Isang Gabing Umuulan, Isang Nakahandusay na Dalaga ang Tinulungan ng Mabait na Ginang, Kinupkop, at Pinayagang Magtrabaho sa Kaniya Bilang Kasambahay; May Misteryo Pala sa Pagkatao Nito

Kilalang maawain at pilantropo ang negosyanteng si Karenina kaya naman marami ang lumalapit sa kaniyang mga nangangailangan, na walang pagdadalawang-isip na tinutulungan naman niya. Kaya naman isang gabing maulan, hindi siya nagdalawang-isip na papasukin sa bahay ang isang dalagang nakahandusay sa harapan ng kanilang bahay.

Matapos mabigyan ng pamalit na damit at mapakain, inusisa niya ang dahilan kung bakit ito nasa labas ng kanilang tarangkahan. May dala itong bag na maraming lamang damit. Sa hinuha ay tila naglayas ito.

a university student of asian heritage experiencing financial or emotional stress at home in her apartment. - sad asian woman stock pictures, royalty-free photos & images

“Hija, ikuwento mo sa akin ang nangyari. Napaano ka ba?”

“Ma’am, galing po ako sa probinsiya at nagbaka-sakali po rito sa Maynila. Kaya lang, apat na araw na po akong walang makain, kaya nahilo po ako. Puwede po ba akong mamasukan bilang kasambahay ninyo? Para lang po may matuluyan ako,” pagmamakaawa ng dalaga.

“Wala namang problema sa akin. Kaya ko pa naman. Kaya lang, itatanong ko sa mister ko kapag bumalik na siya. Nasa seminar kasi siya sa trabaho, at kapag pumayag siyang ipasok ka rito, sige, wala namang problema sa akin.”

Sa pagkauwi ng mister ni Karenina na si Miguel, pumayag naman ito sa pakiusap ng misis na patirahin sa kanilang bahay ang dalagita, at mamasukan ito bilang kasambahay. Masipag naman sa gawaing-bahay ang dalaga, mahusay maglaba, at higit sa lahat, mahusay magluto.

“Naku, magaling naman palang magluto itong si Letty eh. Mabuti at natuto kang magluto?” papuri ni Miguel kay Letty.

“Opo, sir. Sa aming probinsiya po, talagang ako po ang tagaluto sa amin,” sagot naman ni Letty.

Advertisement

“Hulog ka ng langit sa amin, Letty. Hindi kasi ako gaanong masarap magluto, kaya mabuti na lamang at napadpad ka rito sa amin,” saad naman ni Karenina sa kasambahay.

“Naku Ma’am, hindi naman po…”

Nang pumasyal ang Mama ni Karenina, ibinida niya ang dalagia rito, at isinalaysay dito ang naging dahilan kung paano napadpad sa kanilang poder si Letty.

“Anak, masyado kang mabait at maawain. Pero sana naman, nag-imbestiga ka muna kung saang pamilya nagmula ang babaeng iyan. Hindi naman sa nanghuhusga ako, anak… pero siyempre, iba pa rin kapag na-background check,” saad ng Mama ni Karenina.

adult woman and senior mother talking on front porch - asian old mother and middle aged daughter stock pictures, royalty-free photos & images

“Ma, sa loob ng dalawang buwan pamamalagi rito ni Letty, napatunayan kong mapagkakatiwalaan naman siya. Minsan nga isinasauli niya ang mga perang napupulot niya rito sa bahay, na sinasadya ko namang iwan para malaman kung tapat ba siya. Saka wala naman akong mabigat na pakiramdam laban sa kaniya,” pagtatanggol ni Karenina sa kaniyang kasambahay.

“Sinasabihan at pinaaalalahanan lamang kita, anak. Sa panahon ngayon, hindi dapat basta-basta pinagkakatiwalaan ang mga tao. Minsan, nakakagat natin ang ating sariling dila. Hindi masamang mag-ingat.”

Hindi pinakinggan ni Karenina ang kaniyang Mama. Wala naman siyang nakikitang masama sa mga galaw ni Letty.

Isang araw, umalis si Karenina upang magtungo sa isang outreach program na kaniyang taunang pinupuntahan. Subalit may nakalimutan siya sa bahay kaya agad niyang sinabihan ang driver na bumalik sa kanila. Pagdating sa bahay, minabuti niyang pumasok sa loob gamit ang kaniyang sariling susi upang hindi na makaistorbo ng mga kasambahay.

Advertisement

Sa sala, naulinig niyang may kausap si Letty sa quarters nito. Lumapit siya sa bandang pintuan. May kausap ito sa video call. Pinakinggan niya ang sinasabi nito.

“Mahal ko… uwi ka na rito, wala na si Karenina. Mabilis lang…”

Nanlaki ang mga mata ni Karenina nang masipat kung sino ang kausap nito sa video call: isang lalaki pamilyar sa kaniya. Walang iba kundi ang kaniyang mister na si Miguel!

“Oo, uuwi kaagad ako nang maaga. Nasasabik na rin ako sa iyo, Mahal ko. Magkasama na nga tayo sa iisang bahay, pero parang ang layo-layo natin sa isa’t isa. Tagumpay na nga ang plano nating kunwari ay nahim@tay ka dahil sa pagod para maawa sa iyo si Karenina’t patuluyin ka sa bahay, pero ‘di pa rin tayo makayakap,” saad ni Miguel. Nasa opisina ito.

business man using a tablet next to a window - middle aged asian man using a tablet stock pictures, royalty-free photos & images

“Eh siyempre kailangan ko munang umarte! Kailangan nating mag-ingat mahal para hindi tayo mabuko. Kailangan bait-baitan, at kunwari walang muwang para hindi siya maghinala. Miss na miss na kita, Mahal!”

Hindi na natapos ni Letty ang sasabihin dahil ang dating mala-tupa na si Karenina ay naging tila mabalasik na tigre. Dinig na dinig niya ang lahat. Nakita naman ni Miguel ang ginawa ng misis dahil nga sa video call.

“Mga hayop kayo! Pinlano pala ninyo ang lahat! Nag-aalaga pala ako ng isang ahas na nagpapanggap na bulate! Lumayas ka!” kinaladkad ni Karenina si Letty palabas ng kanilang bahay, at hindi siya naawat ng iba pang mga kasambahay na nagulat sa mga pangyayari.

Napaamin ni Karenina ang mister na pinlano pala nila ni Letty ang lahat. Hindi makapaniwala si Karenina na maaatim ni Miguel na pagsamahin sila ng kaniyang kabit, sa mismong pamamahay niya. Hiniwalayan niya ang mister at namuhay na lamang mag-isa si Karenina at sinubukang ibaon sa limot ang mga bangungot ng kahapon. Tama ang kaniyang Mama sa pagsasabing hindi basta-basta ibinibigay ang tiwala sa isang tao.