Inday TrendingInday Trending
Apoy ng Inggit

Apoy ng Inggit

“O, doon tayo! Maganda doon sa may part yon! Dali, tawagin niyo si boss!” excited na ani Rowena sa mga kasamahan, agad naman nilang tinawag ang kanilang boss.

“Oo nga no! Iba ka talaga Rowena, paano mo natuklasan ang lugar na ito?” nakangiting pag-uusisa ng boss, tila natutulala ito sa ganda ng tanawing nasa harapan niya.

“Naku boss, nakita ko na rin itong lugar na ito sa internet. Hindi ko lang nasabi agad dahil naunahan na ako ng bida-bida sa team natin.” ika ni Hilda, halatang inis na inis ito sa pagpapapuri ng boss kay Rowena.

Nasa isang business vacation ang grupo nila Rowena. Bilang malapit na kaibigan ng boss, siya ang naatasang manaliksik ng iba’t-ibang lugar na pwede nilang puntahan at doon makakalap ng mga impormasyong magagamit nila sa pagpapalago ng kanilang business.

Ngunit tila laging naiinggit ang katrabaho niyang si Hilda. Palagi siya nitong binabara at ipinapahiya sa buong team.

“Next destination natin Sir ay sa Mt. Maculot, malapit lang rin po yan dito.” pagbibigay impormasyon ni Rowena sa kanyang boss, naghiyawan naman sa excitement ang mga katrabaho pwera kay Rowena.

“O, safe ba dyan? Baka nakakalimutan mo Rowena ang panahon ngayon, naulan-ulan tuwing hapon. Baka abutan tayo sa gitna ng daan.” mataray na pagpapaalala ni Hilda habang nagtatanggal ng mga dumi sa bagong manicure niyang mga kuko.

“Hindi naman siguro. Tingnan mo, tirik ang araw ngayon. Kung ayaw mo, edi huwag dito kana lang sa hotel, bantayan mo na lang mga gamit namin.” pang-iinis na ani Rowena. “Hindi, biro lang, magtiwala ka, Hilda.” nakangiting bawi ng dalaga.

Nagtungo na nga sila sa nasabing lugar. Sinimulan na rin nila ang pag-akyat ng bundok kasama ang isang guide na binabalaan na silang huwag na tumuloy. Ngunit nais ng nakararami na ituloy dahil sayang naman raw ang kanilang pagod at pera sa pagpunta sa lugar.

Matagumpay silang nakaakyat ng bundok. Doon sa tuktok nasilayan nila ang nakakahumaling na pagbaba ng araw. Doon nila kinuha ang video na gagamitin nila para sa commercial ng kanilang produkto.

Dahil nga gabi na at madilim na sa daan, napagdesisyunan ng buong team na magpalipas na ng gabi sa camping area sa bundok. Ngunit nag-aamok si Hilda, nais na niya daw bumaba.

“Sir, bumaba na tayo. Ang daming lamok dito. Saka pagod na nga tayo sap ag-akyat dito, tapos hindi pa tayo makakapagpahinga ng maayos. Baka nakakalimutan niyo Sir, bukas na ang uwi natin. Sigurado pagod nanaman tayo sa mahabang biyahe!” ani ni Hilda, habang tinatapik-tapik ang mga lamok sa braso.

Dahil sa pangungulit nito ay sumang-ayon na rin ang kanilang boss. Ayaw man ng kanilang guide na bumaba dahil nga delikado na, binigyan iyon ng tip ni Hilda para magtigil na sa kakaawat.

Ngunit nasa kalagitnaan pa lang sila ng bundok, biglang bumuhos ang pagkalakas-lakas na ulan. Noong una ay hindi nila ito iniinda ngunit hindi kalaunan ay may mga pagguho ng lupa sa gilid nila. Doon na nagsimulang mataranta ang lahat.

Ginawa ng guide nila ang lahat para sila ay kumalma pero huli na ang lahat dahil nahimatay na si Hilda sa takot dahilan para mahulog siya sa bangin na nagawa ng pagguho.

“Sige na kuya! Kaya ako na bahala kay Hilda! Dalhin mo na sila sa ligtas na lugar!” sigaw ni Rowena, dali-dali naman itong sinunod ng guide nila.

Hindi naman ganoon kalalim ang nasabing bangin dahilan para maiangat niya kaagad ang katrabaho. Maya-maya pa ay bumalik ang kanilang guide at tinulungan siyang buhatin ang wala pa ring malay na babae.

Nakababa na ang lahat ng bundok. Tumigil muna sila sa isang bahay panuluyan na malapit sa nasabing bundok. Ganap na alas singko ng madaling araw nagkamalay si Hilda, habang inaasikaso ng ilang mga katrabaho dahil sa bukol niya sa ulo.

“Kasalanan ito ni Rowena e, binalaan ko na siya na uulan! Tumuloy pa rin! Edi sana wala akong bukol ngayon!” inis na inis na niyang sabi, habang tinitingnan sa salamin ang bukol.

“Naku Hilda, kung alam mo lang ang katapangang pinakita ni Rowena para lang iligtas ka. Isipin mo napakalakas ng ulan, walang siyang pag-aalinlangang sagipin ka sa bangin na yon! Tapos magagalit ka pa rin sa kanya? Baka nakakalimutan mo rin Hilda, ikaw ang nagpumilit na bumaba. Tingnan mo si Rowena o, puro galos dahil sayo buti nga ikaw bukol lang e!” pangongonsensya ng isa nilang katrabaho.

Natahimik naman si Hilda noong mga oras na yon. Hindi niya akalaing si Rowena pa ang magliligtas sa kanya kahit na lagi niya itong inaaway at binabara. Pinagmasdan niya ang natutulog na katrabaho, puro galos at sugat ang mga braso’t binti nito. Labis siyang nakonsensya sa lahat ng kaniyang ginawa.

“Pasensya kana Rowena, ang totoo kasi niyan naiinggit ako sayo. Ang galing mo sa maraming bagay, samantalang ako magaling lang magreklamo. Pasensya kana, babawi ako sayo.” ika ni Hilda sa natutulog pa ring dalaga.

Simula noon naging maayos na ang pakikitungo niya sa katrabaho. Laking gulat ng kanilang boss dahilan para ipadala sila sa ibang bansa para at maging representative ng kanilang kumpanya. Doon mas lalo nilang nakilala ang bawat isa.

Kapag talaga inggit ang dumaloy sa dugo ng tao, mahirap na itong gamutin.

www.google.com

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement