Dahil Nakapangasawa ng Foreigner ay Biktima ng Chismis ang Babae Mula sa mga Inggitera, Nakonsensya Sila nang Malamang May Taning na Ito sa Buhay
Galing sa napakahirap na pamilya si Estrella kaya naman walang nag-akala na papakasalan ito ng isang mayamang foreigner na nakilala niya sa chat at makakapanirahan pa sa ibang bansa.
Hindi sanay ang misis na hindi kasama ang mga magulang kaya’t madalas itong ma-home sick. Isa na rin ito sa dahilan kung bakit siya ay talaga namang aktibo sa social media. Ang mga kapitbahay nila sa squatters area ay bilib na bilib kay Estrella samantalang ang mga kapwa Pinay at Pinoy na kasamahan nila sa simbahan at sa trabaho sa bansang tinitirhan ay nagsisimula nang mag tsismisan ukol sa nasobrahang pagpopost nito ng detalye ng buhay sa social media.
Lingid sa kaalaman ng lahat, may malubha itong karamdaman at tinaningan siya ng kanyang doktor ng limang taon. Nagdesisyon si Estrella na huwag na itong ipaalam sa ibang tao at magpakasaya na lamang. Aniya, kaniyang lulubusin ang natitira niyang limang taon sa mundo. Tanging mga magulang, asawa at dalawang anak lamang niya ang nakakaalam at masinsinan nilang pinag-usapan na gawin na lamang pribado ang lahat.
Lahat na yata ng klase ng pangungutya ay sinabi kay Estrella habang siya ay walang kamalay-malay na kinaiinisan na pala siya. May pagkakataon pa na pinaparinggan siya ng mga ito sa kanilang mga posts. Nariyan din na sabihan siyang social climber, over acting, mayabang, akala mo kung sino, at kung ano-ano pa. Pinagtatawanan siya ng mga ito at hinahamak. Ang bestfriend nitong si Michael lamang ang nagpaparating ng balita kay Estrella kaya naman napagdesisyonan niyang sabihin na dito ang lihim.
Labis na nagulantang si Michael sa narinig kaya naman lalo itong nagalit sa mga tao. Hindi na ito nakatiis sa labis na sama ng loob dahil sa mga pinagsasasabi ng mga kaibigan sa kaniyang bestfriend. Tahasan na niyang sinabi sa mga ito na tigilan na ang pangbubully dito at hayaang maging maligaya sa nalalabi niyang buhay.
Lubos naman ang pagkapahiya at pagsisisi ng mga tao sa ginawa nila kay Estrella. Dumalaw sila sa bahay nito at nagdala ng mga pagkain at regalo. Tila hindi naman natuwa si Estrella sa ginawa ni Michael ngunit naunawaan niya naman na gusto lamang siya nitong ipagtanggol.
Dumaan ang anim na buwan, tila hindi naging maganda ang epekto ng mga iniinom na gamot ni Estrella. Labis ang panghihina nito, bagsak ang katawan at hindi na nito kinayang bumangon pa sa kama.
Nalaman ang malungkot na balita ng mga ka-miyembro niya sa simbahan at araw-araw nila itong pinagdarasal. Lahat ng paraan ay ginawa ng asawa nitong si Tom upang mapagaling siya. Araw araw nilang kinakausap sa video chat si Estrella sapagkat bawal itong makisalamuha sa maraming tao upang di makasagap ng virus bilang mahina na ang immune system nito.
Matapos ang isang taong tuloy tuloy na pagpapagamot, pagdarasal at pag-suporta ng mga kaibigan ay unti unting lumakas si Estrella. Hindi makapaniwala ang kaniyang doktor sa nakita. Tila nagbalik sa dating lakas ang pangangatawan nito at wala na ring makitang mali sa sistema at internal organs niya.
Pinahintulutan na itong bumalik sa trabaho at gumawa ng mga bagay na nakasanayan niya. Labis naman ang pagpapasalamat ni Estrella sa mga taong tumulong sa kaniya sapagkat tila dininig ng Panginoon ang lahat ng panalangin ng mga ito.
Simula noon ay natuto ang kaniyang mga kaibigan at kapwa miyembro sa kanilang community church na huwag maging mapanghusga at maging sensitibo sa kalagayan ng bawat isa.
Laking pasasalamat rin ni Estrella sa kaniyang pamilya sa Pilipinas na kahit kailan ay hindi naging pabigat sa kaniya. Kahit mayaman ang napangasawa ni Estrella ay hindi tumanggap ng pera ang kaniyang mga magulang mula sa anak.
Nagpasya ang mga miyembro ng kanilang community church na mag ambag upang ipagawa ang bahay ng mga magulang ni Estrella sa Pilipinas. Napagtanto ni Estrella na hindi lahat ng nakakagawa ng mali ay sobrang sama na bagkus may pagkakataon din upang bumawi at pagsisihan ang lahat ng hindi magandang nagawa.
Naging mas matatag ang samahan ng mga magkakaibigan at bawat isa sa kanila na may pinagdaraanang pagsubok ay agad nilang tinutulungan. Naging preacher na rin si Estrella sa kanilang simbahan at nakarating ng iba’t ibang bansa upang ibahagi ang naranasang himala.
Naranasan mo na rin bang maging biktima ng tsismis? Humingi ba ng tawad sa iyo ang mga taong nakagawa ng mali sa iyo? Paano mo sila napatawad? sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.