Hindi Nakinig ang Mga Kabataang Ito sa Bilin Ng Matandang Caretaker, Isang Nakakakilabot na Karanasan Tuloy ang Nangyari sa Kanila
Excited ang barkada ni Ken dahil magbabakasyon sila sa rest house ng tita niya sa probinsya. Kaka-graduate lang nila ng college kaya ngayon ay magliliwaliw muna sila bago harapin ang buhay empleyado. Walang tao sa bahay na iyon kundi ang care taker na umuuwi din naman pagdating ng 6pm. Hapon na sila nakarating, tahimik ang lugar at may mangilan ngilan lamang na residente na magkakalayo naman. Ang mismong katabing bahay nila ay wala namang nakatira at matagal na raw abandonado. “Sir, walang tubig sa gripo kaya nag igib na ako kanina, puno na yang balde. Nag init na rin ako ng tubig kung sakaling magkakape kayo.” bilin ni Aling Tessie, ang caretaker. “Thank you Ate Tess, ingat kayo pag uwi.” sagot naman ni Ken sa matanda. Naglakad na ang babae palayo, pero bago ito makalabas ng gate ay muling nagbilin. “Sir, wag kayong..mag ingat kayo kung mag iikot ikot kayo sa paligid. Wag na lang po kayong lalapit sa bahay diyan sa kabila.” sabi ng matanda na tila nag aalinlangan kung sasabihin iyon sa kanila o hindi. “Bakit naman Ate?” naintriga ang mga barkada ni Ken. “Ano..magagalit kasi ang..may ari.Private property iyan, ayaw nilang palapitan.” iyon lamang at umalis na ang babae. Naiwan naman ang mga kabataan na nagkakatinginan, iisang ideya lang ang umaandar sa isip nila. “Ghost hunting!” halos sabay sabay nilang wika.Tawa naman ng tawa si Ken, siguradong mag eenjoy sila lalo at walang bantay.Magdamag silang magkukwentuhan at magtatakutan. Pagdating ng alas onse ay lumabas na sila ng gate, kung sa bahay naman kasi ng tita niya ay wala silang makikitang multo. “Ken, bakit di natin simulan dyan sa bahay na yan?” wika ni Sam, isa sa mga kaibigan niya.Ang tinuturo nito ay ang ibinilin ni Aling Tessie na huwag pupuntahan. “G*go ka talaga Sam, baka idemanda tayo ng may ari niyan.Trespassing yan eh.” sabi naman ni Roy. “Bakit, may makakakita ba?” sagot uli ni Sam. Lalong binawalan ay lalong sinilaban ng curiosity ang mga kabataan, kaya lumusot sila sa kawad na harang at lumapit sa pinto ng malaking abandonadong bahay. Naka-lock iyon kaya hindi sila makakapasok,hindi rin naman nila pwedeng baklasin ang padlock dahil mananagot sila. “Pre may butas o,” sabi ni Ken nang mapansin ang isang maliit na butas sa pader.Pilit niyang sinilip ang loob. Pero wala siyang ibang makita kundi kulay pula. Kakaiba din pala ang trip ng may ari. “Grabe bakit kulay pula ang ilaw nila.” sabi Ken, nakisilip din ang iba at pare pareho sila ng nakita. “Akalain mong may ilaw pa, diba matagal nang abandonado ito?agiw agiw na nga eh, sino pa ang magbubukas ng ilaw?” nagtatakang tanong nila sa isa’t isa. Kinabukasan ay wala siyang nagawa kundi tanungin pa si Aling Tessie tungkol sa kabilang bahay.Nagalit ito nang malamang hindi nila ito sinunod. “Kayong mga kabataan, lalong bawalan ay lalong gagawin! Di nyo inisip na may pwede kayong magambala sa bahay na yan!” sermon nito. “Pero sabi nyo po nasa abroad na ang may ari niyan diba? Dalawang taon na, sino pong magagalit?” tanong nila sa matanda. “Umalis na ang matandang mag asawang may ari niyan dalawang taon na simula nang pumanaw ang anak nilang dalaga. Anong nakita ninyo sa butas? Kulay pula?” kinakabahang tanong ng matanda. “Oho.Pulang pula lang.. grabe may namatay pala dyan.” kinabahan si Ken. “Oo ginahasa si Arabella, pinatay at dinukot ang mga mata.Natagpuan siya na wala na ang mga mata. ” naiiyak at nanginginig ang matanda. Nangilabot naman ang buong barkada. “I-ibig hong sabihin..”sabi ni Sam na pinutol ng matanda. “Oo! Nang sumilip kayo sa butas ay nakasilip din siya sa inyo!” Para silang binuhusan ng malamig na tubig. Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.