Tinawag ng Guro na Basura at Isang Ilusyon ang Pangarap Isang Estudyante, Napanganga ang Guro sa Muli Nilang Pagkikita Makalipas ang Ilang Dekada
May isang guro ang nagpasulat sa kanyang mga estudyante ng mga pangarap nito sa buhay. Karamihan sa kanyang mga estudyante ay nagsulat na gusto nilang maging doktor o teacher balang araw at ang iba naman ay maging abogado. Meron ding nagsulat na gustong maging chef, engineer at baker. Nakapagpasa na ang lahat maliban sa isa niyang estudyante, si Camille. “Camille, nasaan na ang iyong papel? Ipasa mo na ‘yan kundi wala kang matatamong grade.” Tila nangingilag pa itong ipasa sa kanya ang papel nito. Napaisip siya sa galaw ng bata kaya naman binasa niya kung anong nakasulat sa papel nito. “Ako po si Camille. Ang pangarap ko po ay maging magsasaka na nagmamay-ari ng pinakamalaking sakahan sa ating bayan. Gusto ko rin pong magkaroon ng malaking mansyon na may prinsipe at ako’y magiging prinsesang magsasaka.” Bago magbreaktime ay tinawag niya si Camille at kinausap. “Camille, ibabalik ko sa iyo itong papel na ito at gusto kong baguhin mo. Ilagay mo ang makatotohanang pangarap at hindi ilusyon lamang. Ipasa mo ito sa akin bukas ng umaga. Kung hindi mo ito babaguhin ay bibigyan kita ng pinakamababang grado. Kababae mong tao, magsasaka ang pangarap mo.” Umuwi si Camille at nagpatulong sa kanyang ina, “Nay, pinapabago po sa akin ng teacher ko ang pangarap ko.” “Ano ba ang iyong pangarap anak?” tanong nito sa kanya. Binigay nito ang papel sa ina, “Ito po ‘nay. Yan naman po talaga ang pangarap ko. Sabi ng teacher ko, kung hindi ko daw po babaguhin ay ako ang makakakuha ng pinakamababang grade.” Sumagot ang kanyang nanay, “Anak, desisyon mo na ‘yan. Pwede mong panindigan ang pangarap mo o hayaan itong mabago ng iba.” Kinabukasan ay pumasok si Camille at pinasa ang parehong papel. Nagdesisyon siyang panindigan ang kanyang pangarap. “Ano ‘to, Camille basura na naman ang ipapasa mo? Puro ilusyon!” galit na turan ng kanya ng guro.” “Sorry po Ma’am, hindi baleng bigyan niyo po ako ng pinakamababang grade. Ayoko pong baguhin ang pangarap ko. Sabi po kasi ng nanay ko, kung ‘yan po talaga ang gusto ko, matuto daw po akong manindigan.” Lumipas ang 35 taon, nagkaroon ng fieldtrip ang guro sa pinakamalaking sakahan sa kanilang bayan. “Sino ho ang may-ari ng sakahan?” tanong niya sa caretaker nito. “Si Mrs. Hondranes po. Mamaya ay makikilala niyo siya.” Nagulat ang guro nang makita at malaman na si Camille pala ang may-ari ng sakahan na iyon at ang pinakamalaking mansiyon sa kanilang bayan. Lumapit siya sa dating estudyante, “Patawarin mo ako Camille at nasabi kong ilusyon at basura ang pangarap mo noon. Laking-pasalamat ko na pinanindigan mo iyon. Muntik ko na iyong masira pero nakakabilib ang tapang mo at tinuloy mo ang iyong pangarap.” “Wala po ‘yun Ma’am, basta may paninindigan sa pangarap maabot kahit imposible.” Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.