Inday TrendingInday Trending
Minaliit ng Amo ang Dating Kasambahay; Laking Gulat niya Nang Makalaban ito sa Singing Contest

Minaliit ng Amo ang Dating Kasambahay; Laking Gulat niya Nang Makalaban ito sa Singing Contest

Nagulantang si Katarina nang marinig ang napakagandang tinig ng kanilang katulong na si Myrna habang kausap niya ang producers ng isang pangmalakihang singing contest na balak niyang salihan.

Naglilinis si Myrna sa kusina ng kanilang bahay ngunit dinig na dinig sa salas ang tinig nito habang masuyong inaawit ang paborito nitong kanta.

“May kapatid ka pa ba, Katarina? Ang ganda-ganda ng boses na ʼyon. Saan nanggagaling ʼyon?” tila nahahalinang tanong ng isa sa tatlong producers ng naturang contest. Ganoon din ang mga kasama nito na biglang nabaling ang atensyon sa kaniya na tila ba naghihintay ng kaniyang sagot.

“Oo nga! Baka pʼwedeng isali rin natin siya sa contest, Miss Katarina. Tutal ay mukhang sports ka naman dahil matagal ka nang sumasabak sa mga ganitong competition,” sabi pa ng isa.

“Ay, baka pinatutugtog na naman ho ng katulong ko ʼyong recordings ko.” Pilit siyang tumawa upang magmukhang totoo ang kaniyang palusot. “Number one fan ko po kasi ʼyon, e!” dagdag pa niya bago magpaalam na pupunta muna saglit sa kusina upang ikuha ng maiinom ang kaniyang mga bisita.

Nang marating ang kusina, agad na tinawag ni Katarina ang kaniyang katulong na si Myrna. Galit niya itong kinompronta.

“Hoy, Myrna, bakit kanta ka nang kanta, alam mo namang may bisita ako? Balak mo bang rindihin ang mga iyon para magsilayas na? Gusto mo yatang isabotahe ang pagsali ko sa singing contest?!” Namumula na sa galit na tanong ni Katarina sa katulong.

“Naku, maʼam, hindi po! Pasensiya na po. Hindi ko po kasi alam na may bisita kayo,” sagot naman ni Myrna na ngayon ay yukong-yuko na.

“Pwes ngayon, alam mo na. Kaya itikom mo ʼyang bunganga mo at sa banyo mo ka na lang kumanta! Tandaan mo. Huwag mong iparirinig sa kahit na sino ʼyang nakaiirita mong boses, dahil hindi ka magaling kumanta. Ni hindi ka marunong! Kaya hala, sige at ayusin mo na ang iyong mga gamit. Lumayas ka na rito dahil tanggal ka na sa trabaho!

Laking panlulumo ni Myrna sa ginawang pagpapalayas sa kaniya ng amo at hindi niya alam kung saan pa siya pupunta. Ulilang lubos na ang dalaga at tanging ang pagtatrabaho na lamang kina Katarina ang kaniyang ikinabubuhay, ngayon ay nawala pa!

Lumipas ang ilang araw na pagpapalaboy ni Myrna sa daan ay nakaisip siya ng paraan kung papaano makapagpapalimos nang mas mabilis. Ayaw man niyang gawin ay napilitan na lamang din siya dahil hindi na niya kaya ang kalam ng kaniyang sikmura.

Naglatag ng isang maliit na panyo si Myrna sa harap ng kaniyang kinauupuan sa gitna ng plaza ng bayang iyon at doon ay nagsimula siyang kumanta. Agad na humakot ng napakaraming tao ang boses niya na di kalaunan ay nagbibigay na ng limos kapalit ng napakaganda niyang tinig.

Hindi inaasahang isang lalaki ang lumapit kay Myrna at nag-abot ng card. Isang invitation sa isang singing audition.

“Sumali ka. Malaki ang chance na manalo ka riyan sa ganda ng boses mo, Myrna,” anito sa kaniya. “Malaki ang premyo. Dalawang milyon, bukod pa ang bahay at lupa.”

Hindi na nag-aksaya pa si Myrna ng panahon at agad na siyang nagpunta sa nasabing contest. Ngunit ganoon na lamang ang gulat niya nang malamang iyon din pala ang contest na sinalihan ng kaniyang dating amo!

Sangkatutak na panlalait ang natamo niya rito sa tuwing sila ay masa backstage, ngunit lahat ng panlalait, pangungutya at pananabotahe ni Katarina sa kaniya ay hindi na siya nagpatalo pa. Hindi na niya ito amo ngayon maya naman kakayanin na niyang labanan ito lalo na kapag siya ay naaagrabyado.

Lalo namang nanggalaiti si Katarina kay Myrna. Sa nakikita niyang determinasyon at galing nito ay talaga namang nangangamba siya.

Ginawa ni Katarina ang lahat upang hindi maipanalo ni Myrna ang singing contest. Sinabotahe niya ito, inapi, pinatangkaang ipatanggal sa kompetisyon gamit ang koneksyon at pera, ngunit wala siyang napala. Tila maging ang tadhana ay kinakampihan din si Myrna!

Natapos ang kompetisyong ni hindi man lang nakapag-practice si Katarina ng kaniyang piyesa dahil ibinuhos niya ang kaniyang panahon sa pagpaplano kung paano niya aalisin si Myrna sa kaniyang landas. Hindi na niya naalala ang mga kailangan gawin kaya naman sa huli, siya ay natalo at si Myrna ang siyang hinirang na winner ng kompetisyon.

Advertisement