Itinakwil ng Binata ang Amang Unano, Laking Pagsisisi Niya nang Bawian Ito nang Buhay Bilang Sakripisyo Para sa Kanya
“Ayoko sayo! Hindi kita ama! Ayoko sayo! Wala akong amang pandak!” Inis na sigaw ni Will sa kanyang amang si William. Napuno na kasi siya sa kakatukso ng mga kaklase’t kaibigan dahil sa kapansanang dwarfism ng ama. Simula nang pinanganak siya ay dala niya na ang pasakit at lumbay sa panunukso ng mga kakilala ukol sa pagiging pandak ng tatay niya. Noong maliit pa siya’y close pa siya sa kanyang ama dahil ito lamang ang kasa-kasama niya noong bata simula nang iwan sila ng kanilang ina. Nag-iisang anak lamang siya kung kaya labis-labis ang kanyang pagtatampo rin sa ina dahil hindi pa siya nagawang kunin nito. Ngayong binata na siya ay dala niya ang pasakit ng pagkakaroon ng isang pandak na ama. “Anak ng unano! Anak ng unano!” Ito ang madalas niyang marinig sa mga tao sa paligid. Kung minsan ay gusto niya nalang magtago sa isang sulok at doon ay mag-iiyak. Naiinis ang binata dahil sa dinami-rami ng pwedeng maging ama ay bakit ang unanong tatay niya pa? “Anak, kain na. Nagluto ako ng paborito mong bopis.” Ngunit imbes na sundin ang ama ay padabog na tumayo siya sa kinauupuan at saka nagtanong dito, “Hindi mo ba talaga alam kung nasaan si Mama, Pa?” Desperado na kasi siya sa paghahanap sa kanyang ina dahil mas gugustuhin niya nang makasama ito kahit hindi niya ito nakalakihan kaysa manatiling tumira sa puder ng ama habang puro pang-uuyam ang naririnig niya sa iba dahil dito. “Wala na talaga akong balita sa nanay mo, anak pasensya ka na.” Sumimangot siya, “Noon naiinis ako kay mama sa pag-iwan niya sa atin. Pero ngayon naiintindihan ko na kung bakit niya tayo iniwan. Baka naranasan niya rin ang mapahiya dahil sa kapansanan mo, Papa. Baka naranasan niya rin noon ang patuloy kong nararanasan ngayon dahil sayo!” “Hindi mo alam ang sinasabi mo, Will.” Halatang nagpipigil lang sa galit ang papa niya. Sa tuwing nauungkat niya kasi ang tungkol sa paghihiwalay ng mga ito ay tila may kakaibang galit na tinatago ang kanyang ama. “Totoo naman, diba po Pa? Ang magkaroon ng asawa at amang tulad niyo ay habambuhay na parusa na sa amin ni Mama!” Narinig niya ang malakas na pagbagsak ng kutsara’t tinidor sa mesa, “Tumigil ka na!” Ngunit hindi siya nagpasindak sa galit na ama. Talagang punong-puno na siya ngayon, “Sana wala ka nalang! Sana hindi nalang ikaw ang tatay ko!” sigaw niya dito at saka umalis ng tahanan. Ngunit sa kanyang pag-alis ng bahay ay hindi niya napansin ang paparating at rumaragasang truck na bubunggo sa kanya. Isang malakas na busina na lamang ang kanyang huling narinig. Narinig siya nang masakit ang buong katawan lalo na ang kanyang likod. Agad siyang naghanap ng tao sa paligid. Doon ay nakita niya ang imahe ng kanyang ina. Hindi sya sigurado kung ito nga ang hinahanap niyang mama. “Anak, Diyos ko salamat po at gising ka na!” Napaluha siya, “Mama…” Umiiyak na rin ito ngunit sa paglingon niya sa likod ng ina ay nakita niya ang isang hindi kilalang lalaking umaalo sa kanyang ina. “Sino siya, Ma?” tanong niya dito. Tila natigilan naman ang mama niya, narinig niya pa itong bumulong sa lalaki, “Sabi sayo sa labas ka na muna eh.” Doon palang ay kinutuban na siyang ito ang bagong kinakasama ng nanay niya. Bandang huli ay hindi nga siya nagkamali dahil nalaman niyang kaya pala naghiwalay ang kanyang mga magulang ay dahil nakilala ito ng mama niya. Ito ang sikretong hindi kailanman sinabi ng kanyang ama sa kanya. Kaya naman naalala niya ito bigla, “Ma, si Papa po?” Nangamba siya sa ekspresyon ng kanyang ina, “Wala na siya, anak. Dinonate niya ang internal organs niya sayo pero hindi kinaya ng sistema niya kaya bumigay rin ang tatay mo. Kabilin-bilinan niya sa akin bago siya magdonate sayo ay ihingi ko raw siya ng tawad at huwag daw kitang iiwan.” Tulala si Will sa narinig. Hindi makapaniwala. Gusto niyang magwala. Gusto niyang isiping panaginip lang ang lahat ng nangyayari. Pero mali siya. Wala na ang kanyang ama at labis-labis ang kanyang pagsisisi dahil doon. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.