Maruming Nakaraan

Isang taon na ang nakalipas mula nang lumuwas si Layla sa Maynila. Ni hindi niya nagawang makatapos ng high school dahil sobra ang hirap ng buhay nila sa probinsya. Kaya nga kahit na kinakabahan siya ay nilakasan niya ang loob na makipagsapalaran rito.

Hindi rin siya puwedeng tat*nga-t*nga dahil hindi kakain ang pamilya niya pag nagkataon. Sinubukan niya namang mamasukan kung saan-saan pero wala talaga, eh. Pito ang kapatid na umaasa sa kaniya at hindi kakasya ang kakarampot na kikitain niya sa pangangatulong kaya masakit man sa kaniyang kalooban ay pumayag na rin siyang mamasukan sa isang beerhouse.

Iyak siya nang iyak noong unang gabing may nag-take out sa kaniya. Pakiramdam niya ang dumi-dumi niya. Napapapikit na lamang siya tuwing hinahaplos siya ng iba’t ibang lalaki. Pilit niyang itinatatak sa isip na kailangan niyang tapangan ang apog niya dahil may pamilya siyang binubuhay.

“Ilang taon ka na, baby girl?” tanong ng isang customer.

“25, pogi,” bola ni Layla. Kahit na ang totoo ay 22 years old pa lamang siya. Natawa na lamang siya nang biglang tumumba ang lalaki dahil sa kalasingan. Sinenyasan niya ang kanilang binabaeng floor manager.

“Ay, ang malas mo naman. Nabigyan ka man lang ba ng tip bago siya na-borlog?” tanong ng binabae sa kaniya.

Nakangusong umiling si Layla. Sayang. May project pa naman ang kapatid niya na kailangang bayaran sa Lunes. Nagliwanag naman ang mukha niya nang marinig niyang may isa pa palang bakanteng customer.

Unti-unti niyang ipinaling ang ulo sa tinutukoy ng floor manager at napanganga siya. Ang gwapo!

Advertisement

“Mamshie, hindi ba menor de edad ‘yan?” tanong ni Layla. Napakabata pa kasing tignan ng lalaki.

“Eh, ‘di tanungin mo. Pero tiyak ko naman na hindi rin iyan aamin. Kung ako sa iyo kagatin mo na. Mukhang mayaman. Tsaka, hello, ang yummy!” kinikilig pang wika ng binabae.

Itinago ni Layla ang pamumula ng pisngi at taas noo niyang nilapitan ang binata. “Hi, bakit mag-isa ka, eh, ang gwapu-gwapo mo?” bola niya. Iyon lagi ang bungad niya sa mga customer pero sa pagkakataong ito ay totoo sa puso niya ang tanong na iyon.

“Actually, first time ko kasi rito. Ano, my God, this is so embarassing. Pero gusto ko kasing magkaroon ng experience.” nakatungong wika ng binata.

Napangiti si Layla. “Bakit ilang taon ka na ba?”

“19,” diretsang sagot ng binata.

Ah, hindi naman pala siya makukulong pag nagkataon. Diyos ko, alam ba nito na hindi na nito kailangan pang pumunta sa mga pipitsuging beerhouse? Tiyak niya namang kahit na sinong babae ay magkakandarapa sa kagwapuhan nito.

Ilang sandali pa ay sakay na silang dalawa ng kotse nito patungo sa isang hotel.

Advertisement

Halatang inosente nga ang lalaki dahil ‘di ito magkandaugaga sa kama lalo pa nang maghubad na si Layla. Siya na lumapit at hinalikan ito.

Naging mapusok ang binata at nilabanan ang kaniyang halik. Sa sobrang dala nga nito ay napanganga na ito.

Napapangiti si Layla. “Baby, kiss lang. Walang kainan ng mukha.” biro niya. Parang napahiya ang binata kaya kumalma ng kaunti.

Noong gabing iyon ay nakuha niya ang pagkabirhen ng binata. Sa kauna-unahang pagkakataon rin ay nagawa niya ang trabaho na hindi siya umiiyak pagkatapos. Napakalaki pa nga ng kaniyang ngiti.

Gabi-gabi ay binabalikan na si Layla ng binata na napag-alaman niyang Matthew pala ang pangalan.

Ayaw mang aminin ni Layla at alam niyang bawal ay nahulog ang loob niya sa binata. Suntok sa buwan, oo, pero mapipigilan niya ba ang kaniyang puso? Kaya isang madaling araw habang katatapos lamang nilang pagsaluhan ang init sa malamig na gabi ay binulungan niya ito.

“Mahal na yata kita.”

Naramdaman ni Layla na nanigas ang katawan ng lalaki. Hindi ito sumagot. Una pa lang naman ay tanggap na ni Layla na walang pupuntahan ang pag-ibig niya pero ang sakit pa rin pala kapag nangyayari na. Nakatulugan niya na nga ang pag-iyak. At kinabukasan, tulad ng inaasahan ay wala na ang binata sa tabi niya.

Advertisement

Ilang lilibuhin ang nakalapag sa kama. Nang bilangin ni Layla ay mapait siyang napangiti. Triple iyon ng ibinabayad nito palagi sa kaniya. Para saan kaya? Konswelo sa pagwasak ng puso niya?

Makalipas ang tatlong taon.

Sinulyapan ni Layla ang sarili sa salamin. Siniguro niya munang maayos ang kaniyang makeup bago lumabas. Maaga pa naman. Alas diyes pa ang bukas ng mall.

Mula nang iwan siya ni Matthew ay parang ‘di niya na kinayang sumama pa sa ibang customer. Sinuwerte namang nakuhang scholar ang mga kapatid niya at nagkaroon ng hanapbuhay ang kaniyang mga magulang sa probinsya. Kahit na ganoon ay heto pa rin siya kumakayod bilang saleslady dahil ang sarili niya naman ang kaniyang pinag-aaral.

Bubuksan niya na sana ang pinto ng inuupahan niyang apartment nang makarinig siya ng ilang katok roon.

“Uy, sino ba iyan? Paalis na ako…” Natigilan si Layla nang makita kung sino ang nakatayo sa kaniyang harapan.

Nadagdagan ng ilang taon ang edad nito pero mas lalong gumwapo. Mas nag-mature, lalaking-lalaki na. Lumapad ang balikat at may patubong bigote.

Si Matthew.

Advertisement

“Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Layla. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang lalaki. “I am sorry. Sorry sa bigla kong pagkawala noon.”

Umilap ang mata ng dalaga. Ayaw niyang magpahalata na hanggang ngayon ay affected siya. “Wala na iyon.”

“Sorry, Layla. Naguluhan ako. Kasi bata pa ako noon at ang balak ko lang naman talaga kama-kama lang, ‘di ba? Nang magtapat ka ng pag-ibig mo para akong tinamaan ng kidlat kasi doon ko na-realize na ako rin pala. Mahal na rin pala kita. Na hindi pala laro para sa’kin. Na kaya pala kita binabalikan ay hindi dahil kailangan ka ng katawan ko kung ‘di kailangan ka na rin pala ng puso ko,” pagtatapat ni Matthew.

Parang hinaplos ang puso ni Layla pero takot na siya. “Ang tagal na panahon na ang lumipas, Matthew, bakit ngayon pa?”

“Nag-seaman ako. Matagal ako sa barko. Nagtiyaga ako at nagsikap para pagbalik ko lalaki na ako na maiaahon ka sa hirap. Pero ang lungkut-lungkot, Layla. Halos maulol ako kapag naiisip kong may customer ka at… My God! Kaya gumawa ako ng paraan. Nagpanggap ako na namimigay ng scholarship para matulungan ang pamilya mo. Sana, Layla, sana iyon man lang maging sapat nang patunay na totoo ang pag-ibig ko,” paliwanag ng lalaki.

Napangiti si Layla habang tumutulo ang luha sa kaniyang mga mata.

Ang nakakatuwa pa ay hindi naman siya pinuwersa ng lalaki. Matiyaga siyang niligawan nito. Wala raw itong pakialam sa kaniyang nakaraan dahil lahat ng babae, lalo na siya ay karapat-dapat na respetuhin.

Naghintay si Matthew hanggang sa sagutin siya ni Layla. Isang taon silang naging magnobyo.

Advertisement

Ilang panahon pa ang lumipas at naka-graduate ng kolehiyo si Layla. Doble ang saya niya dahil sa araw ring iyon ay nag-propose ng kasal si Matthew.

Laging tandaan na ang pag-ibig basta totoo hindi nakikita ang mga pagkakamali. Palaging nagbibigay, palaging umuunawa.