Inday TrendingInday Trending
Pinagtatawanan ang Lalaking Ito Dahil Kahit Matanda na ay Takot pa rin sa Gagamba, Napakalalim Pala ng Kanyang Pinagdaanan na Naging Ugat ng Takot na Ito

Pinagtatawanan ang Lalaking Ito Dahil Kahit Matanda na ay Takot pa rin sa Gagamba, Napakalalim Pala ng Kanyang Pinagdaanan na Naging Ugat ng Takot na Ito

“Ahh! Takot ako d’yan! Ilayo mo sa akin ‘yan!” iyak ni Yuel nang makita nag isang malaking gagamba sa tabing-bahay nila. Tawa naman nang tawa ang mga kaibigan niya dahil kahit malaki at nasa tamang pag-iisip na siya ay takot na takot pa rin siya sa kahit na anong gagamba. “Ano ba naman ‘yan Yuel, ang laki-laki mo na takot ka pa rin sa gagamba. Bading ka siguro no?” tawa pa rin nang tawa ang kanyang mga kasama. Sa kabila ng mga ito ay wala ‘ni isa sa mga kaibigan niya ang nagtangkang magtanong kung bakit takot siya sa insektong iyon. Maski siya ay ayaw na ring alalahanin ang mapait na alaala ng nakaraan. Hanggang isang araw, sa kanilang school field trip ay nakakita na naman siya ng isang malaking gagamba. Takot na takot niyang binugaw ito habang nakikiusap sa mga kaklase na patayin ito. Ngunit imbes na tulungan ay walang-sawa pa siyang pinagtawanan ng mga ito. “Bakla ka ba? Maliit na gagamba lang, natatakot na ka na? Baklang gagamba! Baklang gagamba!” Ganoon na ang naging tawag sa kanya mula bata hanggang sa mag-binata siya ay marami pa ring lumuloko sa kanya ukol sa kanyang phobia o pagkatakot sa ganoong insekto. Dumating ang araw na hindi na nakayanan ni Yuel ang lahat ng pag-aapi ng mga kaklase’t mga kaibigan kaya naman nagsalita na siya, “Naranasan niyo na bang makidnap?” Noong una’y natahimik ang lahat pero agad ring nagtawanan pagkatapos ng ilang sandali. Pagkatapos ay nagpatuloy siya sa pagsasalita, “Bata palang ako nang makidnap ako’t takutin ng isang matanda para lamang sa pera. Doon ay naranasan kong mapag-isa at puro malalaking gagamba lamang ang kasama. Dahil doon ay nagkaroon ako ng matinding takot sa mga gagamba.” Tulala ang mga kaklase’t mga kaibigan niya. ‘Ni isa sa mga ito ay walang nakapagsalita. Hindi siguro akalain na ganito kalalim ang pinagdaanan ni Yuel sa murang edad na sampung-taong gulang. Kaya naman kahit tumanda na siya nang ilang taon ngayon ay hindi pa rin mawaglit sa kanya ang takot sa mga gagamba. Humingi ng tawad ang mga kaklase’t kaibigan niya sa mga pang-aasar na ginawa sa kanya. Simula noon ay wala na siyang narinig pang panloloko mula sa mga ito at sa halip ay nirespeto at kinatuwaan na siya ng mga ito. Dapat ngang hindi tayo agad manghusga ng kapwa. Hindi natin alam kung ano ang mas malalim niyang pinagdaanan noon. Imbes na panghuhusga ay bakit hindi natin sila intindihin at tulungan sa pinagdaraanan nila?

Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat.

sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement