Inday TrendingInday Trending
Hindi Sinipot ng Nobyo ang Babae sa Araw ng Kanilang Kasal, Magsisilbi Pala Iyong Daan Upang Makilala ng Babae ang Prince Charming Niya

Hindi Sinipot ng Nobyo ang Babae sa Araw ng Kanilang Kasal, Magsisilbi Pala Iyong Daan Upang Makilala ng Babae ang Prince Charming Niya

Ang araw ng kasal ang pinakamasayang araw na ginugunita ng mga nagmamahalan at nais bumuo ng sariling pamilya.

Pero taliwas iyon para kay Tabitha, dahil ang kasal ay ang araw na nadurog ang puso nya. Ang araw kung kailan pinahiya siya sa harap ng maraming tao. Kung kailan nilipad ng hangin ang kanilang pagmamahalan. Mali nga pala. Siya lang ang nagmahal.

“Hindi kita minahal. Akala ko magagamit ko ang reputasyon mo para umangat pero wala pala akong mapapala sa iyo.” Iyan ang text na natanggap niya sa lalaki nung hindi siya sinipot sa simbahan.

Gumuho ang mundo ni Tabitha. Dahil sa labis na dalamhating nararamdaman ay nagpakalayu-layo muna siya sa lahat nang nakapagpapaalala ng nakaraan nila ng kaniyang dating kasintahan. Imbes na lalong pahirapan ang kaniyang sarili ay naisipan na lang niyang maglibang.

Nagustuhan ni Tabitha ang unang bar na napasukan niya. Maganda ang mga pinapatugtog ng DJ. Hindi niya napigilan na pumunta sa dancefloor at sumayaw. Todo indak ang katawan niya at talagang walang pakialam sa paligid.

“Woooooo! My boyfriend dumped me!” sigaw niya habang sumasayaw, tumatawa siya pero tuloy tuloy ang daloy ng luha sa kanyang mga mata.

Nang mapagod ay pumunta siya sa bar para bumili pa ng maiinom. Dahil nasarapan ay hindi niya namamalayan na napaparami na ang kaniyang iniinom at kung anu-ano na ang ginagawa niya.

Parang inuumpog sa pader ang ulo ni Tabitha nang nagising siya kinabukasan. Nilingon niya ng mabilis ang kaniyang kapaligiran. Hindi niya alam kung paano siya napadpad dito. Tulayan siyang nagising ng biglang may humigit sa kaniyang bewang.

“Ah! Sino ka? Anong ginagawa ko dito? Nasaan ang damit ko?” Sabay hablot sa kumot para takpan ang kaniyang katawan.

Diyos ko, kaya pala malamig. Nakahubad siya!

“You don’t really remember, do you?” nakangiting sabi ng lalaki.

“Hell no! Sino ka ba?! Did you rape me?!” sabi ni Tabitha, bagamat nakaramdam ng kilig dahil gwapo ang kaharap niya ngayon. Nahihiya siyang isipin pero baka nga siya pa ang nanggahasa rito kagabi.

“I’m Brent your husband.”

“Husband?! Ulul!” di makapaniwalang sabi ni Tabitha, ba, kahit gwapo ito hindi naman siya tanga! Heto nga siya at tinakbuhan ng mapapangasawa, tapos sasabihin ng estrangherong ito na husband nya ito?

“Look miss, nag-gate crash ka sa party ng lolo ko last night, in-announce mo sa lahat na girlfriend kita. You were too drunk, you even sang happy birthday for him and asked him if pwede mong pakasalan ang gwapong apo niya, at syempre ako yun,” sabi nito at kumindat pa.

“At pumayag ka?! Lasing ako noon! Alam mong di ako makakapagdesisyon ng maayos!”

“Well, I am single and I am hoping na single ka rin..You’re beautiful, sino ako para tumanggi?Besides, ang saya saya na ng lolo ko nang malaman nyang magpapakasal tayo so ginawa nyang madali ang lahat, tinawagan ang kaibigan nyang judge at pinakasal tayo right there and then.May sakit si lolo sa puso, I don’t want to hurt him.” simpleng sagot nito.

Di makapaniwala si Tabitha sa pinagsasabi ng lalaki, na para bang maliit na bagay lang ang pinag uusapan nila.

Bilang patunay ay ipinanood pa nito kay Tabitha ang video ng selebrasyon kung saan siya mismo ang nagboluntaryong magpakasal sa lalaki. Ang kinalaki ng mga mata ni Tabitha ay nang marinig niya ang ipinangako niya sa lolo ni Brent.

“Para mas masaya ay dadagdagan ko ang aking regalo, bibigyan ko kayo ng apo sa tuhod!”

Hindi pabor ang mga magulang ni Tabitha sa annulment. Baka itakwil siya pag hiniwalayan niya si Brent. Maliban pa doon ay may sakit sa puso ang matanda. Baka ikamatay nito kung babawiin niya ang mga pinagsasabi at ginawa niya sa kaarawan nito. Walang nagawa si Tabitha kung hindi ipagkibit balikat na lang ang lahat. Wala nang mawawala sa kaniya lalo’t may nangyari na sa kanila. Pero mas maganda sana kung mahal nila ang isa’t-isa.

Isang araw ay isinama si Tabitha ng asawa sa kompanya nito. Dahil sa lakas ng volume sa earphone habang naglalaro ng mga games sa computer ay hindi niya narinig ang pagpasok ng dati niyang nobyo. Nawala sa isip niya na dito pala ito nagtratrabaho. Kaya pala pamilyar sa kaniya ang mukha ni Brent ay dahil boss ito ng dating kasintahan.

“Anong ginagawa mo dito? Sisiraan mo ako sa boss ko? Gusto mong gumanti? Sinabi ko na sa iyo na hindi kita mahal! Ginamit lang kita!” Sigaw nito sa kaniya habang kinakaladkad siya palabas ng opisina.

Natahimik ang dating kasintahan ni Tabitha nang biglang bumukas ang elevator lulan si Brent at tinitigan ito ng masama.

“First of all, thank you. If not for what you’ve done I will not be given the chance to love her, more so, marry the girl of my dreams. Secondly, you are fired.”

Pagkatapos ay binuhat ni Brent si Tabitha pabalik sa opisina at aligagang ginamot ang kaniyang mga sugat.

Lingid sa kaalaman ni Tabitha ay matagal ng may pagtingin si Brent sa kaniya. Hindi niya lang ito sinusuyo dahil ang buong akala nito ay masaya siya sa piling ng nobyo. Ngayon na asawa na niya ang babae ay ipaparamdam niya dito kung gaano niya ito kamahal ng sa gayon ay hindi nito pagsisihan ang pagpapakasal sa kaniya at mahalin siya nito ng higit pa sa pamamahal nito sa dating nobyo.

Advertisement