Tinabangan ang Lalaki sa Kasintahan Dahil Sa Tingin Niya ay ‘Playgirl’ Ito; Magugulat Siya sa Malalaman Niya

Tatlong buwan pa lamang magkasintahan sina Rolly at Betina. Nagkakilala ang dalawa sa pinagtatrabahuhan nilang advertising company sa Cubao. Dahil madali nilang nakagaanan ng loob ang isa’t isa ay nabuo ang isang relasyon na hindi rin naman lingid sa mga taong nakapaligid sa kanila.

Madaling napa-ibig ni Rolly ang dalaga. Bukod kasi sa maporma ay may kaguwapuhan siyang taglay na hinahangaan ng mga babae pero ang nakatawag talaga ng kaniyang pansin ay ang kagandahan ni Betina na lapitin din ng mga kalalakihan sa pinapasukan nilang opisina.

Kahit humaling na humaling siya sa kasintahan ay bigla siyang nagkaroon ng pag-aalinlangan dahil sa lubus-lubusang pagpaparaya ng katawan nito sa kaniya nang minsang lumabas sila.

“Ibang klaseng babae talaga itong si Betina, tatlong buwan pa lang kaming magkakilala pero ibinigay na niya sa akin ang langit. Hindi man lang nagpakipot? Mukhang sanay na sanay na sa pakikipagt*lik. ‘Di kaya playgirl ito?” wika ni Rolly sa isip.

Kahit may pag-aalinlangan ay isinantabi niya iyon at mas inuna ang kasiyahang pansarili. Nang makuha na niya ang gusto kay Betina ay may natuklasan siya.

“Aba, may dugo! Ibig bang sabihin nito’y birhen pa siya? O may buwanan siyang dalaw?” gulat niyang tanong sa sarili.

Sinarili na lang ni Rolly ang isiping iyon hanggang sa ihatid na niya ang kasintahan sa bahay nito.

“Salamat, Rolly. Hindi ka ba papasok muna para makapagkape man lang?” tanong ni Betina.

Advertisement

“Saka na lang,” tanging tugon ng lalaki.

“Okay. Ingat ka sa pag-uwi. Labyu!” sabi pa ni Betina.

“Sige, bye!” matipid na sagot ni Rolly.

‘Di maintindihan ni Rolly ang sarili kung bakit siya natatabangan sa nobya. Nagulat siya sa agarang pagbibigay nito ng sarili sa kaniya samantalang ang iba niyang naging nobya noon ay hindi man lang siya naka-iskor. Kahit siya ay lalaki, mas mahalaga pa rin sa kaniya na may pagkapakipot pa rin ang babaeng gusto niya ‘di tulad ni Betina na napakadaling isinuko sa kaniya ang lahat-lahat. Ilang gabi rin niyang iniisip ang naging karanasan kay Betina.

“Nakakapag-alinlangan tuloy ang kaniyang pagtitiwala. ‘Di maalis sa isip ko na iba’t ibang lalaki na ang dumaan sa buhay niya at madali niyang ibinigay sa mga ito ang sarili niya. Parang gusto ko nang maniwala na isa siyang pakawala at mahilig na babae,” sabi ni Rolly sa isip habang nakahiga sa kama at ‘di makatulog.

Isang plano ang nabuo sa isip niya.

“Madali palang bumigay si Betina. Susulitin ko ang pagiging mapagparaya niya. Siyempre, lalaki ako at may pangangailangan, pero hanggang dooon lang iyon, pag nagsawa na ako’y makikipaghiwalay na ako sa kaniya,” aniya sa sarili.

Itinuloy niya ang balak sa kasintahan. Palagi niya itong niyayayang lumalabas at isinasama sa mga tagong lugar kung saan walang sawa niyang p*gnanas@*n ang katawan nito. Wala namang tutol sa pagbabauya si Betina ng sarili sa kaniya. Lahat ng gusto niya ay sinusunod naman ng babae.

Advertisement

Ilang araw niyang pinagsasaan ang pagkababae ni Betina hanggang sa napagpasyahan niyang umiwas na rito. Kung dati ay palagi silang sabay na umuwi, sinasabi niya kay Betina na mauna na ito at marami pa siyang tatapusin sa opisina. Hindi na rin niyayaya ang babae para kumain sa labas. Dahil nga naniniwala siya na isang playgirl si Betina at madaling makuha ay buo na ang desisyon niyang makipagkalas sa nobya tutal eh, napagsawaan na rin niya ito. Ngunit nakakahalata na rin si Betina sa pag-iwas niya. Kinumpronta siya nito.

“Rolly, n-napapansin ko na hindi mo na ako inihahatid sa amin at saka hindi na rin tayo lumalabas. Hindi ka na rin tumatawag sa akin tuwing gabi. Iniiwasan mo ba ako? M-may kapalit na ba ako?” tanong ng babae.

Natigilan si Rolly. Hindi alama kung ano ang sasabihin.

“A, eh, h-hindi naman. M-medyo busy lang ako sa mga trabaho dito sa opisina. Kung gusto mo ay lalabas tayo mamayang uwian. S-aan mo gustong pumunta?”

Wala nang nagawa si Rolly kundi yayain ang nobya.

“Ikaw ang bahala kung saan mo gusto. Okay lang din sa akin kung sa dating lugar,” sagot ng babae.

Nabasa na agad ni Rolly ang ibig tukuyin ni Betina. Sa isip niya ay napakahilig talaga ng babaeng ito. Paglabas nila sa opisina ay dinala niya si Betina sa motel at muli niyang nilunod ang sarili sa kaligayahan gamit si Betina.

“Tutal naman, ito ang gusto mo, eh pagbibigyan na kita sa hilig mo, aniya sa isip habang pinaliligaya ang kasintahan.

Advertisement

Nang matapos ay bigla itong nagtanong.

“Hindi mo ba kailanman inisip kung bakit madali kong tinanggap ang pag-ibig mo, Rolly? Kung bakit kay bilis kong ibinigay sa iyo ang aking pagkababae?” tanong ng babae.

“Huh? H-hindi. B-bakit mo naman naitanong?” gulat na sambit ni Rolly.

“May aaminin ako sa iyo, Rolly. Hindi ikaw ang unang pag-ibig ko,” bunyag ni Betina.

Napangiti sa isip niya si Rolly.

“Sabi ko na nga ba, tama ang hinala ko,” bulong ng lalaki sa sarili.

“Ngunit naging maramot ako sa dati kong nobyo. Kahit halik lamang ay hindi ko siya napagbigyan. Mahipo lamang ang kamay ko, nagagalit ako kaya hindi siya nakatagal at nakipaghiwalay siya sa akin. Nang mawala siya sa buhay ko, saka ko nadama ang kahalagahan niya sa akin. Binalak kong makipagbalikan sa kaniya ngunit huli na para habulin ko pa siya dahil nakapag-asawa na siya ng iba,” naiiyak na sabi ni Betina.

Parang dinurog ang puso ni Rolly sa nalaman.

Advertisement

“Kaya mula noon, sinabi ko sa aking sarili, kapag may lalaking nagmahal ulit sa akin at minahal ko rin ay hindi na ako magiging maramot. Ipapadama ko na sa kaniya na talagang mahal na mahal ko siya. Handa kong ibigay ang lahat-lahat mapaligaya lang siya, mapaligaya lang kita, Rolly,” saad pa ni Betina.

Hindi na napigil ni Rolly na maluha rin sa pagtatapat ng kasintahan. Isang masuyong halik at mahigpit na yakap ang isinukli niya kay Betina. Maling-mali ang iniisip niya rito. Hindi pala isang playgirl si Betina, handa lang talaga nitong ibigay sa kaniya ang lahat pati ang katawan nito dahil sobra siya nitong mahal at ayaw nitong mawala siya sa buhay nito. Napagtanto ni Rolly na mahal din niya si Betina, natakot lang siya at nag-alinlangan noon, pero dahil alam na niya ang katotohanan ay buo na ang desisyon niya na hindi na ituloy ang balak niyang pakikipaghiwalay kay Betina sa halip ay mas lalo niyang minahal ang kasintahan dahil sa pagiging tapat nito sa kaniya.

‘Di nagtagal ay pinakasalan ni Rolly si Betina at bumuo sila ng pamilya. Sa ginawang pagtatapat ni Betina ay naburang lahat ang pag-aalinlangan ni Rolly at napalitan iyon ng walang kapantay na pag-ibig.