Inday TrendingInday Trending
Katawa-tawa Ngunit Makabuluhan ang Unang Tanong ng Isang Ama sa Nobyo ng Anak Niya, Hindi Nila Ito Nalimutan Hanggang sa Magkasarili Silang Pamilya

Katawa-tawa Ngunit Makabuluhan ang Unang Tanong ng Isang Ama sa Nobyo ng Anak Niya, Hindi Nila Ito Nalimutan Hanggang sa Magkasarili Silang Pamilya

Kinakabahan si Peter habang papalapit nang papalapit sa bahay ng nobya na si Kathy. Ito kasi ang unang beses na makikilala niya ang magulang ng kasintahan. “Relax ka lang,” bulong sa kanya ni Kathy sabay pisil ng kamay niya. Marahil ay naramdaman nito ang panlalamig ng katawan niya. “Kinakabahan talaga ako, Kathy.” Unang nobya niya si Kathy kaya ito rin ang unang beses na gagawin niya ang bahay na ito. Isang buwan palang silang magkasintahan ngunit tinanong niya na ito kung pwedeng makilala ang mga magulang nito upang pagbigay respeto sa pamilya ni Kathy. Nasa pinto palang ay taimtim ng nagdasal si Peter, “Sana po magustuhan nila ako.” “Pa, si mama?” tanong ng dalaga sa amang nakaupo sa veranda. “Nasa kumare niya, bakit?” sagot nito nang hindi napapansin si Peter. “Pa, si Peter po boyfriend ko. Pete, si Papa.” “Magandang hapon po,” nanginginig ang tono ni Peter na nagmano at binigay ang pasalubong na donuts kay Mang Billy, ang ama ni Kathy. Ngunit hindi nagsalita ito, tila gulat rin sa nakita. Akala ni Peter ay palalayasin siya nito. “Paupuin mo ‘yang kasama mo at ipagtimpla mo na rin ng juice,” tila sinasadya ng matanda na mapag-isa sila ng binata. Sinigurado ni Mang Billy na nakaalis na ang anak ng bago hinarap ang binata. Seryoso ang mukha nito at tila pinag-aaralan ang bawat guhit sa mukha ni Peter. Lalo namang naging dahilan iyon ng panginginig ni Peter. Ngunit pilnilit niyang hindi ipakita iyon sa matanda. “Hijo…” pasimula nito. “Po?” “Adik ka ba?” “Po?!” gulantang ang binata. Sa dinami-rami ng itatanong sa kanya, bakit ito? Gusto niyang matawa pero nakita niyang seryoso ang mukha ng matanda. “Seryoso ako hijo, huwag mo na subuking tumawa. Ano? Adik ka ba?” “Hindi po,” matatag niyang sagot. Pinakatitigan siya ng matanda sa mga mata, “Okay, pasado ka na.” Nagulat si Peter, “Yun lang po?” Napangiti ang matanda, “Oo, importante lang sa akin na hindi adik ang pagkakatiwalaan ko sa anak ko. Nakikita ko namang mahal at nirerespeto mo ang anak ko. Dahil hindi ka naman tutungo dito kung hindi diba?” Tumango siya sa matanda, “Opo, mahal na mahal ko po ang anak niyo po.” “Good, pero mahal lang muna ah. Wala munang anak, mag-focus muna kayo sa trabaho niyo.” “Opo, Sir.” “Tito na itawag mo sakin.” Napangiti nang tuluyan si Peter, nawala bigla ang kaba niya. Nagtagal ng walong-taon bilang magkasintahan sina Kathy at Peter. Napagdesisyunan nilang magpakasal at bumuo ng sariling pamilya. Lubos ang pasasalamat niya sa mga magulang ni Kathy, lalo na kay Mang Billy, sa pagtanggap sa kanya. At sa pangangaral ng tamang pag-iipon sa buhay. Ilang taon ang lumipas ay lumaki at nagdalaga na rin ang kanyang anak kaya naman nabigla si Peter nang biglang magsama ito ng boyfriend sa bahay. “Ganito pala pakiramdam noon ng papa ni Kathy,” bulong niya sa sarili. “Pa, si Vincent po boyfriend ko,” pakilala ng anak sa nobyo. Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay pinalabas niya rin ang anak at pinabili ng meryenda dahil gusto niyang mapag-isa sila nung lalaki. Mariin niyang tinitigan ang mga mata ng lalaki. Naalala niya ang nakaraan kay Mang Billy. Maya-maya pa’y nagsalita na siya, “Hijo…” “Po?” nanginginig ang katawan nito. “Adik ka ba?” sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement