Inday TrendingInday Trending
Napikon ang Babae nang Sabihin ng Nobyo na “Ang Sumakay ng Jeep” ang Tanging Pangarap Nito sa Buhay, May Mas Malalim Pala Itong Ibig Sabihin

Napikon ang Babae nang Sabihin ng Nobyo na “Ang Sumakay ng Jeep” ang Tanging Pangarap Nito sa Buhay, May Mas Malalim Pala Itong Ibig Sabihin

Hindi na alam ni Sonia ang gagawin sa nobyong si Marco. Paano naman kasi, sa apat na taon nilang relasyon ay ni hindi man lang ito nagpapahiwatig na siya na ang gusto nitong makasama habangbuhay.

Puro kalokohan ang nasa isip nito, syempre nag aalala na ang babae dahil hindi na siya bumabata, baka naman kasi nagsasayang lang siya ng panahon dito tapos sa bandang huli ay wala naman pala siyang balak na pakasalan.

“Babe, can we talk?” sabi ni Sonia sa nobyo minsang sinundo siya nito mula sa opisina.

“Nag-uusap na tayo ah?” sabi nito habang natatawa.

“No. Yung seryoso sana.” sabay simangot ng babae. Napansin naman ng lalaki na tila napipikon na ang nobya kaya hindi na niya inasar pa ito at tumahimik na lang.

“Sige, pero sama ka muna sa’kin.” wala nang nagawa ang babae nang hilahin niya ito papunta sa isang restaurant na nirentahan niya, baka kaya moody ang girlfriend, akala siguro nito ay nalimutan na niya na anniversary nila ngayong araw.

Naiinis man ay wala nang nagawa si Sonia, sumunod na lang sa lalaki.

Pagkaupo ay agad silang nilapitan ng waiter at sinalinan ng wine, maya-maya pa ay inihain na ang pagkain. Pero nakasimangot pa rin si Sonia, hindi na siya makukuha ng lalaki sa pakilig-kilig na ganito.

“Babe, ano bang gusto mong marating?” panimula niyang tanong sa nobyo.

“What do you mean gusto kong marating?” sabi naman ng lalaki sa pagitan ng pagnguya.

“Pangarap sa buhay, mayroon ka ba non?” mataray na sabi ng babae.

“Ahh, syempre meron. Grabe ka naman! Hahaha. Pangarap kong sumakay sa jeep,” nakangising sabi ng lalaki,

Napipikon na si Sonia. Mahal niya ito pero bakit ba kasi akala nito lahat na lang ay biro?!

“Ang ganda mo pag nakasimangot,” sabi pa rin nito at pinisil pa ang pisngi niya.

“Sino ba kasi ang ngingiti kapag nalaman na ang pangarap ng boyfriend ay sumakay lang ng jeep? Hindi, seryoso nga Marco. Ayoko na ng lokohan, di na ako bata para sa lokohan. Actually tayo, di na tayo bata. Ano ba kas-” hindi natuloy ni Sonia ang sasabihin nang biglang lumuhod sa harap niya ang nobyo dala ang isang puting kahon.

Pagbukas noon, may napakagandang singsing.

“Pangarap kong sumakay sa jeep, kasama ka. Tapos sasabihin ko sa driver ‘Bayad po, dalawang Senior Citizen.’ Hindi mo muna kasi ako pinatatapos eh. Pangarap kong tumanda kasama ka. Pakasalan mo ako Sonia..”

Naluluhang niyakap ng babae ang nobyo, ayon dito ay nag ipon pala itong mabuti para maibigay ang pangarap niyang kasal. Noon niya na-realize na nagkamali siya na kinainisan niya ito dahil all this time pala ay kapakanan lang niya ang iniisip ng lalaking minamahal.

Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang.

Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat.

sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.

Anoangaralnanatutunanmosakathangito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang.

Advertisement