nito.

Habang magkasama pala sina Emma at Adrian ay updated si Nina. Tinotoo ni Emma ang pangako sa kaibigan na ibabahagi kay Nina ang updates kung sakaling magkakaroon siya ng chatmate. Sinabi rin ni Emma na titira na siya sa bahay ni Adrian. Naipadala niya rito ang kompletong detalye ng tirahan nito.

At bago ang malagim na pagp*tay ay nakapag-text pa si Emma na tulungan siya ni Nina dahil nasa panganib ang kaniyang buhay. Subalit huli na pala ang lahat.

Walang kamag-anak si Emma kaya si Nina ang nag-asikaso ng kaniyang libing. Hindi na niya hinayaang maiburol pa ito dahil sa kalunos-lunos na sinapit nito.

Nakakakapanghinayang na nasayang ang buhay ni Emma dahil binigay niya ang buo niyang tiwala sa isang taong kakikilala niya pa lamang. Kung naging mas maingat lang sana siya ay hindi mauuwi sa pira-piraso ang kaniyang kapalaran.

Advertisement