Inday TrendingInday Trending
Dahil sa Kahihiyan sa Estado sa Buhay, Halos Itago ng Babae ang Pagkatao sa Lalaking Minaliit at Pinagpalit Niya Noon

Dahil sa Kahihiyan sa Estado sa Buhay, Halos Itago ng Babae ang Pagkatao sa Lalaking Minaliit at Pinagpalit Niya Noon

Iniabot ni Onie ang binili niyang rice cake para kay Connie. “Para sa’yo Cons, binili ko yan sa Cavite City.” nakangiting wika niya, proud siya dahil ngayon ay araw ng sahod niya. Pakiramdam niya ay mayaman siya kahit ang totoo ay minimum wage naman ang kanyang rate. “Salamat,” tinatamad na wika ng babae. Alam naman ni Onnie na ayaw nito sa kanya, matagal tagal na rin kasi siyang nanliligaw rito pero hindi pa rin ito nagpapakita ng interes. Pero pwede namang mangarap ang tao diba? Malay ba niya, pagdating ng panahon ay magustuhan rin siya nito basta magtyaga lang siya. “Kumusta ka ba sa trabaho Connie?” tanong niya rito. “Okay naman.” sagot lang nito. Halatang halata ni Onnie na gusto nang tapusin ni Connie ang kanilang pag-uusap dahil puro patapos ang sagot nito. Sinabayan pa iyon ng paghikab ng babae at maya’t mayang pagsulyap sa relo. “Sige Cons, tuloy na ako ha?” nakangiti pa ring wika niya. Tinignan lang siya ng babae at tumango. “Onnie? Sandali nga.” sabi ng babae, muli namang umupo si Onnie. Sa unang pagkakataon ay tinawag siya ng nililigawan, baka ito na ang hinihintay niya. “Alam mo Onnie sinabi ko na diba? Pasensya ka na ha. Alam naman nating pareho na wala kang pera, mauubos pa kabibili mo ng rice cake. Mga kapatid ko lang ang nakain niyan. Ang totoo, may boyfriend na ako kahapon ko lang siya sinagot. Seaman. Kaya please naman. Tigilan mo na ako dahil kahit wala akong boyfriend di rin naman kita sasagutin, dun ako sa mayaman.” dire-diretsong sabi ni Connie. Hindi na nakaimik ang lalaki at tahimik na lang naglakad palayo, sobrang sakit ng dibdib niya. Nagapakalayu-layo na siya sa barangay nila, mabuti at sinwerte ang lalaking makahanap ng trabaho sa abroad, dahil sa pagsusumikap ay nakaahon siya sa hirap. Makalipas ang pitong taon ay naisipan niyang dalawin ang mga magulang sa kanilang barangay, limot na naman niya ang nangyari noong nakaraan. Pagkababa ni Onnie sa tricycle ay nasalubong niya ang isang ginang na papalabas ng bahay ng mga ito, bitbit nito angmaliit naanak sa isang braso, sa kabila naman ay hirap na hirap itong buhatin ang timba na lamang mga kamote. Sa laylayan ng palda nito ay nakakapit ang dalawa pang anak. “Tinanghali ka na ng gising! Umuwi ka kaagad magluluto ka pa ng tanghalian, nagsasawa na ako sa isda!” sigaw ng isang tinig ng lalaki mula sa loob ng bahay, na sa tingin niya ay asawa nito. Napapailing na lang si Onnie, kawawa naman ang babae. “Miss, tulungan na kita-” hindi niya natapos ang sasabihin nang mamasdan kung sino ang babae. Ilang sandali rin siyang tinitigan nito pagkatapos ay tumungo. ‘Connie?!” di makapaniwalang sabi niya. “Ano’ng kailangan mo? Kailan ka pa nakauwi?” bagamat nahihiya ay hindi na naitago ng babae ang itsura, heto siya ngayon at hikahos sa harap ng lalaking minaliit niya noon. “Ano’ng..kumusta ka na?” hindi pa rin makapaniwala si Onnie sa sinapit nito. “Ayos lang ako Onnie, gusto ko lang malaman mo na pinagsisihan ko na ang mga sinabi ko noon. Sana ay hindi ako naging mukhang pera, tignan mo ang sinapit ko.” naluluhang sabi nito. “Wala na yon Connie, pinatawad na kita, matagal na.” nakangiting sabi nito. Hindi alam ng lalaki pero parang nabunutan siya ng tinik na matagal niya nang dinadala sa dibdib. Ganoon din naman si Connie, alam niyang nagkamali siya at sa wakas ay nakamit niya na ang kapatawaran ng lalaking nasaktan. Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement