
Naglasing ang Dalaga Dahil Sugatan ang Puso Nito; Biglang Nagbago ang Buhay Niya nang Magising sa Tabi ng Isang Lalaki
Kinakabahang pumasok sa loob ng ospital si Tina. Ilang araw ng masama ang kanyang pakiramdam kaya naisipan niya ng magpa konsulta sa doctor.
“Congratulations po, misis! Mahigit isang buwan na po kayong buntis,” nakangiting saad ng doctor kay Tina.
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Tina sa balitang kanyang narinig. Kahit na inaasahan niya na ito dahil kahit papaano ay alam niya naman na ang mga sintomas ng pagbubuntis. Pero kahit na ganun ay umasa pa rin siyang mali ang hinala niya. Pero ngayon ay kumpirmado na nga ang kanyang kinakatakutan. Buntis nga siya!
Lumabas siya ng hospital na nakatulala. Hindi niya na alam kung ano na ngayon ang mangyayari sa kanya at sa sanggol na nasa kanyang sinapupunan. Nagbunga ang isang beses niyang pagkakamali! Ano na lang ngayon ang gagawin niya? Paano niya na ito ngayon haharapin? Hindi naman niya pwedeng ipaalam sa kanyang pamilya dahil nasisigurado niyang ma-itatakwil siya ng mga ito. Lalo na at ang alam ng mga ito ay wala siyang nobyo.
Napakasaklap nga naman ng kanyang tadhana. Isang beses niya lang nagawa, jackpot pa agad! Napahilot nalang ang dalaga sa kanyang sentido. Wala naman siyang magagawa kung hindi tanggapin ang bunga ng kanyang kapusukang nagawa. Hindi man sigurado sa mga mangyayari sa hinaharap ay isa lang ang nasisiguro niya, bubuhayin niya ang bata. Pananagutan niya ito. Hindi niya ito idadamay sa pagkakamaling siya naman ang may gawa.
Pananagutan niya ito at magiging isang responsible siyang ina. Ibibigay niya sa anak ang pagmamahal na nararapat dito. Lahat ay handa niyang gawin at kakayanin kahit na mag-isa lang siyang magpapalaki dito.
Lumipas ang dalawang linggo at wala pa ring pinagsasabihan si Tina sa kanyang kalagayan. Pumapasok pa rin siya sa kanyang trabaho kahit na nahihhirapan man sa sitwasyong kinahaharap. Na para bang wala siyang malaking problema na dinadala.
“Miss Ramirez, pinapapunta ka ni Mr. Lopez sa office niya,” saad ng isa sa mga ka-opisina ng dalaga.
Si Mr. David Lopez ang anak ng may-ari ng kompanyang kanyang pinagtratrabahuan. Ito rin ang tumatayong manager at boss nila sa kanilang department.
Agad namang pumunta si Tina sa opisina ng kanyang boss. Kumatok muna siya bago pumasok sa opisina nito.
“Good Morning Sir, pinapatawag niyo raw po ako,” magalang niyang bati sa kanyang boss.
“Yes. I need to talk to you. Umupo ka dito,” utos nito sa kanya habang nakatalikod. Agad naman siyang lumapit at umupo sa upuang nasa harapan ng mesa nito. Humarap ito sa kanya at tumambad sa harapan niya ang napakagwapong mukha nito.
“Yes Sir, ano po iyon? Is there anything I can help you with?” tanong ni Tina sa boss. Kunware ay hindi siya naaapektuhan sa sobrang gwapo nitong mukha at katawan.
Seryoso ang mukha nito kaya naman medyo kinabahan siya. Iniisip niyang mabuti kug may nagawa ba siyang mali o kapalpakan sa trabaho. Bakit ganun nalang ito makatitig sa kanya? Kinakabahan na talaga siya.
“Where were you last May 15?” seryoso at walang emosyong tanong ng lalaki sa kanya. Napaisip naman siya ng mabuti. Nasaan nga ba siya no’n?
“Po?” Naguguluhang tanong ng dalaga sa gwapong binata. Nakatitig pa rin ito sa kanya na para bang hinihintay talaga ang sagot niya. Naweweirduhan man sa tanong ng boss niya ay inigihan niya na lamang ang pag-iisip. Pilit inaalala kung nasaan at kung ano nga ba ang kanyang ginawa last May 15. Mga dalawang buwan na ang nakalipapas kaya naman medyo natagalan siyang maalala kung ano nga ba ang ginawa niya nung araw na iyon.
Nanlaki naman ang mata ni Tina ng mapagtanto niya na yun ang gabing nagpakalasing dahil nahuli niya ang nobyo at ang bestfriend niya sa apartment nung huli na magkasama sa kama at parehong walang saplot.
Sobra siyang nasaktan at galit sa dalawang taong minahal at pinagkatiwalaan niya kaya naman nilunod niya ang sarili sa alak sa isang kilalang bar. Isang pagkakamali kung saan siyang naging daan kung paano niya naisuko ang bataan ng wala sa oras at sa taong di man lang niya kilala at matandaan!
Pagkagising niya kasi inumagahan ay agad siyang umalis ng hindi man lang tinitingnan ang mukha ng lalaking nakaisa sa kanya. Aminado naman siyang may kasalanan niya din siya kaya umabot sa ganun. Yun ang dahilan kaya kusa nalang siyang umalis at nagpanggap na para bang walang nangyari. Hanggang nga sa nalaman niyang nabuntis siya dahil sa kagagahan niya!
“Correct me if I’m wrong pero, this is yours right?” may inabot na kwintas sa kanya ang boss niya.
Kinuha niya naman ito at laking gulat niya ng makitang ang nawawalang kwintas nga niya! Akala niya nawala niya na ito ng tuluyan. Pamana pa naman ito sa kanya ng kanyang yumaong lola. Napaka-importante nun sa kanya.
“Opo. Akin nga po ito,” kinakabahan niyang sagot. Hindi niya maintindihan kung paano napunta iyon sa kanyang boss. Unless…
Hindi niya mabasa kung ano ang nasa isipan nito dahil napakaseryoso ng mukha ng binata. Wala siyang mabasang emosyon sa mukha nito.
“I want to be a part of my child’s life,” nanlaki ang mga mata ni Tina sa narinig sa kanyang boss. Hindi niya inaasahan ang narinig.
“Alam kong buntis ka, pina-imbestigahan kita. I am the father of the child you’re carrying. Nasa sinapupunan mo ang tagapagmana ko.”
Hindi alam ni Tina kung ano ang dapat niyang maging reaksyon o maramdaman sa biglaang pag-kompronta sa kanya ng kanilang boss na siyang ama pala ng kanyang anak.
Gusto niyang magalit dito pero parang wala namang magandang hahantungan ang galit niya. Ayaw niya rin namang maging unreasonable kaya pinakalma muna ng dalaga ang sarili bago siya magsalita.
“Okay Sir, ahm ano po ba ang plano niyo regarding sa bata?” binigyan niya ito ng mapanghamon na tingin.
“What makes you think na ibibigay ko na lang ang anak ko sa inyo ng ganun ganun lang?”
Bahagyang ngumiti ang boss niya. “And what makes you think na kukunin ko ang bata sa’yo?” ganting tanong sa kanya ng boss niya.
“We’ll get married. You’ll get to keep the child too,” literal na napanganga naman si Tina sa sinabi ng boss niya. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito.
“Po?!” di makapaniwalang sigaw ni Kath sa boss niya.
“Yes. Ayokong maging illegitimate child ang anak natin,” paliwanag ng lalaki.
“Pero po…” tututol pa sana ang dalaga pero pinigilan siya ng boss niya. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyayari. Parang ang bilis ng lahat ng pangyayari.
“No buts. Susubukan natin. Para sa bata. Magiging pamilya tayo,” hindi maipaliwanag ng dalaga ang kanyang naramdaman ng sinabi iyon ng kanyang boss sa kanya habang nakatitig sa kanyang mga mata.
Para bang wala siyang ibang choice kundi sumunod, pero aaminin niyang nakaramdam siya ng konting saya ngayong mabibigyan niya na ng isang buong pamilya ang kanyang magiging anak.
Lingid sa kaalaman ni Tina ay matagal na palang may pagtingin sa kanya ang kanyang gwapong boss. Masyado kasing napaka-workaholic at medyo may pagka manhid kaya naman ni minsan ay hindi ito nakahalata na may pagtingin sa kanya ang lalaki.
Hindi din alam ng kanyang boss kung bakit tila ba hindi siya nakikita ng dalaga kahit na madalas siyang pagkaguluhan ng ibang mga babae. Pero isa iyon sa mga katangian ng dalaga na nagustuhan sa kanya ni David.
Hindi sinasadya ni David ang lahat ng nangyari sa kanilang dalawa ng gabing iyon. Naka-inom din siya. Pero aaminin niyang medyo matino pa naman siya kahit papaano. Ang plano niya kasi talaga noon ay ihatid lang ang dalaga sa kwarto nito kaso ay bigla siya nitong hinalikan.
Lalaki lamang siya at nakainom pa. Alam niya naman na hindi sapat na rason iyon pero pinangako niyang papanagutan niya ito ano man ang mangyari. Laking tuwa niya na lamang ng malamang birhen ang babaeng minamahal. Pero mas lalo siyang natuwa ng malamang nagbunga ang kapusukang kanilang nagawa ng gabing iyon. Nagkaroon siya ng dahilan para hindi siya nito magawang tanggihang pakasalan.
Pagkatapos ng pag-uusap nilang iyon ay napagtanto ng dalaga na seryoso pala talaga ang boss niya na pakasalan siya. Ito ang umasikaso ng lahat para sa kanilang kasal na gaganapin sa susunod na buwan. Napag-usapan kasi nilang madaliin na ang kasal habang hindi pa lumalaki ang kanyang tiyan.
Mabilis na lumipas ang mga araw at naikasal na nga sila. Habang tumatagal ay unti-unti ding napapalapit sa isa’t isa. Araw-araw ay ipinakikita at pinaparamdam ni David ang kanyang pagmamahal sa dalaga na sa kalaunan ay sinuklian din naman ni Tina.
Dumating ang araw ng panganganak ni Tina. Nagkaroon ng problema ang pagbubuntis ni Tina at sa di inaasahang pagkakataon ay naipit sa isang napakahirap na sitwasyon si David. Kinakailangan niyang mamili kung sino ang bubuhayin niya. Ang kanyang mahal na asawa o ang kanilang munting anghel.
“Sir, kinakailangan niyo na pong magdesisyon. Pag mas patagalin niyo pa po ay maaaring silang dalawa ang mawala sa inyo,” nagmamadaling pagpapaalala ng nurse kay David.
Hindi alam ni David ang kanyang gagawin. Parehong mahalaga at mahal na mahal niya ang kanyang asawa at anak. Kung pwede sanang siya nalang ang kunin. Di niya na na-kontrol ang kanyang mga luha at nagpaunahan ang mga ito sa pagbagsak sa kanyang pisngi.
Hawak niya ang papel at ballpen sa kanyang mga kamay ay pinermahan niya ang mga papeles na nagpapatunay na binigay niya ang kanyang consent sa operasyon at ang pagpili niya kung sino ang bubuhayin. Pagkatapos niyang pumerma ay napaluhod na lamang siya habang humahagulhol.
Isang taon makalipas ang pangyayaring iyon ay nasa kwarto nilang mag-asawa si Alfred. Hawak-hawak niya sa kanyang mga kamay ang isang isang maikling liham para sa kanilang anak galing sa kanyang asawang si Tina, at karga sa kanyang mga bisig ang kanilang munting anghel. Napatingala si DAvid sa langit. Napangiti siya ng biglang umihip ang malamig na simoy ng hangin na para bang ito ay yakap nang kanyang pumanaw na asawa. Pinikit niya ang kanyang mga mata at hinalikan sa noo ang anak.
“Ma… ma,” mahina ngunit nakangiting saad ng kanilang munting anghel.
Bago dumating ang araw ng kapanganakan ni Tina ay binilin niya sa asawa na kung dumating sa puntong manganib ang kanilang buhay at papiliin siya ng doctor ay piliin nito ang kanilang anak. Kinutuban na si Tina sa maaaring maging sitwasyon nila ng anak kaya naman naghanda na siya ng isang liham para anak at asawa para malaman ng dalawang taong pinakamamahal niya na nawala man siya sa mundo ay habangbuhay naman siyang mananatili sa kanilang mga puso at patuloy na mamahalin sila.