Inday TrendingInday Trending
Napugot ang Ulo ng Sanggol Dahil sa Kapabayaan ng Doktora, Hindi Niya Inasahang Mabilis ang Singil ng Karma

Napugot ang Ulo ng Sanggol Dahil sa Kapabayaan ng Doktora, Hindi Niya Inasahang Mabilis ang Singil ng Karma

Abalang nagsusulat sa kanyang planner si Dr. Camila Soriano nang biglang mag-ring ang kanyang telepono. Akmang papasok ang sekretarya niya upang tanungin kung handa na siya sa susunod na pasyente pero sinenyasan niya itong sandali lang dahil may kausap pa siya sa telepono.

“Hello, Ma? Oh my Gosh, you should have joined us! Ang ganda ng tanawin dito sa Baguio, kahit yata ang baby sa tyan ko ay natutuwa dahil sipa siya nang sipa,” sabi ng anak niyang si Gianna, isa rin itong doctor pero sa ngayon ay naka-maternity leave dahil malapit nang manganak, ang asawa nito ay isa ring doctor.

“Mabuti yan pero baka dyan ka abutan ha, sabihin mo kay Roy wag masyadong mabilis magmaneho dahil baka matagtag ka,” bilin niya sa babae. Maya-maya pa ay natapos na ang tawag, muling sumilip ang kanyang sekretarya.

“Ano ba yon? Hindi ba makapaghintay ang mga yan?” masungit niyang sabi na ang tinutukoy ay ang mga buntis na nagpapacheck-up sa kanya. Isa kasi siyang OB Gyne.

Kaya lang ay maraming pasyente niya ang lumilipat sa ibang ospital dahil napakasungit niya at wala siyang malasakit sa tao. Minsan kahit kaya namang i-normal ang panganganak ay sinasabi niyang kailangang biyakin ng pasyente upang mas malaki ang ibayad nito.

“Doctora, m-may manganganak na ho kasi sa emergency room. Wala pong ibang OB gyne na available,” natatarantang sabi nito.

“Eh yung doctor doon sa emergency? Ano ang ginagawa?” naiirita siya, para bang hindi buhay ang pinag-uusapan.

“Trainee palang ho kasi, medyo matagal na raw nagle-labor ang babae at dilated na siya ng 10cm,” sabi nito.

“Bwisit naman,” bulong niya bago tumayo at pumunta sa delivery room, nailipat na pala ng nurse doon ang babae. Bago siya pumasok sa loob ay kinausap niya pa ang isa sa mga nurse na nagdala dito.

“Pasyente ko ba yan? Hindi ko sya naaalala, hindi naman sa akin nagpapacheck up yan eh,” sabi niya nang masilip ang buntis na hirap na hirap na sa loob.

“Doctora ang sabi raw ay nangangalakal sila ng asawa nya nang abutan bigla, dapat daw ay sa kumadrona kaya lang malayo ang bahay nila dito. Itinakbo nalang dito sa ospital natin,” sabi ng nurse. Napairap si Dra. Soriano, basurera? Ibig sabihin marumi ito. Pag minamalas ka nga naman.

Maitim ang babae at marumi ang paa, nakabukaka na ito roon. Nagsuot na ng facemask si Doctora, inutusan niya muna ang nurse na kasama niya na mag ayos ng gamit ng baby dahil siya na ang bahala.

“Ire, hintayin mong humilab sabayan mo ng ire, o, wag mong itingala ang ulo mo! Malalagutan ka ng ugat!” sigaw niya rito.

Sumunod naman ang babae.

“Tumingin ka sa tiyan mo tuwing iire ka,” sabi niya. Pinapawisan na siya at init na init na, ang tagal manganak ng lintik na babaeng ito.

Maya-maya pa ay lumabas na ang ulo ng bata, nanlambot ng bahagya ang buntis dahil sa matagal na pag ire kaya hiningal ito.

“Wag kang tumigil! Ito na o! At nang makaalis na tayo rito!” bulyaw niya, sigurado siyang wala itong ibabayad sa kanya.

Lumabas nang kaunti ang katawan ng bata pero dahil sa pagmamadali ni Dra. Soriano na matapos niya ay hinila niya nang todo ang ulo ng sanggol.

Hindi niya inaasahan ang susunod na mangyayari, sa sobrang hila niya ay napugot ang ulo ng bata.

“Lintek!” sigaw niya.

“A-ano ho ang nangyayari?” tanong ng babae.

Mabilis nag isip si Doctora, kung aamin siya tiyak niyang tatanggalan siya ng lisensya. Hindi iyon maaari, malaking kahihiyan. Bukod doon, baka gamitin ito laban sa kanya ng babae, i-blackmail siya at huthutan ng pera.

“S-sa tiyan palang ay patay na ang anak mo. Dahil sa higpit ng pusod niya ay naputol ang ulo niya kaya ganito mo na siyang inilabas,” pagdadahilan niya. Sigurado naman siyang bobo ito at di ito mag iisip na nagsisinungaling siya.

“Hindi! Sumisipa pa iyan kanina!” sigaw naman ng babae.

“Ituloy mo lang ang pag-ire nang maibigay na sa morgue ang katawan. Di ko na kayo sisingilin, tulong ko na sayo. Wag ka nang magpa-confine para di na kayo magbayad. Sa bahay ka nalang magpahinga.” matabang na sabi niya.

Pagkalabas ng katawan ng sanggol ay nanlupaypay ang babae, tulala at halos mabaliw. Di pa rin ito makapaniwala pero wala naman siyang sapat na ebidensya sa nangyari.

Umuwi silang bitbit ang walang buhay na katawan ng anak.

Habang si Dra. Soriano naman ay masaya dahil nakalusot siya sa kawalanghiyaang ginawa. Nagliligpit na siya nang gamit pauwi nang muling makatanggap ng tawag mula sa isang di kilalang numero. Nang sagutin niya iyon ay nagulat pa siya nang marinig sa kabilang linya ang boses ng manugang na si Roy.

“O Roy? Nagpalit ka na pala ng number? Nakauwi na ba kayo ni Gianna?”

“M-ma, nakitawag lang ako sa ospital.” sabi nito na hindi malaman ni Dra. Soriano kung lasing ba o nahihilo lang. “Ma, naaksidente kami ni Gianna pauwi, hindi ko sila nailigtas ma. Wala na ang anak mo.. wala na ang mag ina ko!” palahaw nito.

Napaupo si Dra.Soriano, binalot ng kilabot ang katawan. Sa isang buhay na kinuha niya ay dalawa ang naging kapalit. Nadamay pa ang anak niya at apo. Magsisi man siya ay di niya na maibabalik pa ang mga pangyayari. Habangbuhay nang nakatatak sa kanya na kasalanan niya ang lahat.

Advertisement