Inday TrendingInday Trending
Nagulat ang Lalaki nang Malamang Birhen Pa ang Disgrasyadang Ina na Nakatalik Niya; May Pakatatagong Sikreto Pala Ito

Nagulat ang Lalaki nang Malamang Birhen Pa ang Disgrasyadang Ina na Nakatalik Niya; May Pakatatagong Sikreto Pala Ito

Isinara na ni Ashley ang pinto sa klinika ng kanyang OB Gyne, malaki ang utang na loob niya rito dahil kung hindi dahil sa doktora ay hindi niya mabibigyan ng breastmilk ang kanyang baby. Bitbit niya ang sanggol at masuyo niya itong tinignan, napangiti pa siya nang humikab ito at payapang bumalik sa pagtulog.

“Baby Ashton, tayong dalawa na lang ngayon. Hindi kita pababayaan, anak,” sabi niya rito habang pinipigil ang luha.

Ngayon niya napatunayang ang hirap mag-alaga ng sanggol na nag-iisa, dalawang buwan palang mula nang maisilang si baby Ashton at para na siyang losyang dahil siya lamang ang nagpapalaki sa bata. Ang tatay nito ay naglaho nang parang bula. Palabas na siya sa ospital nang biglang gumalaw ang bata na para bang balisa, maya-maya pa ay umiyak ito ng pagkalakas-lakas. Lagot! Gutom na ito dahil nakanganga pa at pilit na inaabot ang kahit na anong malapit sa bibig nito.

“Shh, shhhh. Dedede na ang baby na yan ha, shhh.” sabi niya. Binuksan niya ang kanyang bag at naghanap ng pwedeng ipangtakip sa kanyang dibdib pero wala siyang makita. Wala rin siyang dalang tinitimplang gatas dahil nais niyang sa kanya ito dumede para masigurong malusog ang bata. Lumingon siya sa paligid, may mangilan-ngilang dumaraan na nurse at pasyente, tila naman swerte siya dahil may pinto sa kanyang likod. Siguro ay lalagyan ng mga gamot, o baka nurse’s station. Pumasok siya roon at naupo sa malambot na bangkong pang opisina, itiniwangwang niya ang dibdib na agad naman sinunggaban ng gutom na sanggol.

Bahala nang mahuli at mapagalitan ng pamunuan ng ospital, basta mapawi ang gutom ng kanyang anak.

Katatapos lamang mag opera ni Dr. Alexander De Jesus at nakahinga siya nang maluwag dahil stable na ang kanyang pasyente, maayos niyang naoperahan ang puso nito. Kahit na dalawang taon pa lamang siyang doktor ay marami na ang humahanga sa kanya, gwapo siya, matalino at sa batang edad na 28 ay marami nang karangalan. Ang mga parangal at certificate na nakuha niya sa iba’t ibang seminar na pinuntahan ay naka-display lagi sa kanyang opisina, nagpapaalala ang mga iyon sa kanya kung bakit niya ninais maging doktor.

“Good afternoon Doc De Jesus!” halos sabay pang sabi ng dalawang nurse.

“Hello,” sabi niya naman at tinanguan ang dalawa, hindi pa siya nakakalayo ay narinig niya nang napatili ang mga ito. Marami ang nagkakagusto sa poging doktor pero wala pa sa isip niya ang mag asawa, nais niyang mag focus muna sa kanyang mga pasyente.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng kanyang opisina, ganoon na lang ang panlalaki ng mata niya nang makita ang isang babae. Maganda ang babae, lagpas lamang ng kaunti sa balikat ang buhok nito, makinis ang kutis at natural ang mamula-mulang labi. Kung sa ibang pagkakataon sana ay kikiligin siya kaya lang ay iba ang sitwasyon nila ngayon- nagpapasuso ito ng anak!

“What are you doing here Miss?” sabi niya rito, ang lakas ng tibok ng puso niya. Pilit niya man kasing iwasan ay napatitig siya sa dibdib nito. Ah, nakakainggit naman ang baby.

“Diyos ko po! Ay, Sir..D-doc..Ano, Kuya sorry! Nagutom kasi ang baby ko, sorry sorry..” sabi nito na di magkandaugaga kung paano tatakpan ang dibdib nito, nang subukan kasi nitong hugutin ay umingit ang sanggol at gutum na gutom pa.

Inabot niya rito ang kanyang puting uniporme, sakto naman na pumasok ang security guard dahil narinig nito ang pagsigaw kanina at nanlaki rin ang mata nang makita ang babae.

“Ma’am bawal po kayo dito, diba ho kayo yung galing sa OB kanina?” mataray na sabi nito at akmang hahawakan na ang braso ng babae upang itayo.

Hindi alam ni Alexander pero parang may nag udyok sa kanya, kaya pinigil niya ang guard, “Kuya, sinadya ko siyang gulatin kaya napasigaw siya. Magugulatin talaga itong misis ko eh, kaya nakakatuwa ang cute-cute. Hayaan mo na rito..ang mag ina ko.”

