Gustong Malaman ng Babae Kung ano ang Nilalaman ng Liham na Palaging Pasikretong Binabasa ng Kanyang Ama, Pero Laking Gulat Niya Nang Maisiwalat na Nakasulat Doon ang Madilim na Kahapon ng Ama
Ngayon ay ang ika-60 birthday ng ama ni Gladys.Nagtipon tipon ang buong pamilya para i-celebrate iyon at magpasalamat sa isa nanamang taon na idinagdag sa buhay ng kanilang tatay. Naroon ang kanyang ina, ang asawa niyang si Banjo, ang anak nilang si Glen, at ang dalawang kapatid ni Gladys na kapwa wala pang asawa. Imbitado rin ang ilan nilang mga pinsan at tiya. “Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday happy birthday, happy birthday to you!” sabay sabay nilang kanta sa matanda, at nagblow na ito ng kandila. “Pa, senior citizen ka na!” biro nila rito na sinundan ng masasayang halakhakan, ngiting ngiti naman ang ama niya. Matapos ang kantahan ay nagkainan na ang lahat. Napansin naman ni Gladys na pumasok sa kwarto ang kanyang papa, maya maya ay lumabas bitbit ang isang nakatupi, at lumang papel. Palagi iyong ginagawa ng papa niya tuwing birthday nito, natatandaan niya simula noong bata pa siya, ay kinukulit niyang maigi ito upang ipabasa sa kanya kung ano ang nakasulat doon. Bakit ba tuwing birthday nito ay binabasa nito ang papel, ano ba kasi ang nilalaman ng liham na iyon? Pag tinatanong niya naman ang kanyang ina ay ngingitian lang siya nito at sasabihing, “Malalaman mo rin.” Tingin ni Gladys, ngayon na ang oras na iyon. Kailangan niya na talagang alamin. Nilapitan niya ang matanda, at tinabihan ito. Kagulat gulat namang hindi nito itinupi ang papel, dati kasi, kapag papalapit na siya ay itinatago na nito iyon. “Pa, siguro naman pwede ko nang malaman yan?” nakangiting sabi niya rito. Walang imik ang matanda at iniabot sa kanya ang lumang papel. Isa pala iyong liham, pero hindi basta liham! Nanlaki ang mata niya nang mabasa niyang isa iyong suicide letter! June 17, 1957 Sa lahat ng nagmamahal sa akin, Patawarin nyo ‘ko. Ma, Pa, sana maging maayos kayo nang wala ako. Sapat na ang naipon ko para maipangpalibing ninyo sa akin, naroon na rin ang pang simula ng inyong negosyo. Kailangan kong gawin ito dahil pakiramdam ko ay wala nang silbi ang buhay ko at sadyang napakalungkot ko lang talaga. Gordo “P-pa..bakit?” walang masabi si Gladys sa ama. “Dumadaan naman talaga sa buhay ng tao yan, lalo na ng kabataan. Ewan ko ba, pakiramdam ko noon ay wala akong silbi. Kaya nga tuwing birthday ko, sine-celebrate ko kasi pangalawang buhay ko na ito, tapos binabasa ko yan para hindi ko malimutang magpasalamat na nakaligtas ako sa depresyon.” nakangiting sabi nito. “Pero, ano’ng pumigil sa inyo noon? Buti hindi ninyo tinuloy?” sabi niya rito. “Malapit ko nang damputin ang blade. Biglang dumating ang girlfriend ko, girlfriend ko palang mama mo noon eh! Hahaha! Niyakap niya ako, sabi niya buntis siya. Nagkaroon ako ng dahilan para mabuhay, hindi ako pwedeng mamatay kasi tatay na pala ako. Binigyan mo ko ng dahilan para mabuhay.” nakangiting saad ng ama. Napayakap naman si Gladys sa papa niya, mahal na mahal niya ang lalaking ito. Ano ang masasabi mo sa kwento? Ano ang natutunan mong aral? sa ibaba. Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.