Pinatunayan ng Dalawang Matandang Ito na May Forever Pa sa Mundo, Ano Kaya ang Kanilang Kwento?
“Lola Carmen, ilang taon na po kayong mag-asawa ulit ni Lolo Jek?” tanong ni Joyce sa dalawa.
“50 years na kami apo, bakit mo natanong?” saad ng kanyang lola.
“Makakahanap pa po kaya ako ng katulad ni Lolo Jek? Sa panahon kasi namin ngayon ay mukhang wala na pong forever, lahat ay naghihiwalay na,” baling naman ni Joyce sa kaniyang lola.
“Alam mo apo, ang tunay na pagmamahal ay hindi naluluma o nalilipas ng panahon, nasa dalawang taong nagmamahal yan, tingnan mo kami ng lola mo, hangang ngayon ay sweet pa rin sa isat-isa,” sambit naman ng kaniyang Lolo.
Bunsong apo si Joyce ng kaniyang lolo at lola, tuwing summer o bakasyon ay parati niyang gustong kasama ang dalawang matanda. Malapit kasi ang loob ng bata dahil doon siya lumaki ng nasa ibang bansa pa ang kaniyang mga magulang noon.
Palihim na kinuhanan ni Joyce ang kaniyang lola at lolo habang malambing ito sa isat-isa. Game na game rin palagi ang dalawang matanda na magpakuha ng litrato at dali-daling pinost ni Joyce ito sa kaniyang social media accounts.
MAY FOREVER PA TALAGA! Caption ng dalaga sa litrato ng dalawa habang nagsusubuan ito ng spaghetti.
Kinaumagahan ay agad na umani ng maraming likes and comments ang kaniyang post.
“Lola! Lolo! Pwede niyo po ba akong bigyan ng tips o yung pinaka-sikreto para magkaroon ng forever katulad niyo?” masayang tanong ni Joyce sa dalawa pagbukas niya sa kwarto ng mga ito.
“Pero teka, bakit po kayo tumatalon sa kama?” tanong ng bata.
“Alam mo apo, habang tumatanda ang tao ay mas nakikita niya ang mga bagay na sana ginawa niya noong bata at malakas pa siya. Kaya kami ng lola mo ay bumabawi ngayon, tara! Tumalon ka rin kasama naming at ito raw ang magandang pagsisimula ng umaga,” wika ng kaniyang Lolo Jek.
Idolo ng dalaga ang kaniyang lola at lolo pagdating sa pag-ibig. Sabi sa kaniya ng kaniyang mga magulang noon ay lumaki silang hindi nila nakikitang nag-aaway ang kanilang magulang at napatunayan iyon ni Joyce dahil ni minsan ay hindi pa niya nakitang nagsigawan ang dalawa. Ang pinakamalala na yatang away na nasaksihan niya ay noong halos isang lingo na hindi nagsasabay kumain ang kaniyang lola at lola.
“La, totoo ba yung kwento sa akin ni mama? Lumaki raw silang hindi kayo nag-aaway ni lolo?” tanong ni Joyce sa dalawa habang sila ay nasa parke.
“Naku, Joyce hindi iyan totoo! Walang asawang hindi nag-aaway! Pero simula noong maging magulang kami ng lola mo ay napag-usapan naming hindi naming ipapakita sa mga anak naming sa tuwing mag-aaway kami at hindi naming kailangan magsigawan para lang marinig ang isat-isa,” sagot sa kaniya ng lolo.
“Noong una ay mahirap apo, lalo na kung nasa unang taon palang kayo ng pag-aasawa dahil ang lahat ng away ay doon ninyo pagdadaaanan. Doon ninyo makikilala ang isat-isa at huwag kang magugulat na darating pa ang maraming taon na may mga bagay kang malalaman na hindi mo pa pala alam tungkol sa asawa mo, kaya hindi totoo yung mga katagang kilang-kilala mo na siya dahil meron at meron kang matutuklasan na bago at doon lalong masusubukan ang pagsasama niyo,” wika naman ng kaniyang lola.
“E ano bang dapat gawin ng mga kabataan ngayon na katulad ko para mahanap naming ang forever ha lola?” tanong muli ni Joyce.
“Alam mo apo, sa panahon ngayon kahit na bulok na ang kasabihang ito pero naniniwala akong mas mabuting makapagtapos muna kayo ng pag-aaral o maabot ang pangarap niyo bago niyo pasukin ang pag-aasawa,” wika ng kaniyang lola.
“Alam mo apo, kapag kasi nakapagtapos ka at natupad mo ang mga pangarap mo, ibig sabihin lang noon ay minahal mo ng lubos ang sarili mo at handa ka ng magmahal ng iba. Yun ang pinakasikreto, yung mahalan mo muna ang sarili mo bago ka magmahal ng iba. Yung iba kaya hindi nagtatagal kasi sinisisi nila ang kanilang mga naging asawa at naging buhay kaya hindi sila nakapagtapos ng pag-aaral ngunit ang totoo naman noon ay mas inuna kasi nila ang puso kesa sa utak,”
“Pero ang punto dapat doon, kapag pinasok niyo na ang pag-aasawa ay dapat handa na kayong isakripisyo ang mga sarili niyong kagustuhan at sisimulan niyong buohin ang KAGUSTUHAN AT KAPAKANAN NG INYONG PAMILYA. Kapag kasi may asawa kana, hindi na pwedeng ikaw na lang ang nagdedesisyon sa buhay mo dahil may tao kanang kasama at hindi mo iyon pwedeng ipagsawalang bahala na lang,” dagdag pa ni Lola Carmen.
“Alisin ang pride, kalimutang ang mga maduduming nakaraan at pagkakamali. Kailangan rin matutunan na kapag nagpatawad ka kailangan mo rin itong kalimutan, dahil kung pagpapatawad lang ang maibibigay mo ay maalala mo parin at masasaktan na pwede pang pagsimulaan muli ng away. Huwag niyong ipagdamot sa inyong mga asawa ang bagong panimula, ang bagong buhay at ang walang hangang pagpapatawad dahil kayo kasama iyan sa buhay. Masakit para sa iba pero yun ang totoo, kailangan may space ang pagsasama ng mag-asawa para sa kaunting pagkakamali dahil hindi tayo perpekto,” sambit naman ng kaniyang Lolo Jek at isinayaw ang kaniyang lola.
Napaluha na lamang si Joyce habang tinitignan ang dalawa dahil para sa kaniya ay napakaswerte niyang nakikita ang kaniyang lolo at lola na isang halimbawa na ang mayroon paring pag-ibig na magtatagal sa ganitong panahon.
Lingid sa kaalaman ng dalawang matanda ay lihim silang kinukuhanan ni Joyce at naipost pa nga sa social media, hindi nagtagal ay sumikat ang dalawang matanda. Masaya sila na maraming mag-asawa o magkasintahan ang naniniwala sa kanilang kwento at mga sikreto, ngayon ay mas lalo pa nilang dinalasan ang pagbibigay ng payo tungkol sa pag-ibig sa pamamagitan ng kanilang apong si Joyce.