Inday TrendingInday Trending
Babaeng Handa nang Ibigay ang Puri Niya sa Nobyo, Isang Tawag ang Matatangap Niya Mula sa Kabilang Dulo

Babaeng Handa nang Ibigay ang Puri Niya sa Nobyo, Isang Tawag ang Matatangap Niya Mula sa Kabilang Dulo

“Tara na kasi, Jen, gawin na natin. Ang tagal ko na talagang gustong masubukan, hindi ka ba naawa sa akin?” tanong ni Jasper, nobyo ng babae.

“Pero ‘di ba usapan natin ay sa honeymoon na lang. Kaunting paghihintay na lang, Jasper, at makukuha na natin ang isa’t isa,” sagot ni Jen sa lalaki.

“Mag-iisang dekada na tayo pero dehado ka pa rin sa akin? Dapat ngayong taon ang kasal natin pero dahil pumanaw ang papa mo ay ipinagpaliban natin ulit. Gustong-gusto ko na talaga, Jen!” naiiyak na pagpupumilit ng lalaki rito.

“Ako rin naman, pero alam mo na, mas okay pa rin kapag kasal na tayo. Sorry na, Jasper, kaunting paghihintay na lang,” panunuyo ng babae sa nobyo.

Hindi nagsalita si Jasper at sumimangot lamang ito sa babae.

Hayskul pa lamang ay magkasintahan na ang dalawa ngunit talaga namang naingatan ni Jen ang kaniyang puri at hindi ito ibinigay sa nobyo kahit nga anong pilit at ano pang sitwayson sila nauuwi.

Ngunit ngayon na pumanaw ang kaniyang ama ay aminado siyang si Jasper na ang naging sandalan niya. Nagsasama na nga silang dalawa sa bahay ng babae dahil wala namamg iba ng kasama si Jen sa buhay. Bata pa lang ay pumanaw na ang kaniyang nanay at ngayon ay wala na rin ang kaniyang ama.

“Sige na, tara na, gawin na natin,” mahinang bulong ng babae sa nobyo.

“Totoo ba? Seryoso na?” masiglang sagot ni Jasper sa kaniya.

“Oo nga, maliligo lang ako, hintayin mo ako sa kwarto,” sagot ng babae.

Kabado man ngunit handa na rin si Jen na gawin ito. Alam din naman niyang magiging asawa na niya ang lalaki ilang buwan simula ngayon.

Naghanda na ang babae at nagpabango.

Pumasok na siya sa kwarto na may manipis lamang na kasuotan, kahit sa malayo ay makikita na kaagad ang kaniya kaluluwa.

“Jen, napakaganda mo,” sabi ng lalaki na nakahiga na sa kama.

Tumabi na ang babae rito at nung aktong hahalikan na siya ng babae ay bigla itong napasigaw.

“Diyos ko!” sabi ni Jen sabay kuha ng kumot at itinakip ito sa kaniyang katawan.

“Bakit? Ano na naman ang problema?” naiiritang tanong ni Jasper sa kaniya.

“Si papa, nakita ko sa salamin. Huwag na talaga natin ‘tong gawin, Jasper, ayaw rin ni papa,” sagot ni Jen sa kaniya.

Dahil sa inis ay hindi na nagsalita pa si Jasper at mabilis itong umalis. Mga ilang araw din siyang hindi kinausap ng nobyo.

“‘Pa, magpapaalam lang ako ha. Susuyuin ko si Jasper ngayon at maghohotel na lang kami para hindi mo makita. Huwag kang mag-alala,’pa, inaalagaan naman ako ni Jasper at sigurado akong magiging mabuti siyang ama sa magiging apo mo,” sabi ni Jen sa litrato at abo ng kaniyang ama na nasa altar nila saka siya umalis ng bahay.

Nakipag-ayos naman kagaad si Jasper sa kaniya at dumiretso na sila sa hotel. Buo na ang loob ng babae at alam niyang babawi siya sa nobyo at pasisiyahin ito.

Hinalikan na niya si Jasper at unti-unti na ring tinatangal ng lalaki ang mga saplot niya nang bigla, “Sh*t!” sigaw ni Jen.

“Ano na naman?!” tanong ni Jasper sa nobyo at nasigaw na rin ang lalaki sa inis.

“Nakita ko ulit si papa!” sabi ni Jen at nagbihis.

“Alam mo, Jen, gawa-gawa mo na lang ito! Pinapaasa mo lang ako! Sinasaktan mo lang ako! Tama na! Itigil na natin ‘to!” baling ni Jasper sa kaniya at mabilis siyang iniwan sa kwarto ng hotel.

Naiwang umiiyak si Jen at hindi maintindihan ang init ng ulo ng kaniyang nobyo nitong mga nakaraang araw. Hanggang sa narinig niyang may teleponong tumutunog. Kaagad niyang hinanap ito at nakitang may isang teleponong naiwan sa ilalim ng kama.

Nung natapos ang tawag ay nakita niya ang wallpaper nito at hindi siya makapaniwala na si Jasper ang lalaki at may isang babaeng nakayakap sa kaniya.

Tumunog muli ito at kaagad niyang sinagot.

“Jasper, ano na? Nasabi mo na ba kay Jen na makikipaghiwalay ka na? Umuwi ka na rito at tumitigas lagi ang tiyan ko baka manganak na ako!” galit na sabi ng babae sa linya.

Hindi nakapagsalita si Jen nang biglang bumukas muli ang kwarto at bumalik si Jasper.

“Akin na nga ‘yan! Hiwalay na tayo! Bahala ka sa buhay mong mabulok, hindi ko na kayang maghintay, Jen, sorry,” sabi ni Jasper at iniwan siya na parang bula.

Hindi pa rin nakapagsalita ang babae at parang naiwan pa rin siya sa pagkagulat sa mga nangyayari sa kaniyang paligid. Hangang sa nakita niyang muli ang kaniya ama sa salamin at nakangiti ito sa kaniya.

Doon na bumagsak ang luha ng dalaga. Ngayon alam niya kung bakit nagmumulto ang kaniyang ama at laking pasasalamat niya dahil nakinig siya sa pagpaparamdam nito.

Hindi nagtagal ay nalaman niyang niloloko lamang pala siya si Jasper at nakabuntis na ito ng ibang babae. Balak na rin pala siyang iwan nito ngunit gusto muna niyang makuha ang puri ni Jen. Mabuti na lamang at kahit wala na ang mga magulang niya ay hindi siya pinabayaan nito.

Advertisement