Inday Trending

Inday Trending

Nahihiyang Pumunta sa Reunion ang Babae Dahil ‘Di Naman Siya Nakapagtapos ng Pag-Aaral, Napangiti Siya sa Mensahe ng Dating Kaklase

Nahihiyang Pumunta sa Reunion ang Babae Dahil ‘Di Naman Siya Nakapagtapos ng Pag-Aaral, Napangiti Siya sa Mensahe ng Dating Kaklase
InspiringStoriesSuccess

Sa tuwing may reunion ang batch nila Mirasol ay hindi siya nagpupunta kahit pa nga lagi naman siyang iniimbitahan ng mga dating kaklase. Simula kasi nang mabuntis siya noong siya ay nasa unang taon pa lang ng kolehiyo ay hindi na niya nagawan pang bumalik sa pag-aaral.

“Mahal, nakita ko sa facebook may reunion yung kaklase mo noong college. Malapit lang yun dito sa atin di ka ba pupunta?” tanong ni King, ang asawa ng babae.

Image courtesy of www.google.com

“Naku mahal, pa-bonggahan lang naman ang madadatnan ko doon kaya dito na lang ako sa bahay,” sagot naman ni Mirasol sa asawa.

Image courtesy of www.google.com

“Parang napapansin ko lang, wala kang kaibigan sa college friends mo noon ano? Pero noong nakilala naman kita, ang dami-daming nagmamahal sa’yo. Ikaw pa nga ang Presidente sa klase nyo diba?” saan namang muli ng lalaki.

“Dati lang yun. Saka 1st year lang naman kasi ang pinagsamahan naming ng mga iyon kaya baka hindi na nila ako naaalala pa,” malungkot na sagot naman ni Mirasol.

“Pasensya kana mahal ha. Hindi ka na nakapag- college pa dahil maaga tayong nagka-pamilya. Sigurado ka bang ayaw mong ituloy ang pag-aaral mo?” wika naman ni King sabay na umupo sa dulo ng kanilang kama.

Image courtesy of www.google.com

“Mas importante kayo ng anak mo at hindi ko pa feel na mag-aral ulit. Pero malay mo isang araw mauntog ako at gustuhin ko ulit makapagtapos. Sana forever available ang offer mo,” nakangiting baling ni Mirasol sa mister.

Ginugol ni Mirasol ang kaniyang oras sa pagpapalaki ng kanilang nag-iisang anak. Ang asawa na lamang niya ang nakapagtapos at ngayon ay nagtatrahaho. Maayos ang buhay nila at masasabi niyang masaya siya ngunit hindi rin mawala ang inggit kahit paano. Lalo pa sa mga nakikita niyang post ng mga dati niyang kaibigan.

Kaya naisipan niyang mag-chat sa mga ito at tingnan kung sino ang sasagot. Naghintay siya nga halos dalawang araw ngunit kahit isa ay walang pumansin sa kaniyang mensahe.

“Mahal, kapag ba may nag-chat sayo na kaibigan mo na sobrang tagal mo nang hindi nakakausap ay papansinin mo?” tanong ng babae sa kaniyang mister.

“Depende mahal, kung mukhang uutang ay hindi ko na bubuksan,” tumatawang sagot naman ni King , natawa na lang rin si Mirasol sa biro ng mister.

Baka nga akala ng iba niyang kaklase dati ay mangungutang siya dahil wala namang rason para mapa-chat nga naman sya ng personal. Nasa group naman nila ang detalye pa-tungkol sa nalalapit na reunion.

Maghahanda na ng hapunan si Mirasol at monggo ang naisipan niyang lutuin ngayong gabi nang biglang tumunog ang kaniyang messenger.

Image courtesy of www.google.com

“Mirasol, napa-chat ka,kamusta na? Pupunta ka ba sa reunion, ano ang maitutulong ko?” mensaheng nabasa ng babae na galing sa kaniyang dating kaklaseng si Paola.

Image courtesy of www.google.com

“Wala naman akong kailangan actually, nag- chat lang ako kung may magrereply sa mga classmates natin dati pero ikaw lang ang bukod tanging sumagot,” tumatawang pahayag ni Mirasol sa chat.

“Naku pasensya ka na, hindi na rin kita na-kamusta. Ganun naman yata talaga pag abala na ang tao minsan nakakalimot magkamustahan pero pag nag-usap naman ay okay pa rin,” baling naman ni Paola.

“Iniisip ko nga baka kaya hindi niyo ako kinakausap kasi hindi naman ako naka-graduate at hindi niyo naman ako ka-level. Nakakahiya nga namang maging kaibigan ang gaya kong nanay lang,” malungkot na na mukha ang kasunod sa mensaheng iyon ni Mirasol.

Sa unang pagkakataon ay may nakausap siyang ka-batch niya at pakiramdam niya ay gusto niyang maglabas bigla ng mga hinaing.

“Pero hindi naman ako nagsisisi sa pagiging nanay at masaya ako kahit wala akong narating kagaya niyo ay may pamilya pa rin akong itinuturing ko namang kayamanan ko,” sabay bawi niya.

“Hala ka mumsh! Huwag ganyan ang mindset. Tandaan mo, hindi diploma ang magtatayo sa ating mga bandera. E ano kung hindi ka nakapagtapos? Hindi ibig sabihin noon ay hindi ka successful.

Dahil hindi lahat ng successful nakapagtapos at hindi rin lahat ng nakapagtapos ay successful na ngayon. Kaya wag mong I-down ang sarili mo! Kung pakiramdam mo naman na wala kang kaibigan, I am just one chat away, tara meet-up!” baling naman sa kaniya ni Paola.

Napangiti si Mirasol sa nabasang mensahe sa kaniyang dating kaibigan na ngayon ay kaibigan pa rin pala niya. Simula noon ay hindi na nahihiyang sumagot si Mirasol sa kanilang group chat at ngayon ay napagpasyahan din niyang pumunta sa kanilang reunion kasama si Paola.

Doon napagtanto niyang hindi importante kung ano ang tinapos ng isang tao dahil mas importante kung sino at ano sila sa kanilang kapwa noong nakamit na nila ang kanilang diploma.

More Stories