Sinulot ng Binata ang Nobya ng Kaibigan Nila; Naipit sa Sitwasyon ang Binatang Nakakita

Bulong-bulungan sa kanilang eskuwelahan ang ’di umano’y pagtataksil ng isang kilalang estudyante sa nobyo nio. Magkaibigan pa man din ’di umano ang pinapatos ng babae.

Iyon ang bumungad na balita kay Lerry nang pumasok siya, Lunes ng linggong iyon. Agad na kumalabog ang kaniyang dibdib sa narinig na balita dahil noon pa lamang ay may hinala na siya kung sino ang tinutukoy doon.

“Hindi magagawa ni Rielyn iyon, Lerry. Ano ka ba!” saway ni Lerry sa kaniyang isip nang bigla niyang maalala ang nobya ng kaibigang si Jeff. Nakita kasi niya ito noong isang araw na kasama ang isa pang kabarkada nilang si Lenard. Magkahawak ng kamay ang mga ito at tila sweet na sweet sa kanila.

Kilala sa eskuwela ang kanilang barkdahan dahil pare-pareho silang mga miyembro ng kanilang basketball team. Kaya ganoon na lang ang kaba niya nang malaman ang balita.

Magandang babae si Rielyn, alon-alon ang mahaba nitong buhok na umaabot sa baywang nito. Chinita ang kaniyang mga mata at balingkitan naman ang kaniyang katawan. Idagdag pa ang makinis at maputi nitong balat. Hindi na nakapagtataka na sumikat din ito sa eskwelahan dahil sa angkin niyang ganda.

Binilisan ni Lerry ang paglalakad upang malampasan ang mga babaeng nagkukwentuhan. Dumiretso siya sa silid-aralan nila at nakita niyang kumakaway si Rielyn.

Kasama nito ang nobyo nitong si Jeff habang si Lenard naman ay nasa likod lamang ng magkasintahan. Napatikhim siya sa kaba. Ang ikinatatakot talaga ni Lerry ay ang masira ang pinagsamahan nilang tatlo nang mahabang panahon dahil lang sa isang babae.

Pagkatapos ng klase ay magkakasama silang apat na lumabas ngunit agad na nagpaalam si Rielyn dahil mayroon daw siyang hindi inaasahang lakad. Maya-maya’y nagpaalam din si Lenard, dahil sumama raw ang pakiramdam nito bigla.

Advertisement

“Matunaw si Rielyn,” pagbibiro ni Jeff na ikinalingon ni Lerry.

“Ha?” tila wala sa sariling tanong naman ni Lerry sa kaibigan.

“Crush mo yata ang girlfrend ko, pare, eh. Kanina pa kita napapansing pasulyap-sulyap sa kaniya,” tila nanghuhuli pang dagdag ni Jeff. Napaubo si Lerry.

“H-hindi, ah!” tanggi niya. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa kaibigan ang kaniyang nalalaman.

“Pare, pwede bang samahan mo ako? May gusto lang akong ipakita sa ’yo,” ani Lerry kay Jeff. Pumayag naman ang kaibigan kahit na nagtataka.

Dinala niya si Jeff sa bahay ni Rielyn. Ipinarada niya ang motor ‘di kalayuan sa bahay ni Lenard na kalugar lamang din naman ng babae.

Doon ay ipinakita ni Lerry sa kaibigang si Jeff ang mga nasaksihan niya rin noong araw na dadalawin niya rin sana si Lenard para sa kanilang project.

Walang salitang namutawi sa labi ni Jeff. Nakatitig lamang ito sa dalawang taong mahalaga sa kaniyang buhay habang silaʼy nagtatawanan at nagyayakapan na animo magkasintahan. Hindi niya akalaing gagawin ni Lenard ang bagay na iyon sa kaniya. Pinagtaksilan siya nito at ni Rielyn!

Advertisement

Sa galit ay hindi na napigilan pa ni Lerry si Jeff nang bigla itong magpakita sa dalawang taksil sa kalagitnaan ng paglalapat ng kanilang mga labi. Seryoso niyang tinitigan ang dalawa, pagkatapos ay nagsalita.

“Tapos na tayo,” anito kay Rielyn bago binalingan si Lenard na noon ay tila natatakot kay Jeff.

“Hindi na rin tayo magkaibigan simula ngayon. Sana maging masaya kayong dalawa,” sabi pa ni Jeff dito bago tumalikod.

Napapailing namang sumunod na lamang din si Lerry sa kaibigan. Nakadarama siya ng lungkot dahil nangyari na nga ang kaniyang kinatatakutan, ngunit para sa kaniyaʼy tama lang ang ginawa niya. Pareho niya namang kaibigan sina Jeff at Lenard at si Lenard ang gumagawa ng mali. Hindi niya pwedeng hayaan na lamang itong traydurin si Jeff at ganoon din si Rielyn.

Mas pinili ni Lerry na gawin ang tama. Alam niyang magiging maayos din ang lahat.

Ang totoo ay ginawa niya ito para sa kanilang lahat. Kay Jeff upang hindi na ito magmukha pang tanga sa pagmamahal nito kay Rielyn at kay Lenard upang mas maging malaya na nitong mahalin ang babae kaysa naman niloloko nito ang kaibigan.

Simula noon ay hindi na nag-usap pa sina Jeff at Lenard. Ganoo pa man ay siniguro niyang nariyan pa rin siya para sa kanilang dalawa at iginagalang naman iyon ng mga ito.

Sa paglipas ng panahon ay unti-unti namang nahilom ang sugat ng kanilang nakaraan. Muli ay bumalik ang samahan nilang tatlo, lalo na nang kalaunan ay maghiwalay din sina Rielyn at Lenard dahil naulit lamang ang ginawa nito kay Jeff.

Advertisement

Masaya si Lerry na ginawa niya ang nararapat kahit pa siyaʼy naipit sa sitwasyon.