Inday TrendingInday Trending
Pinagmamalaki ng Babae sa Lahat Kung Gaano Siya Ka-swerte sa Asawa, Hindi Niya Alam na Matagal na Siyang Niloloko Nito

Pinagmamalaki ng Babae sa Lahat Kung Gaano Siya Ka-swerte sa Asawa, Hindi Niya Alam na Matagal na Siyang Niloloko Nito

Si Carla ay limang taon nang kasal sa asawang si Ariel. May isa silang anak, dalawang-taong gulang na lalaki, si Carlo. Masaya at kuntento sa buhay si Carla dahil bukod sa malusog at matalino ang kanilang anak ay napakaswerte niya pa sa asawang walang bisyo at ‘ni minsan ay hindi nambabae. “Ay naku wala na akong masasabi pa sa asawa ko, napakabuting lalaki. Hinding-hindi ako ipagpapalit kahit kanino,” palagi niyang pinagmamalaki sa mga kaibigan. Panay inggit naman ang sinasagot sa kanya ng mga ito, “Mabuti ka pa, Carla. Itong asawa ko, palaging may kachat na iba.” Kaya naman sa bahay ay palagi niya ring pinaglilingkuran ang asawa. Isang araw ay naisipan ni Carla na yayain mag-date ang asawa. Hinanap niya ito sa kwarto nila. Nakitang tila problemado ang asawa. Agad niyang nilapitan ito at hinilot ang noo, “Masakit na naman ba ang ulo mo, Pa? Stress ka naman siguro sa trabaho.” Hinawakan nito ang kamay niya, “Okay lang ako, Ma. Salamat.” Pumayag naman itong mag-mall sila kasama ng kanilang anak. Sa mall ay tuwang-tuwa silang kumain sa isang fast food restaurant. Matapos kumain ay namili sila ng mga damit ng anak. “Daddy!” isang napakalakas na sigaw ng batang babae ang umalingangaw sa loob ng department store. Napatingin doon si Carla at napangiti, “Ang cute naman ng bata, Pa.” Biglang nanlaki ang mata ng asawa, “Ayos ka lang, Pa?” Pero hindi na nito nagawang sumagot pa at nagulat nalang siya nang biglang yumakap ang batang babae sa kanyang asawa. “Daddy! I miss you! Tagal kita ‘di kita.” Nangunot ang noo ni Carla. Inisip na napagkamalan lang ng bata ang asawa. Pero dahil sa mga sinasabi pa ng bata at sa wirdong reaksyon ng asawa ay lumalakas lalo ang kutob niya. “Kasama ko mommy, daddy.” Balisang aalis na sana ang asawa niya nang sakto namang may lumabas na magandang babae at tinawag ang batang babae, “Aries!” Doon ay tumakbo papunta sa kanyang ina ang bata. “Aries?” tanong niya kay Ariel. Nakayuko na ang asawa. Guilty talaga ito. Tinignan niya ang nanay ng bata. Marunong itong makaramdam na tila hindi lingid sa kaalaman nitong kabit siya. Kasama ang anak ay iniwan niya ang asawa. Hindi niya na kaya ang kahihiyang inabot niya sa loob pa mismo ng mall. Iyak siya nang iyak sa bahay. Nagpaliwanag ang asawa niya. Nalaman niyang matagal na palang nagloloko ang asawa nang hindi niya nalalaman. “Nung mga unang taon natin bilang mag-asawa nadepress ako akala ko ‘di na tayo magkakaanak kaya nagawa ko ‘yun. Nagbunga na kaya hindi ko na magawang talikuran ang responsibilidad ko sa kanya. Mahal ko rin ang bata.” Hindi malaman ni Carla kung ano na ang gagawin sa lalaking pinaka-pinagkatiwalaan niya. Kaya pala ang bait-bait nito sa kanya, matagal na pala siyang sinaksak nito patalikod. Sira ang buong tiwala niya sa asawa. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman kapag nalaman ng lahat na hindi perpekto ang kanilang buhay may asawa at sa katunayan ay hindi niya na alam kung kaya pa niyang pakitunguhan ang asawa tulad ng dati ngayong natuklasan niyang matagal na itong may ibang pamilya. Ganun nga talaga siguro, hindi lahat ng love story ay may happy ending. Hindi lahat ng lalaking pinili mong pakasalan ay mananatiling tapat sayo. Ngunit nasa sayo kung paano mo bubuohin muli ang pagkatao mo. Hindi lamang para sayo, kundi para narin sa anak mo. Para sa mga babaeng niloko ng mga asawa ngunit nagawang bumangon, saludo po ako sa inyo! Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement