Inday TrendingInday Trending
Nabwisit ang Mag-asawa Dahil Asal Skwater ang Pamilyang Galing sa Probinsya; Bandang Huli Pala’y Pasasalamatan Pa Nila ang mga Ito

Nabwisit ang Mag-asawa Dahil Asal Skwater ang Pamilyang Galing sa Probinsya; Bandang Huli Pala’y Pasasalamatan Pa Nila ang mga Ito

Kahit maraming lupain at ari-arian ang mag-asawang si Aling Nena at Mang Ben ay nanatiling simple ang kanilang pamumuhay. Bilang maingat sa kalusugan ang mga ito’y hindi nila nakagawiang kumain sa labas. Napansin ng mag-asawa ang palaging pagpapadeliver ng pagkain ng kanilang mga bagong kapitbahay na sila Mark at Jana kaya’t bilang senyales ng pakikipagkaibigan ay ipinagluto nila ng isda at gulay ang batang mag-asawa.

Nagdoorbell sila sa bahay ng mga ito at bumungad ang nakasimangot na mukha ng dalawa. Tila sirang-sira na ang araw ng mga ito nasilayan lamang ang kanilang mga mukha. Gayunpaman ay gustong patunayan ng mag-asawa na sila’y mabubuting tao. Sa kabila nito, hindi makapaniwala ang dalawang matanda sa sumunod na ginawa ni Jana, itinapon nito ang bigay nilang pagkain sapagkat hindi daw nila tiyak kung saan galing iyon at hindi pa nila lubusang kakilala ang bagong mga kapitbahay.

Bagama’t nasaktan sa inakto ng batang mag-asawa ay humingi na lamang ng paumanhin ang dalawang matanda. Paliwanag nila, nasanay kasi sila sa probinsya na tuwing may bagong kapitbahay ay nagbibigayan ng pagkain o simpleng regalo. Sinabi rin nila na huwag mag-alala sapagkat lubos silang kilala ng pinagbilhan nila ng bahay sa subdivision na iyon at hindi sila mga masasamang tao. Ika ni Aling Nena, mainam ang gulay at isda para sa kanilang napaka-cute na anak.

Tila pakikialam naman ang dating ng sinabi ng matanda sa mag-asawa kaya’t tumango na lamang ito at isinarado na ang gate. Natatawa tawa pang iniisiip ng batang mag-asawa kung paano nabili ng dalawang matandang ito ang mala-mansiyong bahay sa tapat nila.

Nang sumapit ang hapon ay hindi mapakali si Aling Nena sapagkat may isang sasakyang aali-aligid sa kanilang street. Itinawag kaagad nila iyon sa guwardiya at kinumpirma ng mga ito na taga subdivision ang mayari ng sasakyan. Sa kabila nito ay hindi pa rin napanatag ang isip ni Aling Nena at Mang Ben.

Minatyagan nilang mabuti ang sasakyan at sakto namang bumaba ang anak nila Mark at Jana na si Andrew lulan ng school bus. Pagbaba ng school bus ay nag doorbell na ang bata at yaya nito upang makapasok sa kanilang bahay. Bigla namang bumaba ang drayber ng pulang van at kinausap si Andrew at yaya nito.

Dahil sa nakita ay nagmamadaling lumabas ng gate si Mang Ben at kinausap ang lalake. Hindi ito ang mukha ng may-ari ng sasakyang ito. Nang makita si Mang Ben ng drayber ay agad nitong sinikmuraan ang yaya ni Andrew at sabay binuhat ang bata papasok sa van. Nagpapapalag na umiiyak ang bata. Agad inundayan ng suntok ni Mang Ben ang lalake at nabitawan nito ang bata. Sinubukan pang barilin ng lalake si Mang Ben, mabuti na lamang at hindi ito tinamaan. Gulat na gulat ang batang mag-asawa sa nasaksihan pagbukas ng kanilang gate. Nagkagulo na at naglabasan ang mga kapitbahay at sumaklolo ang mga security guards. Lingid sa kaalaman ng lahat ay may tinamaan pala ng bala at ito ay si Aling Nena.

Dali-daling isinugod ito sa ospital lulan ng ambulansya. Hindi alam ni Mang Ben ang gagawin. Ayaw na ayaw nitong nakikitang nahihirapan ang pinakamamahal na asawa. Agad inoperahan si Aling Nena upang tanggalin ang bala at laking pasalamat nila sa Diyos nang malamang dumaplis ang tama ng bala at hindi natamaan ang puso nito.

Tila binunutan din ng tinik ang dibdib ng batang mag-asawa sapagkat hindi nila mapapatawad ang sarili kung may mangyaring hindi maganda sa kanilang butihing kapitbahay.

Napag-alamang dating drayber pala ng kanilang kapitbahay ang nagtangkang kumidnap sa bata at matagal na palang pinaplano nito ang gagawing krimen base sa mga nabasang mensahe sa cellphone nito. Agad itong ikinulong.

Laking pasasalamat naman ni Mark at Jana kay Mang Ben at Aling Nena. Hiyang hiya sila sa hindi magandang pakikitungo rito noong simula ngunit ika ng dalawang matanda, marami pang pagkakataon upang makabawi. Napagalaman nilang napakarami palang ari-arian ng dalawa at napakayaman pala ng mga ito ngunit nanatili itong mapagkumbaba at mabubuting tao.

Kung kayo ang nasa katayuan ni Mark at Jana, ituturing niyo bang pakikialam ang simpleng pakikipagkaibigan ng mag-asawa? Ano ang masasabi ninyo sa kuwentong ito? sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement