Ipinakita ng Lalaking Ito sa Misis Niya ang Litrato ng Kanyang First Kiss, Nagulat Siya sa Mas Malaking Rebelasyon ng Misis Niya
Naglalaro ang 8 taong gulang na si Mark sa Luneta nang makilala niya ang isang batang babae. Chinita, maliit ito at kulot ang buhok. Mayroon itong mapuputing ngipin at mga ngiting bubuo sa araw ng kahit sinong makakakita. Walang alam si Mark sa pag ibig noon, pero sigurado siyang may kilig siyang naramdaman nang unang unang makausap ang batang babae, na naglalaro sa edad na 6 hanggang 7 taong gulang. Nakabestida ito ng kulay dilaw, may kwintas at hikaw na bumagay sa maliit na hubog ng mukha nito. ” ‘No name mo?” bulol na tanong nito sa kanya. “Mark, ikaw?” tanong rin niya sa batang babae. Hindi naman siya pinansin nito, tumingin lang at ngumiti. Pagkatapos ng ilang segundo ay muling nagsalita. “Jing. 7 years old, grade 1!” buung buo ang pakilala nito sa sarili. Mabilis na nagkasundo ang dalawang bata, hindi rin maintindihan ng batang lalaki kung ano ang kanyang naramdaman pero bigla niya nalang kiniss sa labi si Jing. Parang wala naman ito sa batang babae, sa isip ni Mark ay kiss naman iyon ng isang kaibigan. Hindi nagtagal ay tinawag na si Jing ng yaya nito. Nalungkot si Mark dahil hindi niya alam kung saan nakatira ang bata, hindi niya man alam puntahan iyon, baka masabi niya sa mama niya at mapuntahan nila. Napansin ni Mark sa bandang paanan niya ang isang kwintas, locket. Ito ang suot ni Jing, biuksan niya at nakita niya ang litrato ng magandang mukha ng batang babae. “Hon.. ” nagising mula sa pagbabalik tanaw si Mark nang tawagin siya ng misis. “Baby.. lika dito.” tawag niya kay Angela, ang misis niya. Ikinasal sila 4 na buwan na ang nakalilipas at ngayon ay 2 buwang buntis ito sa panganay nila. “Ano’ng iniisip mo?” tanong ni Angela at kumandong sa kanya. “Wala, kung anu ano lang.” pagsisinungaling niya. Alam niya naming hindi selosa ang misis at malawak ang pang unawa nito Lalo na’t bata pa siya nang mangyari ang tungkol kay Jing, pero iba kasi ang sitwasyon ngayon, buntis ito at emosyonal. “You’re lying.” Seryosong sabi nito. Nakatingin ito ngayon ng diretso sa mukha niya, ang ekspresyon nito ay iyong tipong magmamaktol anumang sandali na magkamali siya ng sagot. “Okay okay.” pagsuko naman niya at handa nang magpaliwanag. “Iniisip ko lang ang first kiss ko..” panimula niya na tinatantya ang misis, mataman namang nakikinig ito.Kaya itinuloy niya ang kwento. “Bata pa naman ako no’n, sa Luneta. May nakalaro akong batang babae at mabait siya, nagandahan ako kaya ayun kiniss ko.” dire diretso niyang sabi. “Hahaha! bakit mo siya iniisip ngayon?” tanong ng misis. “Dyan ka lang.” sagot niya rito, iniupo niya ito ng maayos sa sofa at siya naman ay tumayo para kunin ang locket ni Jing. “Naiwan niya to sa park kasi umuwi na sila. Pero andito ang picture niya, cute lang.Syempre ikaw ang mahal ko no, naisip ko lang kung nasaan na kaya siya ngayon.” tinatantya niya kung sasama ba ang loob ng misis, pero iba ang nakita niya sa mukha nito..GULAT? Kaya nagtuloy siya, “Ayan sya, bata pa no? Bata bata ko pa nga-” “Thank you ha.” sabi lang ni Angela, nakangiti na ito. “Saan?” tanong ni Mark. “Naitago mo pala ang kwintas ko, sabi ko na nga ba parang nakita na kita eh, kahit nung unang beses palang tayong magkakilala sa office. Naubos kasi ang baby pictures ko noon baha ng Ondoy. Yan nalang ang natitira.” paliwanag nito. Bakit nga ba hindi niya naalalang Jing ang palayaw ng misis niya? Ibahagi sa amin ang inyong opinyon sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, I-like lamang ang aming Facebook page.