Nagulat ang guard sa sinabi niya pero di na ito umimik. Maging ang babae ay nanlalaki ang mata na nakatingin sa kanya, “S-Salamat po Doc,” sabi nito nang makaalis na ang guard.

“Okay lang yan, busugin mo ang baby. Lalabas muna ako,” sabi ni Alexander at lumabas na muna sa kanyang opisina.

Mula noon ay kumalat na ang usap-usapan sa ospital na may pamilya na si Doctor De Jesus, naging malapit na rin silang magkaibigan ni Ashley at pinanindigan na nila ang pagiging ‘mag asawa’ dahil tuwing magpapa-check up ito ay sinasamahan niya na ang babae. Nalaman niya ring walang ama si baby Ashton kaya ganoon na lang ang awa niya sa babae. Hindi niya namamalayan na ang awang iyon ay unti unting napupunta sa pag ibig.

Ilang buwan pa ang nakalipas nang magpasya si Alexander na ipagtapat ang nararamdaman sa babae.

“Alex, hindi ko pwedeng talikuran si Ashton.” sabi nito, may lungkot sa mga mata. Hindi ito ang unang beses na dinalaw niya sa bahay ang mag-ina.

“Sino naman ang may sabing tatalikuran mo siya? Baby mo siya, baby ko na rin siya. Nang magpasya akong mahalin ka ay tanggap ko na dalawa kami ni Baby Ashton sa buhay mo, walang mawawala sa pamilya nyong dalawa Ashley, madadagdag lang ako..” sabi niya, karga-karga niya pa ang sanggol na ngayon ay anim na buwan na. Nakatulog na ito sa bisig niya kaya dahan-dahan niya itong ibinaba sa crib.

“Ano, mahal mo rin ako diba?” malambing na tanong ni Alexander.

Bilang sagot ay hinalikan ni Ashley ang lalaki, tumugon naman ito, sobrang saya ng puso nila. Sa una ay masuyo lamang ang halik na iyon pero habang nagtatagal ay parang may kuryenteng dumaloy sa kanilang katawan, di namalayan ni Ashley na binuhat na siya ni Alexander patungo sa kama.

Bago mag isa ang katawan nila ay napatigil si Alexander dahil tila may nakaharang, halata ring nasasaktan ang babae.

“Tuloy mo lang..” sabi ni Ashley, kaya itinuloy niya nang dahan-dahan.

Nang matapos ang kanilang pag-iisang katawan ay nahiga si Ashley sa dibdib ng lalaki, tahimik kasi ito at parang may malalim na iniisip. Alam niya kung bakit ito nagkakaganito, siguro tama na ring sabihin niya ang katotohanan.

“Bakit hindi mo sinabi? Nasaktan kita Ashley..” sabi nito.

“Sinabi na ano? Na ikaw ang una? Bakit pa,” simpleng sagot niya, nakangiti. Pero lalong kumunot ang noo nito.

“Si Ashton? Paano nangyari?” nagtatakang sabi ni Alexander, siguradong sigurado kasi siyang siya ang nauna kay Ashley, kaya paano nangyaring nagkaanak ito?

Ngumiti ang babae, “May ate ako.. si Ate Anne. Nang malaman niyang may cancer siya ay tinakbuhan siya ng boyfriend niya, ang masakit pa doon, nalaman niya ring buntis siya. Para hindi malungkot ang ate ko, nangako akong ako ang bahala sa baby at hindi ko pababayaan. Sinubukang lumaban ni Ate sa sakit niya pero habang tumatagal ang pagbubuntis niya lalo siyang lumalala, pagkasilang niya kay Ashton ay sumuko na rin ang katawan ng ate ko.

Bago siya nawala, pinangakuan ko siya na palagi kong sisiguruhing healthy ang anak niya- kahit na ano gagawin ko. Kaya nang makausap ko ang doctor ng ate, sinabi niya sa akin ang tungkol sa Induced Lactation, iyon bang breastfeeding at hindi tinitimplang gatas para malusog, kaunting therapy, kaunting gamot at maggagatas ako kahit na hindi ako nanganak.. kaya tayo nagkakilala na pinadedede ko siya,” paliwanag niya.

Napahawak sa noo niya si Alexander, doctor siya! Bakit ba hindi niya naisip?

Makalipas ang ilang buwan ay ipinagdiwang nila ang first birthday ni Baby Ashton, habang nagbo-blow ng kandila ang bata ay bumulong si Alexander kay Ashley, “Mommy, pakasalan mo ko..” sabi niya at pasimpleng iniabot dito ang singsing.

Tumango si Ashley at ngumiti, tapos ay inilapit ang bibig sa tenga ng kanyang nobyo. Napasigaw si Alexander sa ibinulong ni Ashley, “Daddy, daddy kana talaga. Buntis ako,”

Masayang namuhay ang mag asawa kasama ang dalawa nilang anak. Alam ni Ashley na kung nasaan man ang ate niya ngayon ay maligaya na ito dahil hindi lang ina ang naibigay niya sa anak nito, kundi kumpletong pamilya.

Advertisement