Inday Trending

Inday Trending

Hiniwalayan ng Lalaki ang Nobya at Ipinagpalit sa Anak ng May-Ari ng Pinapasukang Kumpanya, Hinagupit Siya ng Karma sa Ginawa Niya

Hiniwalayan ng Lalaki ang Nobya at Ipinagpalit sa Anak ng May-Ari ng Pinapasukang Kumpanya, Hinagupit Siya ng Karma sa Ginawa Niya
HeartbreakingKarmaStories

“Thank you, mahal! Hulog ka talaaga ng langit sa akin!” masayang sabi ni Jaden sa nobya.

“Sino pa ba ng magtutulungan ‘di ba? At saka makakaya ko bang pabayaan ang boyfriend ko,” wika ni Elisa.

Ipinasok kasi niya sa pinagtatrabahuhang kumpanya ang nobyo. Hirap makahanap ng trabaho ang lalaki dahil high school graduate lang ito. Buti na lang at napakiusapan ni Elisa ang kanilang HR para makapasok ito bilang maintenance staff.

Wala pang isang linggong nagtatrabaho roon ang lalaki nang matipuhan siya ng anak ng may-ari ng kumpanya na si Lianne. Di naman kasi maipagkakaila na guwapo at matipuno ang lalaki kaya madali nitong nabihag ang puso ng dalaga. Dahil ambisyoso si Jaden ay pinatulan niya si Lianne at nagkaroon sila ng lihim na relasyon na hindi nalalaman ni Elisa.

“Babe, kailan ka ba makikipaghiwalay kay Elisa? Para malaya na tayong magsama at wala na tayong itinatago,” wika ng babae habang nakakandong sa lalaki.

“Humahanap pa ako ng tiyempo, huwag kang mainip!”

May naisip na paaran ni Lianne.

“Ako nang bahala. Sa gagawin ko ay tiyak na iiwan mo siya.”

Kinagabihan, nagliligpit na ng kanyang gamit si Elisa at naghahanda nang umuwi. Tinawagan niya si Jaden para sabay silang umuwi. Habang hinihintay sa parking area ang nobyo ay may lumapit sa kanyang lalaki na nakasuot ng kulay itim na takip sa mukha. Nagulat na lang siya nang bigla siya nitong niyakap ng mahigpit at pinaghahalikan sa labi.

“Bit-bitawan mo akoo, hayop ka!” sigaw niya habang nagpupumiglas sa pagkakayakap ng lalaki.

Mas lalong pinag-igi ng lalaki ang pananamantala sa kanya. Lingid sa kaalaman ni Elisa ay may taong nakatago sa paligid at tahimik na kinukunan sila ng litrato ng manyakis na lalaki.

Maya-maya ay bigla itong tumigil sa paghalik sa kanya at nagmamadaling umalis.

Naiwan si Elisa na umiiyak at takot na takot sa parking area. Sinubukan niyang tawagan ang nobyo ngunit hindi na ito sumasagot. Sa labis na takot sa nangyari sa kanya ay napilitan na lang siyang umuwi mag-isa.

Kinaumagahan ay tinangka niyang sabihin kay Jaden ang nangyari sa kanya nang nakaraang gabi ngunit nang makita siya nito ay sinampal siya sa mukha ng ubod lakas.

“Paano mo nagawa sa akin ‘to?” galit na wika ng lalaki.

“A-anong sinasabi mo?” mangiyak-ngiyak niyang tanong.

Ipinakita sa kanya ng lalaki ang mga litrato kung saan pinaghahalikan siya ng isang lalaki.

“M-mali ang iniisip mo, h-hindi ko ginusto ang nangyari, hindi! S-saan mo nakuha ang litratong iyan?”

“Hindi na mahalaga iyon! Akala ko malinis kang babae, iyon pala ay masahol ka pa sa p*ta!” anito.

Hindi makapaniwala ang babae na pagsasalitaan siya ng ganoon ng nobyo.

“Maniwala ka sa akin, Jaden. Wala akong alam sa nangyari. Ako ang biktima, ako ang inagrabyado. Pakiusap ako ang pakinggan mo!”

“Sorry, Elisa pero wala na akong tiwala sa iyo! Tinatapos ko na ang lahat sa atin!”

Parang sinaksak sa dibdib ni Elisa sa ginawang pakikipaghiwalay ng lalaki.

Nang hawakan niya ang braso ni Jaden ay itinulak siya nito hanggang mapasadlak siya sa semento.

Nang makaalis ang lalaki ay halos mapatid ang kanyang hininga sa kaiiyak. Hindi man lang nito pinakinggan ang panig niya at basta na lang hinusgahan.

“Bakit, Jaden, bakit ayaw mo akong pakinawalaan? Bakit?!”

