Hinahanap ng mga Magulang ang Salarin sa Pagkawala ng Kanilang Anak; Nasa Selpon Lamang Pala Nito ang Kasagutan

Hinahanap ng mga Magulang ang Salarin sa Pagkawala ng Kanilang Anak; Nasa Selpon Lamang Pala Nito ang Kasagutan

HeartbreakingKarmaStories

Nasa loob ng presinto ang mag-asawang Kris at Simone dahil sa kaso ng kanilang anak na si Angela. Tinuldukan kasi nito ang sariling buhay sa hindi nila malamang dahilan. Kaya mula noong nawala ito, hanggang ngayon ay hindi pa rin nila alam kung ano ba ang naging mabigat na dahilan nito’y kinailangan nitong gawin iyon.

“Wala man lang bang iniwan na sulat ang anak niyo sa silid niya bago niya iyon gawin?” usisa ng pulis na humahawak sa kaso ni Angela.

“Wala po, sir, e. Tiningnan na nga po namin ang buong silid ng anak ko’y wala kaming nakitang kahit ano,” humihikbing sambit ni Aling Kris.

Napakamot na lamang sa ulo ang pulis na may hawak sa kaso ni Angela. Paano malulutas ang kasong ito kung wala silang kahit anong hawak na patunay kung ano nga ba ang naging dahilan ng dalaga kung bakit kinailangan nitong tapusin ang buhay?

“Mamáng Pulis, may ibibigay po sana ako sa inyo,” ani Mariel, ang matalik na kaibigan ni Angela.

Inabot ng dalaga ang selpon sa mamáng pulis at nilingon ang kinatatayuan ng magulang ni Angela.

“Bago po nangyari ang trahedyang ginawa ni Angela, pinuntahan niya ako noon sa bahay namin at ibinigay ang selpong iyan. Ang bilin niya sa’kin ay pabuksan ko raw kay mama niya, kapag kinailangan, dahil si tita lang daw ang nakakaalam ng password ng selpong iyan. Pero mariin naman niyang ibinilin na huwag na huwag ko raw ibibigay ang selpon kay tita,” ani Mariel, bahagyang naguluhan sa sinabi.

Salubong naman ang kilay ng mamáng pulis na tiningnan ang ina ng biktima at maya maya ay ibinaling ang tingin sa selpon na hawak. Ito na kaya ang kasagutan sa kasong dalawang linggo na ang nakakalipas ay hindi pa rin nalulutas.

Hiningi ni Pulis Inspector De Mesa ang password ng selpong iyon sa ina ng biktima, ngunit mariin itong tumanggi at sinabing hindi raw nito alam ang password ng selpong iyon. Nang pinilit pa nila ito’y umiyak ito nang malakas, dahilan upang mas lalong nagduda ang pulis at iba pang naroroon.

Makalaunan sa pamimilit at pananakot ni Pulis Inspector De Mesa, napilitan ang ina ni Angela na buksan ang selpon at doon tumambad ang lahat ng sekretong nais sabihin ni Angela bago pa man niya tuluyang wakasan ang sariling buhay.

May bidyong makikita na humahagulhol ng iyak si Angela, habang nire-record ang sarili. Sinasabi nito kung paano siyang sinamantala ng kaniyang amahin, ang asawa ng kaniyang ina. Inamin din ni Angela na sinumbong niya na ito sa kaniyang ina, ngunit imbes na tulungan siya at isumbong sa pulis ang amahin ay mas kinampihan nito ang asawa, at sinabihan ang anak na malandi at mahilig gumawa ng kwento. Maliban pa roon ay naroon ang matibay na ebidensyang ginagawan nga siya ng amahin ng masama, kitang-kita sa bidyo.

Sabay-sabay na napasinghap ang mga taong naroroon dahil sa nalaman. Ilang araw iniyakan ng buong kaanak ang ginawang desisyon ni Angela na tapusin ang sarili. Lahat ay nagtatanong kung ano nga ba ang nangyari. Hindi matanggap na gano’n na lamang ang nagyari sa buhay ng dalaga, tapos ay malalaman ng lahat na ang may sala naman pala ay ang sarili nitong ina at ang amahin na ang buong akala ng lahat ay naging mabuting ama sa dalaga.

Galit na sinuntok ng tiyuhin at tiyahin ni Angela ang amahin nito at gigil naman ang iba sa ina nito mismo.

“Napakawala mong kwentang ina, Kris! Ikaw ang ina ni Angela, pero imbes na pakinggan siya’y mas pinanigan mo pa ang asawa mong dem*nyo!” inis na sambit ng kaniyang kapatid na si Kathy. “Magsama kayong mabulok sa bilangguan!”

Sa labis na inis ay naiyak na lamang ang iilan lalo na si Kathy. Hindi siya makapaniwala na nagawa iyon ng kaniyang kapatid. Mas inuna nitong unawain ang asawa kaysa sariling anak.

Nakulong nga sina Kris at Simone dahil silang dalawa ang itinuring na dahilan sa pagtapos ni Angela sa sarili nitong buhay. May iilang ebidensya ring ibinigay si Mariel na iniwan ni Angela sa kaniya noong nabubuhay pa ito kaya walang kawala ang dalawa.

Nakakalungkot lang isipin na kinailangan ni Angela na mawala sa mundo bago pinaniwalaan ang sinasabi niya. Kung sana’y pinakinggan at pinaniwalaan siya ng kaniyang ina noong una niyang inamin ang dinadalang problema’y disin-sana’y walang nasayang na buhay.

Kung nasaan man ngayon si Angela, hiling ng mga taong nagmamahal sa kaniya’y sana masaya na ito dahil sa wakas, nabigyan na rin ng hustisya ang ginawang pambababoy sa kaniya.

More Stories