Kakaiba ang Estudyanteng Ito Kung Kaya Madalas Apihin ng mga Kaklase, Di Alam ng Marami na Meron Pala Itong Pinakatatagong Lihim sa Kanilang Tahanan
Sikat sa eskwelahan si Crizza, crush ng bayan ‘ika nga. Dahil dito, sikat din dapat ang mga kaibigan nya, syempre hindi siya pumipili ng hindi niya ka-level, kailangan ay mayaman din, miyembro ng cheerleading squad o kaya naman matalino para makopyahan niya, higit sa lahat, kailangan maganda at fashionista rin! Tuwang tuwa ang mga babaeng kaklase niya basta matawag lang na ‘kaibigan’ niya, at takot naman sa kanya lahat ng hindi niya ka-close. Palagi kasing nambubully sina Crizza, lalo na ng mga mahihinang classmate na babae na hindi naman makakapalag. Isa sa pinakapaboritong bully-hin nila ay si Mia. Paano naman kasi, nagmamarunong ito lagi sa klase, paborito ito ng mga guro dahil matalino raw. Ang kakaiba nga lang kay Mia, kapag ring ng bell ay takbo agad ito palabas, ganoon ito araw araw. “Please naman Crizza, kailangan kong umuwi. Parang awa mo na.” mangiyak ngiyak na sabi ng babae minsang harangin ito ng barkada nila. “Bakit? Kinakausap ka ba e, tambay lang naman tayo diba, diba?” hinila niya ang bag nito palayo sa gate, curious siya anong minamadali nito, e malapit lang naman sa eskwelahan ang bahay ng mga ito. Nang malingat sila sandali ng mga kaibigan niya ay agad silang tinakbuhan ng babae, hindi na nila ito nahabol dahil nakita nila ang naghihinalang tingin ng guard sa gate. Humanda ka sa’kin Mia. Tila na-challenge si Crizza at ang mga kaibigan niya. Naisipan nilang puntahan si Mia mamayang gabi sa bahay nito para takutin upang makaganti sila, tutal nanay lang naman nito ang kasama sa bahay. “Dito girls, ikaw Sarah dyan ka sa may pinto tapos batuhin mo mamaya ‘tong bintana.” utos ni Crizza. Tumango lang ang dalagita at si Crizza naman ay sumilip sa bintana para mag imbestiga kung ano ang ginagawa ni Mia sa loob. Ngunit laking gulat niya nang makita si Mia sa tabi ng kama, kausap ang inang….baldado? “Ma, sorry na-late ako kanina ng uwi ha, hindi ka tuloy nakainom ng gamot. Nakahugas na akong pinggan, nagtext pala si Tita Mae, magpapadala na daw po siya ng pambaon ko at pambayad ng kuryente. Naiihi kaba? Gusto mo ikabit ko yung catheter mo?” masuyong tanong nito sa ina. Kaya pala nagmamadali ito laging umuwi ay inaalagaan ang inang bed ridden. Kinain ng konsensya nya si Crizza, sumakit ang puso niya sa nasaksihan. Simula noon ay nagbago na siya, pati na rin ang kanyang mga kaibigan. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.