Wala siyang kaalam-alam na plinano ni Lianne ang lahat. Ang babae ang my pakana ng nangyari sa parking area. May binayaran itong tao para gawan siya ng kahalayan. Parte rin ng plano ang pagkuha ni Lianne ng litrato sa kanila ng lalaki at ang pakikipaghiwalay ni Jaden sa kanya.

“Kita mo, babe? Kapag ako ang trumabaho, tiyak na walang sablay,” sabi ni Lianne sa kalaguyo.

“Paano ba iyan, e ‘di may reward ako?” tanong ni Jaden sabay halik sa labi ng babae.

“Oo naman. Just wait and see!” anito.

Gumawa rin ito ng paraan para matanggal si Elisa sa trabaho. Dahil anak ng may-ari ng kumpanya ang humiling ay tiyak na wala ng laban.

Halos ikabaliw ni Elisa ang pang-iiwan sa kanya ng nobyo at nang mawalan siya ng trabaho sa di malamang dahilan ngunit ipinagpatuloy niya ang kanyang buhay para sa pamilyang umaasa sa kanya.

Makalipas ang dalawang taon ay asensado na si Elisa. Nang mawalan siya ng trabaho ay naisipan niyang mangibang bansa para makalimot. Nagkaroon siya roon ng magandang trabaho at nakaipon.

Nang bumalik sa bansa para magbakasyon ay labis niyang ikinagulat ang nangyari sa dating nobyong si Jaden. Alam niya na wala na dapat siyang pakialam sa lalaki sa ginawa nito sa kanya ngunit gusto niya ritong malaman ang katotohanan kung bakit basta na lamang siya nitong iniwan noon.

Sa ospital kung saan ito naroon…

“E-Elisa, Elisa,” paulit-ulit na sabi ng lalaki.

Nakaramdam ng awa ni Elisa nang makita ang dating nobyo na nakaratay sa higaan, hindi na makakilos at putol ang dalawang paa.

“A-anong nangyari sa iyo?” gulat niyang tanong.

“P-patawarin mo ako, Elisa. Ang laki ng kasalanan ko sa iyo. P-plinano namin ni Lianne ang lahat,” anito sa mahinang boses.

“Lianne, iyong anak ng may-ari ng kumpanyang pinagtrabahuhan natin?” gulat na tanong ng babae.

“O-oo, nagkaroon kami ng relasyong dalawa at dahil gusto niyang tuluyan na kitang hiwalayan ay nagbayad siya ng tao para gawan ka ng masama sa parking area habang siya naman ang kumukuha ng litrato,” bunyag ng lalaki.

“M-may relasyon kayo? K-kasabwat ka sa pambababoy sa akin ng lalaking umatake sa akin?” aniya na nangingilid na ang luha sa mga mata.

“S-siya rin ang may kasalanan kung bakit ka natanggal sa trabaho.”

Napapailing na lang si Elisa sa pagtatapat na ginagawa ni Jaden.

“P-patawarin mo ako, nagkamali ako nang makipagrelasyon ako kay Lianne dahil ginamit lang pala niya ako. Pagkatapos niya akong pagsawaan ay itinapon lang niya ako na parang basahan. Nang ipinagpilitan ko ang sarili ko ay sinagasaan niya ako ng kanyang kotse at ito ang napala ko. Isa na akong dakilang lumpo. Sinubukan ko siyang idemanda sa ginawa niya sa akin ngunit nabigo ako dahil maimpluwensya ang pamilya niya at binayaran nila ang batas. Wala akong nagawa.”

Habang nagkukuweto ay walang ibang naramdaman si Elisa kundi galit at sama ng loob sa ginawa ng mga ito sa kanya.

“Pasensya na ha? Pero sa ngayon malabo pa ang pagpapatawad, Jaden. Masyadong malalim ang ibinigay niyong sugat sa akin ng babaeng iyon. Karma lang ang nangyaring iyan sa iyo sa lahat ng hirap na ipinalasap mo sa akin. Pagdusahan mo ang kasalanan mo,” wika niya sa kausap saka nagpaalam at lumabas sa pribadong kwarto.

Sa pag-alis ni Elisa ay hindi napigilan ni Jaden na maiyak. Kung sana ay hindi niya niloko at ipinagpalit sa iba ang dating nobya, hindi sana niya sinapit ang nangyari sa kanya at masaya pa rin siya sa piling nito.

Masakit man kay Elisa ang natuklasan ay laking pasasalamat na rin niya dahil kundi niya nalaman ang katotohanan ay mananatili siyang nakakulong sa nakaraan. Nakahanda na rin niyang harapin ang bagong bukas para sa kanya.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

More Stories