Pinangakuan ng Kasal ang Babae ng Kaniyang Nobyo Ngunit Bigla Itong Naaksidente; Mas Ikinagulat Niya ang Sumunod na Nangyari

Pinangakuan ng Kasal ang Babae ng Kaniyang Nobyo Ngunit Bigla Itong Naaksidente; Mas Ikinagulat Niya ang Sumunod na Nangyari

HeartbreakingLoveStories

Nagkakilala sina Ivy at Zanjo sa ospital na pinagtatrabahuhan nilang dalawa. Sila ay parehong nurse na nagkaroon ng feelings sa isa’t isa na nauwi sa seryosong relasyon hanggang sa dumating ang araw na pinangakuan na ng kasal ni Zanjo ang kasintahan.

“Masyado yata tayong nagmamadali, Zanjo. Ilang buwan pa lang tayong magkarelasyon tapos ay gusto mo nang magpakasal na tayo?” tanong ni Ivy sa nobyo.

“Mahal natin ang isa’t isa kaya wala akong nakikitang masama kung magplano na tayong magpakasal. Huwag kang mag-alala dahil sapat na ang naipon ko para mabigyan ka ng magandang kasal,” sagot ng lalaki.

“Talaga? P-pero, ayoko namang umasa lang sa iyo. Gusto ko rin namang may maiambag ako sa kasal natin.”

“Wala kang dapat na alalahanin. Ang gusto ko lamang ay marinig sa iyo ang matamis mong ‘oo’. Payag ka na bang maikasal na tayo, labs?”

Hindi na pinag-isipan ni Ivy ang isasagot. Dahil mahal niya ang nobyo ay pumayag agad siya sa alok nito.

“Yes, labs! Pumapayag na akong pakasal sa iyo.”

“Thank you, my labs! Hinding-hindi mo pagsisisihan ang pagpapakasal sa akin. I love you!” tuwang-tuwang sabi ng lalaki sabay halik sa mga labi ng nobya.

Hindi nagdalawang-isip si Ivy na sagutin ang pinakamamahal niyang kasintahan dahil gusto na rin naman niyang makasama ito at bumuo ng masayang pamilya.

Matapos ang kanilang engagement ay nabuntis si Ivy. Sa kalagitnaan ng kaniyang pagdadalantao ay nagpaalam si Zanjo na may kailangan itong asikasuhin sa probinsya nito para sa kanilang kasal. Pinayagan naman niya ito dahil mahalaga raw ang aasikasuhin nito roon. Pinakiusapan ng lalaki ang matalik nitong kaibigan na kung maaari ay magamit sa pag-alis ang private plane na pag-aari ng pamilya ng mga ito para hindi na gumastos sa pamasahe. Sumakay ang kaniyang fiance sa private plane papuntang Bacolod kasama ang matalik nitong kaibigan na kakilala rin niya. Nangakong itong babalik pagkalipas ng tatlong araw.

“Mag-iingat ka, labs!” bulong ni Ivy sa sarili nang makaalis na ang private plane.

Ngunit isang oras pa lamang ang nakakalipas ay nabalitaan niyang naaksidente at nag-crash ang sinakyang private plane ni Zanjo at ng kaibigan nito. Tumawag sa kaniya ang ina ng matalik nitong kaibigan at ipinaalam na bumagsak ang sinasakyang private plane na ikinas*wi ng dalawang lalaki.

“A-ano?! No! H-hindi totoo ‘yan, hindi pat*y si Zanjo, hindi pat*y ang fiance ko!” paulit-ulit niyang sambit sa kausap niya sa kabilang linya. Ayaw niyang maniwala na wala na ang lalaking pinakamamahal niya.

Nang pumunta siya sa morge kung saan dinala ang mga labi ay halos hindi na niya makilala ang mga labi na naroon dahil sa sobrang sunog na sunog ang mga ito. Nalaman lang niya kung sino sa dalawa ang labi ni Zanjo nang makita ang suot nitong engagement ring. Kulang na lang ay maglupasay siya sa kakaiyak matapos makita ang kalunus-lunos na sinapit ng nobyo.

“Zanjo, bakit ito nangyari sa iyo, mahal ko? Paano na ang mga pangarap natin? Paano na ang magiging anak natin kung wala ka na?” hagulgol niya.

Tatlong araw lamang na pinaglamayan ang labi ni Zanjo at agad na inilibing dahil iyon daw ang hiling ng pamilya nito. Ilang linggong nagluksa si Ivy sa pagkawala ng lalaki. Hindi pa rin niya alam kung paano magsisimulang muli kapag isinilang na niya ang kanilang anak.

Makalipas ang dalawang linggo ay nakatanggap siya ng tawag mula sa isa niyang malapit na kaibigan.

“Ivy, huwag kang mabibigla, pero may nakita kasi ako sa Facebook,” wika ng babae.

“Ano naman ang nakita mo, Josy?” tanong niya sa kaibigan.

“Mayroon kasi akong nakitang post sa Facebook na lalaking ikakasal sa fiance niya. Believe me, kamukhang-kamukha ni Zanjo ‘yung lalaki!”

“W-What?!”

Nang tingnan niya sa Facebook ang sinabing post ay laking gulat niya dahil hindi lang kamukhang-kamukha ni Zanjo ang lalaki sa litrato dahil iyon talaga ang fiance niya. Nakilala niya ito dahil bukod sa kasama ng lalaki sa litrato ang babaeng pakakasalan nito ay naroon din ang matalik na kaibigang lalaki ng nobyo na kasama nitong umalis papuntang Bacolod bago ang aksidente.

“N-No! Hindi ito maaari. Ibig sabihin ay niloko lang nila ako?!”

Halos hindi nakakilos si Ivy sa natuklasan. Nang i-search niya ang detalye ng kasal ng lalaki sa Facebook ay nalaman niyang mayaman pala ang babaeng pakakasalan nito na nagmamay-ari ng malaking lupain sa Bacolod. Nadiskubre niya na noon pa pala may sikretong relasyon ang fiance niya at ang babae na kaklase nito noong nasa kolehiyo ito. Ang babae rin ang gusto ng pamilya ni Zanjo na makatuluyan ng lalaki. Napag-alaman din niya na ang babae ay nagdadalantao rin kaya pakakasalan na ng kaniyang fiance. Agad niyang kinausap ang pamilya ng matalik nitong kaibigan at nadiskubre nga niyang tama ang lahat ng impormasyong nalaman niya. Mas ikinawindang pa niya nang ipagtapat ng ina ng kaibigan ng lalaki na pati ang nangyaring aksidente sa private plane ay plinano rin. Hindi totoong nas*wi sa plane crash si Zanjo at ang kaibigan nito. Kumuha ang mga ito ng mga bangk*y na nagpanggap na mga labi ng dalawa. Ginawa raw lahat iyon ni Zanjo dahil ayaw na nitong magpakasal sa kaniya at sa ibang babae na ito magpapakasal.

“Ang walang hiya, nakuha pang peke-in ang pagkam*tay niya at libing? Kaya pala wala sa mga kamag-anak niya ang pumunta sa lamay dahil ang lahat pala ay puro kasinungalingan? Napakahayop mo, Zanjo! Bakit mo ito nagawa sa amin ng anak mo? Wala kang kasing sama!” galit na galit na sambit ni Ivy.

Dahil sa mga nalaman niya ay hindi maaaring hindi siya makaganti sa taong sumira ng buhay niya at nanloko sa kaniya. Inalam niya ang eksaktong petsa at lokasyon ng kasal ni Zanjo at ng babae nito.

Nang sumapit ang araw ng kasal ay pumunta siya sa simbahan. Gulat na gulat ang lalaki at ang babaeng papakasalan nito nang makita ang presensya niya.

“I-Ivy!” gulat na sabi ni Zanjo.

“Ako nga, labs. Nabalitaan kong ikakasal ka ngayong araw. Kaya naman pumunta ako rito. Hindi maaaring matuloy ang kasal ninyo nang wala ako. Gusto ko lang na malaman ng babaeng papakasalan mo at ng mga taong naririto kung sino ako sa buhay mo. Ako lang naman ang totoong fiance ng lalaking ‘yan. Magkasama kami sa trabaho, nagmahalan at pinangakuan din ng kasal. Engaged na nga kami, eh at dinadala ko rin ang anak niya. Pagkatapos ay nabalitaan kong naaksidente ang fiance ko at namat*y. Nagluksa pa nga ako sa lamay at libing niya ngunit matutuklasan ko lang pala na plinano lang ang aksidenteng ‘yon para talikuran ako at ang aming anak para magpakasal sa iba. At ikaw babae, maaatim mo bang magpakasal at makasama ang isang manloloko at iresponsableng lalaking kagaya niya? Sinayang mo lang ang pagmamahal at tiwalang ibinigay ko sa iyo, Mr. Zanjo Pineda. Hindi mo pala kami kayang pahalagahan at panindigan ng anak mo. Binalewala mo lang kami dahil hindi mo magawang makuntento kung anong mayroon ka. Wala kang konsensiya! At para sa babaeng pinili mo, sana ay hindi niya maranasan ang naranasan namin ng anak ko sa sinungaling at walang kwentang lalaking kagaya mo. Diyos na ang bahala sa iyo,” sumbat ni Ivy pagkatapos ay nagmamadaling umalis.

Natulala ang mga bisita sa loob ng simbahan, pati na ang pamilya ni Zanjo at ang pamilya ng babae ay hindi nakapagsalita sa lahat ng ibinunyag ni Ivy.

Magaan na ang loob ni Ivy dahil nailabas na niya ang lahat ng galit at sama ng loob na mayroon siya sa kaniyang dibdib. Nabalitaan na lamang niya na hindi na itinuloy ng babae ang kasal kay Zanjo dahil hindi pala nito alam ang lahat ng ginawa nitong kasalanan at panloloko. Ang akala ng babae ay ito lamang ang pakakasalan ng lalaki. Sa sobrang galit ay nagsampa ng reklamo ang mga magulang ng babae laban kay Zanjo dahil sa panloloko nito. Sa isip ni Ivy ay iyon na ang karma ng dating nobyo sa ginawang pag-aabandona sa kanilang mag-ina.

“Nakamit na natin ang hustisya, anak,” bulong ni Ivy sa isip habang hinahaplos ang tiyan niya.

‘Di nagtagal ay isinilang na niya ang kaniyang anak na pinangalanan niyang Mary Hope. At dahil na rin sa tulong ng kaniyang pamilya at mga kaibigan ay nalagpasan niya ang lungkot at nabawi ang sarili kung saan siya ay naging mas matatag na ina sa pinakamamahal niyang anak.

More Stories