Tinanggihan ng Lalaking Ito ang Ballpen na Nabubura na Ginawang Pa-premyo ng Boss Niya Kapalit ang mga Oras Nila, Nakakamangha ang Kanyang Dahilan
Apat na taon nang nagtatrabaho si Bentz sa isang opisina sa Ortigas, taga-Cavite pa siya at halos tatlong oras ang byahe araw-araw makapasok lang sa trabaho. Mayroon siyang dalawang anak, ang panganay ay 4 taong gulang, ang bunso naman ay 2 taong gulang. Misis niya ang nag-aalaga sa mga ito, pinili ng babae na iwan na ang trabaho magmula nang magdalantao ito sa panganay nila. Masaya naman si Bentz sa kanyang trabaho, maayos niyang napapagsabay ang opisina at ang buhay may pamilya, di na nga lang tulad ng mga binata na may oras pa para sa ‘good time’ pero ayos lang yon sa kanya, ang good time niya ay ang makalaro ang dalawang anak kapag day off niya. Isang araw, nakaharap si Bentz sa kanyang computer at busy na nagbabasa ng mga e-mail tungkol sa trabaho nang biglang nagsalita ang boss niya sa unahan, napatingin silang lahat. “Everyone, I have a challenge sa inyo guys. We all know na nag-struggle tayo ngayon sa pag hit ng target, now kung sino ang may kayang mag OT ng mahabang oras, bukod sa bayad na, bibigyan ko pa kayo ng ballpen na nabubura, nabili ko pa to sa US. 15,000 to, so goodluck!” sabi nito. Na-challenge naman ang mga ka-opisina niya pero nakangiti lang si Bentz. Lumipas ang isang Linggo at halos lahat sa department nila ay masakit na ang ulo at masama ang pakiramdam dahil todo-todo kung mag-overtime ang mga ito, para sa mamahaling ballpen na nabubura. Finally, may nanalo na. Kaya lang ay hindi nito nai-claim agad ang ballpen dahil di ito nakapasok ng araw na iyon, nagkasakit raw kasi. Habang kumukuha ng kape si Bentz sa kanilang canteen, nasalubong niya ang kanyang boss, nginitian niya ito. “Napansin ko, ikaw lang ang hindi interesado sa ballpen na nabubura, kaya ba tig-iisang oras lang ang OT mo?” nakangiting sabi nito. “Ah sir, nakakahiya naman po kasi kung hindi ako mag-overtime, kung kailangan po ng kumpanya willing naman po ako. Pero para gawin ko itong tatlo hanggang limang oras? Di ko po yata kaya.” honest na sagot niya. “Bakit naman? Bayad naman yon, tsaka, alalahanin mo, ang ballpen na nabubura.” panunukso nito sa kanya. “Kung mag-overtime po ako at magkasakit ako, kawawa naman ang pamilya ko. Hahabulin ko ang perang kapalit ng overtime pero katumbas naman noon ay mawawalan ng ama ang mga anak ko. Tsaka ayos lang pong wala akong ballpen na nabubura, meron naman po akong lapis, mura pa. Tsaka hindi ko kailangan gugulin ang oras ko para sa ballpen na nabubura, baka mabura ang pagmamahal sa akin ng asawa at mga anak ko.” sabi niya rito sabay kindat. Natatawa nalang at napailing ang boss, matalino talaga si Bentz.
Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat.sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.