Matagal nang Iniibig ng Babae ang Baklang Bestfriend Ngunit Sawi Siyang Mahalin Din Nito Hanggang sa May Nangyaring Di Nila Sinasadya
Naawang hinimas ni Beth ang likod ni Teo, walang tigil naman sa paghikbi ang lalaki. “Manloloko siya eh, bakit naman ginano’n pako Betchay binigay ko naman ang lahat?” sabi ni Teo sa pagitan ng pag iyak. “Ganyan talaga ang buhay, pag umiibig nasasaktan.” sagot naman ni Beth sa kaibigan, gusto niya sanang sabihing ‘binalaan na kita’ pero alam niyang hindi naman makakatulong iyon, ang kailangan nito ay makikinig, makakaintindi. At walang ibang gagawa noon kay Teo kung hindi siya. Sa loob ng maraming taon ay nagsilbi siyang tenga nito, at balikat na masasandalan sa tuwing niloloko ng mga lalaki ang kaibigan niya. May pusong babae kasi si Teo, alam naman iyon ng pamilya nito pero dahil teacher ito ay hindi masyadong lantad ang pagiging bakla. Teacher din si Beth, kaya niya lang kinuha ang kursong iyon ay dahil naroon ang kaibigan, matagal niya na kasing palihim na minamahal si Teo pero alam naman niya, hindi sila talo kaya tinanggap niya na ang katotohanang taga-pakinig na lang siya nito habangbuhay. “Bakit ba kasi? I mean, Beth look at me. Hindi ba ako karapat dapat na mahalin? Kung ikaw sila, mamahalin mo naman ako diba? Mahal mo ako diba?” tanong nito na tiningnan siya sa mga mata. Anak ng patola naman!Alam ni Beth na ‘mahal bilang kaibigan’ ang tinutukoy nito pero tao lang siya, may pusong nagmamahal. Kay lakas ng kabog ng dibdib niya. “Oo naman bakla, mahal kita.” sagot niya rito. “Inom tayo please? Samahan mo ako?” tanong nito sa kanya. “H-ha? G*ga ka, alam mo namang hindi ako umiinom,” gulat na wika niya rito, hindi palainom ng alak ang kaibigan pero siguro ay talagang nasasaktan ito kaya ganoon na lang kung magyaya. Nalungkot naman ang gwapong mukha ni Teo. “Oo na sige na! Pero ikaw lang ha? Hindi ako iinom para aakayin kita mamaya.” hindi nakatiis na sabi ni Beth. Inakbayan siya ng kaibigan at pumunta sila sa bahay nito, pagkarating doon ay nagsimula na itong languin ang sarili sa alak. “Alam mo, ikaw. Ikaw lang ang nakakaintindi sa akin kahit dati pa. Diba noong teenager tayo? Sabi mo crush mo ako? Joke lang naman yun diba? Di mo naman alam na bakla ako noon. Pero alam mo? Andyan ka lang palagi, buti ka pa hindi ka nagsasawa sa akin.” lasing na sabi ni Teo. Nakatitig lang naman si Beth sa kaibigan, alam kaya nitong kinikilig siya?Hay bakla, akin ka nalang kasi. “Seryoso Elizabeth, thank you. Kahit malandi ako di mo ako iniiwanan, kahit na di ako nakikinig sayo. Tsaka alam mo minsan nadidiri ako sa sarili ko kasi nagagandahan ako sayo, sabi ko ‘hoy bakla! sister yan!’ , pero kinikilig ako sayo. O baka inggit lang to! Hahaha! G*ga ka, i love you Betchay.” mahabang sabi nito. Natulala naman si Beth sa litanya ng kaibigan, lasing na nga siguro ito. Hindi pa nakuntento si Teo at hinalikan nitong bigla si Beth, tapos noon ay hindi na nila namalayan ang naganap. Nagising na lang si Beth sa kama katabi ang kaibigan, pareho silang walang damit. Minasdan niya ito, sa unang tingin ay di talaga mahuhulaang bakla ito, malinis kasi ang gupit at damit lalaki pa rin. Napakagwapo nga kung tutuusin. Malungkot niyang isinuot ang mga damit at lumabas na sa bahay ng kaibigan, alam niya naman na pagkakamali lang ang naganap. Ilang araw niyang iniwasan si Teo, kahit nakakasalubong naman ay hindi nagtangkang lumapit ang lalaki. Isang araw habang nagme-meeting ang mga guro ay may ipinakilala ang principal na isa pa nilang kasamahan, isa itong lalaki. Hindi maipagkakailang gwapo ito at sulyap ng sulyap kay Beth. Habang si Beth naman ay palihim na tumitingin kay Teo, kitang kita niya kung paano nito titigan ang lalaki na ang pangalan pala ay Alexander.Tsss, bakla talaga.Inis na wika ni Beth sa sarili. Pagkatapos ng meeting ay lumabas na ang mga guro, wala namang pasok ngayon ang mga estudyante at pwede na silang umuwi.Nagulat na lang si Beth nang may humablot bigla sa braso niya. “Galing mo naman, gandang ganda ka na nyan sa sarili mo kasi tinititigan ka ni Alexander?” mataray na sabi ni Teo. “O bakit inggit ka bakla?” mataray na sagot rin ni Beth, ayaw na niyang makipagkaibigan dito dahil masasaktan lang siya. “Wag mo kong tatawaging bakla, ikaw nga, duwag.” sabi nito na biglang tumigas ang boses. “Bakla ka naman talaga, paano ako naging duwag? Sino ba satin ang madalas na umiyak aber? Ako ba?” sabi ni Beth. “Ako nga, pero kahit kailan hindi ako nang iwan. Hindi ako nang iwan ng tao sa ere. Tigilan mo yang Alexander na yan Elizabeth!” natakot si Beth dahil nakita niya kung gaano ka-seryoso ang mukha ni Teo, tiim bagang pa ito. “Selos ka? Sayo na siya bakla!” pang aasar ni Beth dito. “Hindi, akin ka!” pagkatapos sabihin iyon ay hinalikan ni Teo ang labi ng kaibigan. “Elizabeth Pedrigosa, mahal kita. Noong lumayo ka akala ko kaya ako nangungulila kasi nawalan ako ng kaibigan pero habang tumatagal ay mas sumasakit ang dibdib ko, mas masakit pa sa pang iiwan ng mga ex boyfriend ko. Kalahati ng pagkatao ko ang nawala, at nang tinititigan ka na ng lalaking yon, naalarma ako. Akin ka lang Elizabeth ko..” bulong nito sa pagitan ng halik. Hindi man makapaniwala ay kay ligaya ni Beth, matapos ang isang taong relasyon ay ikinasal ang dalawa at ngayon ay mayroon nang dalawang anak. Matibay ang kanilang relasyon dahil bukod sa pagiging mag asawa, ay matalik rin silang magkaibigan.
Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?
I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.
Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!