Pinarusahan ng Lalaki ang Alagang Aso Dahil Inakala Niyang Sinaktan Nito ang Kapapanganak Pa Lamang Niyang Anak, Pero Nawasak ang Puso Niya Nang Tumambad sa Kanya ang Katotohanan
Mahilig sa mga hayop si Jun, noong binata pa siya ay marami siyang alagang mga pusa at aso. Ngayong kasal na siya, hiniling ng misis niya na isang aso na lang sana, dahil may hika ito. Naintindihan naman iyon ni Jun at ipinamigay sa mga kamag anak na mapagkakatiwalaan ang mga alaga. Mahal niya ang misis at ayaw niyang kontrahin ito lalo pa ngayon na malapit na itong manganak.
Makalipas ang ilang linggo ay nanganak na ang misis ni Jun, isa itong healthy baby girl. Magkatulong silang mag asawa sa pag aalaga rito. Sabado ng umaga ay tulog pa ang misis ni Jun at umiyak ang baby, saktong gising na ang lalaki kaya naman kinarga niya ang sanggol sa ibaba upang alagaan ito habang nag aalmusal siya. Pagbaba niya sa hagdan ay gising na ang alagang aso. Tumahol ito nang makita siya. “Goodmorning Kenji.” bati naman niya rito at dumiretso na sa bakuran, masarap ang simoy ng hangin doon tuwing umaga dahil maraming puno at halaman. Inihiga niya ang sanggol sa maliit na basket nito, nakaupo naman sa tabi nito ang aso. “Magtitimpla lang ako ng kape bantayan mo siya Kenji ha?” sabi niya rito. Alam niyang walang muwang ang aso para ipagkatiwala rito ang anak pero sarado naman nag gate at walang makakapasok na iba kaya sigurado siyang safe iyon. Pumasok na siya sa loob ng bahay. Makalipas ang dalawang minuto ay narinig niyang kumakahol ang aso. Sumunod non ay umiyak ang anak niya siguro ay nagulantang ito, narinig niya rin ang galit na ungol ng aso. Agad agad tumakbo si Jun sa labas ng bahay dala ang mahabang payong na unang nadampot niya sa kusina. Naabutan niyang umuungol ang galit na aso at nakaharap sa anak niya. Tinahulan siya nito. Hinambalos niya ng payong ang aso pero tumahol pa rin ito, pinalo niya ulit. Tumakbo na ang nasaktang aso sa loob ng bahay. Nakahinga nang maluwag si Jun nang makitang walang sugat ang anak pero nang iangat niya ang basket na kinalalagyan nito ay nagulat siya nang makitang may ahas doon, marahil ay nalaglag sa isa sa mga puno. Nawasak ang puso niya nang maisip na pino- protektahan lang ng alaga ang kanyang anak gaya ng ibinilin niya rito. Pumasok agad si Jun sa loob ng bahay, hinanap ang alaga, niyakap ito at humingi ng tawad. Dinala niya rin ito sa beterinaryo upang mapatignan kung may galos ba ito. Ano ang natutunan mo sa kwentong ito? sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.