Inday TrendingInday Trending
Kakaiba ang Pananaw ng Dalaga nang Magalit sa Kanya ang Kakambal Dahil Namimigay Siya ng Pera sa Hikahos na Mga Kamag Anak

Kakaiba ang Pananaw ng Dalaga nang Magalit sa Kanya ang Kakambal Dahil Namimigay Siya ng Pera sa Hikahos na Mga Kamag Anak

Simula nang pumanaw ang kanilang mga magulang ay ang magkapatid na Darlene at Danna na ang humawak ng naiwang negosyo. Bagamat kambal sila, parehong magaling at matalino, magkaibang magkaiba naman ang kanilang pananaw sa buhay. Si Danna istrikta at mahigpit, palaging kinatatakutan ng mga tauhan dahil hindi masyadong ngumingiti, palaging nananaig ang utak kaysa sa puso. Samantalang si Darlene naman ay kabaligtaran, palaging nakangiti sa lahat, iniisip ang mararamdaman ng iba at nananaig ang puso kaysa sa utak pagdating sa pagdedesisyon. “Goodmorning po Miss Darlene, Miss Danna.” magalang na bati ng ilang mga tauhang nasalubong nila. Sabay palaging pumupunta ang magkapatid upang bisitahin ang kanilang negosyo. “Good morning Jade,” nakangiting sagot ni Darlene. “Morning, kumusta ang mga idedeliver na sabon?Naka-pack na ba?” sabi ni Danna sa tauhan. Nakangiti man kay Darlene ay agad na binalot ng takot ang tauhan nang magsalita si Danna. “Yes ma’am,” nakatungo at mahinang sabi nito. Pagkatapos noon ay dumiretso na ang dalawa sa kani kaniyang opisina. Si Danna ay magiging abala sa trabaho, kapag lunch time ay niyayaya ang kapatid pero kapag hindi pwede ang dalaga ay siya na lang mag isa ang kumakain. Si Darlene naman ay madalas na kakwentuhan ng mga empleyado, naniniwala kasi siyang marami siyang matututunan sa mga ito lalo at sila ang hands on sa negosyo. Minsan nga ay nakakakasabay niya pang kumain ang ilan sa mga ito,napaka-humble talaga ng dalaga. Ganoon ang madalas na nangyayari hanggang sa isang araw, may natuklasan si Danna na lihim palang ginagawa ni Darlene, at pinakulo noon ang dugo niya. “Hinahanap mo raw ako?”sabi ni Darlene sa kanyang kapatid. Kitang kita niya na namumula ang dalaga, isang senyales na galit ito. Nakatukod ang siko nito sa desk at nakatitig sa kanya. “Ano to Darl?bakit nakarating sa akin na namimigay ka ng pera sa kamag anak natin?! Inuuto ka lang ng mga yan!” sabi ni Danna sa kapatid. “Ahh sina tita ba, nasunugan kasi.Malay mo kapag sa atin nangyari, edi sila naman ang masasandalan natin.” tila hindi naman apektado ang dalaga sa galit ng kapatid. “Alam mo naman na ang hirap patakbuhin ng negosyo diba? Hindi mo alam ang halaga ng pera!” bulyaw nito sa kanya, napukaw na nila ang atensyon ng ilang mga empleyado. “Siguro nga hindi ko alam ang halaga ng pera, pero alam na alam ko ang halaga ng mga tao.” Iyon lang at tumalikod na ang dalaga, naiwan ang kapatid na natulala sa isinagot niya. sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement