Nais ng Babae na Ipalaglag ang Sanggol sa Sinapupunan, Nagbago ang Isip Niya nang Masaksihan ang Isang Kababalaghan
Nasa ikatlong taon pa lamang sa kolehiyo si Kat, sa Maynila siya nag aaral at ang kanyang mga magulang naman ay nasa probinsya. Nag-aasin lamang ang mga ito, binenta nito ang kaisa-isang lupang pamana ng lola niya upang makapag aral siya.
Kahit siya man lang daw, guminhawa ang buhay. Di nya tuloy alam kung paano sasabihin sa mga magulang ang sitwasyon niya ngayon.
“Baby, hindi naman nila malalaman. Ganito, ang gawin mo, pumunta ka doon sa bahay nyo at sabihin mo bakasyon. Tapos mamamasyal ka lang kamo, then puntahan mo na yung sinasabi mong hilot na marunong maglaglag ng bata.” payo ng nobyo nya, na parang isang bagay lang na tatanggalin ang pinag-uusapan.
Isang linggo na ang nakararaan nang madiskubre niyang buntis siya. Hindi niya alam ang gagawin, mayaman naman ang nobyo niyang si Larry pero hindi pa raw ito handa sa ganoong responsibilidad. Sa halip na bigyan siya ng pampa-check up ay malaking perang pampalaglag ang iniabot nito.
“Bakit kasi dadaan pa ako sa amin? Bakit hindi pwedeng dumiretso na ako sa albularyo?”
“Syempre, magdududa ang magulang mo kung bakit di ka sa kanila muna nagpakita. Tapalan mo ng pera yung albularyo, para tumahimik.” sabi nito at ibinaba na ang tawag.
Gulong gulong napatango nalang si Kat, napahawak siya sa kanyang tyan. Alam niyang malaking kasalanan ito pero di niya kasi talaga alam ang gagawin. Siya nga hirap na hirap nang buhayin ng magulang niya, idagdag pa kaya ang batang ito? Malilintikan talaga sya.
Nang makarating siya sa probinsya ay gulat na gulat pa ang kanyang ina na nakita sya, niyakap siya nito at pina-meryenda.
“Alam mo ba anak, dinarayo yung kapitbahay natin. Milagroso raw,” kwento nito. Napangiti naman si Kat, hanggang ngayon ay uso pa rin dito sa kanila ang mga ganoong kababalaghan, palibhasa ay maliit na baryo lang.
“Bakit naman ho?”
“Eh nanganak si Fely pero patay ang bata. Noong isang buwan pa, hindi naaagnas.” sabi nito.
“T-talaga po?”
“Oo! Kaya kahit taga-bayan nakikisilip kung totoo ba, mahiwaga nga. Maski ako eh, nagulat. Talagang buong buo pa ang mukha ng sanggol. Sabi ng iba, si Fely raw nahuhuli sa gabi na may kausap. Naku! Baka nabubuhay sa gabi iyong sanggol at kinakausap ang nanay nya,kinikilabutan ako.” nanlalaki pa ang mata ng kanyang ina habang nagkukwento.
Kinagabihan ay napagpasyahan ni Fely na bukas na lang siya pupunta sa hilot para hindi masyadong obvious na iyon lang ang pakay nya. Nagpaalam siya sa kanyang nanay na magpapahangin muna para makapag isip isip, alam niya kasi sa puso niya na tutol siya sa desisyon ng nobyo.
Natatakot lang talaga siya sa magiging buhay nilang mag ina.
Alas dose na siguro at kuliglig na lamang ang maririnig sa paligid nang makita ni Fely ang tila isang bote na itinapon mula sa bintana. Agad napukaw ang interes niya dahil sa bahay na iyon naroon ang patay na sanggol.
Dinampot niya ang bote at medyo nagulat pa siya sa nabasa roon, “Embalming fluid?” Hindi ba ito ang itinuturok para di maagnas ang isang taong namatay na?
Naglakad siyang dahan-dahan palapit sa maliit na bahay, may maliit na siwang doon dahilan upang masilip niya ang nasa loob.
Nanlaki ang mata niya nang makita si Fely na karga ang walang buhay na sanggol, “Anak, bakuna ito. Injection. Di masakit..nandito lang ang nanay anak, di ka masasaktan.” paulit-ulit na sabi nito. Tinuturukan pala nito ng pang-embalsamo ang anak para di maagnas.
Imbes na matakot ay awa ang naramdaman ni Kat, tila hindi nito kinaya na patay nang isinilang ang anak nito.
“Anak, alam mo bang ang tagal tagal kang hinintay ng nanay? Ang iba, nariyan na ang biyaya ay ipinalalaglag pa. Pero ako, iningatan kita anak; pero bakit? Bakit iniwan mo pa rin ako?” umiiyak nang sabi nito.
Napahaplos si Kat sa kanyang tyan dahil tila tinamaan siya sa sinabi ng babae.Pero nanlaki ang mata nya nang biglang dumako sa kanya ang tingin ni Fely at nagsalita,
“Kaya ikaw, wag mong sayangin ang biyaya sa iyo.Hindi nya kasalanan ang nangyari.”
Sa takot ay tumakbo na si Kat patungo sa bahay nila. Buo na ang desisyon nya, bubuhayin niya ang kanyang baby.
Kinabukasan ay nalaman na lamang ni Kat na pumanaw na si Fely pero walang makapagsabi kung ano ang dahilan. Nakipaghiwalay na ang dalaga sa nobyo niyang walang kwenta at ipinagtapat niya sa mga magulang ang sitwasyon.
Nasaktan ang mga ito pero tinanggap rin naman siya. Dahil sa hiya sa nanay at tatay ay dumoble ang sipag ni Kat sa kanyang pag aaral, ngayon kasi ay doble na rin ang inspirasyon niya, may munting anghel nang umaasa sa kanya.
Matapos ang graduation ni Kat ay nanganak rin sya, nang umigi na ang pakiramdam ay agad naghanap ng trabaho ang babae. Di naging madali ang lahat pero iniisip niya lang parati ang kanyang magulang at anak.
Di nagtagal ay nakahanap siya ng magandang trabaho. Ngayon ay isa na siyang manager, napagawaan niya na rin ng magandang bahay ang kanyang mga magulang at isang negosyo upang di na mag asin pa ang mga ito. Hindi nagsisisi si Kat na itinuloy niya ang pagbubuntis dahil ang anak niya ang pinakamagandang biyayang natanggap nya.