Inday TrendingInday Trending
Minaliit ng Mister ang Misis Niya Dahil Maybahay Lamang Ito, Nakonsensya Siya nang Bumaligtad ang Sitwasyon

Minaliit ng Mister ang Misis Niya Dahil Maybahay Lamang Ito, Nakonsensya Siya nang Bumaligtad ang Sitwasyon

Mahal ni Bert ang asawa niyang si Miriam ngunit dahil mas mataas ang kaniyang pinag-aralan, nakapagtapos siya ng kolehiyo at siya ang nagdedesisyon para sa kanilang pamilya, kumpara sa kaniyang asawa na elementarya lang ang naabot. Madalas niyang punahin ang diskarte nito ultimo sa pinakasimpleng bagay. Kinokontra niya din ang mga desisyon nito lalo’t pagdating sa perang kaniyang pinaghirapan.

“Bakit bumili ka ng ice cream at cake? Wala namang okasyon ngayon? Aksayado ka sa pera. ” asik ng lalaki sa asawa.

Malaki ang sahod ni Bert sa kaniyang pinagtratrabahuan, pero pag gusto talagang kunin ng Diyos sa iyo ang swerte ay isang pitik lang, nalugi ang kumpanyang ito, nagsara kaya nawalan siya ng trabaho. Dahil dito ay mas lalo siyang naghigpit ng sinturon. Binawasan niya ang budget ng kaniyang asawa habang hindi pa siya nakakahanap ng bagong mapapasukan.

“Pag magluluto ka kahit isang putahe na lang. Mas makakainam kung konti lang sa sahog.” seryoso niyang sabi rito. Di naman umiimik ang babae.

Kahit kailan ay hindi kinokontra ni Miriam si Bert. Sinusunod niya ang lahat ng sinasabi nito. Ni minsan ay hindi siya nagpahayag ng kaniyang opinyon, kahit pa ang ilan sa desisyon ng mister ay nakakasakit sa kanya.

Sa kabila ng kaniyang galing ay nahirapang makahanap ng bagong mapagtratrabahuan si Bert. Kadalasan ay overqualified na siya. Ayaw din niyang tumanggap ng mas mababang sahod kaysa sa kaniyang dating posisyon. Dahil dito ay halos mag-iisang taon na siyang walang trabaho. Para masigurong may panggastos pa siya para sa kaniyang mga pangangailangan ay binawasan niya ulit ang budget ni misis.

“Saan ka ba nagpupunta? Araw-araw kang umaalis ng bahay.” tanong niya sa babae.

Dahil madalas nang mamalagi si Bert sa bahay ay marami siyang napupuna kay Miriam na di niya nabibigyan ng pansin noon. At ang labis niyang pinagtataka ay kahit binabawasan niya ang budget ng asawa ay parang hindi ito nauubusan ng panggastos.

“Nakalimutan mo na bang may trabaho ako? Nagiging ulyanin ka na ata, ah. Matanda ka na, Bert!” Biro ni Miriam sa kaniya bago inihain ang binili niyang pagkain.

Nagkabaligtad ang mundo nilang mag-asawa. Si Bert ang naging taong bahay habang si Miriam ang kumakayod para sa kanilang dalawa. Tatlong araw pa lang nang si Bert na ang namahala sa mga gawaing bahay ngunit pakiramdam niya ay parang buong araw siyang nag-gym sa tindi ng sakit ng kaniyang katawan.

Hindi niya lubos maisip kung paano napagsasabay ni Miriam ang responsibilidad niya sa bahay at sa trabaho araw-araw. Ilang araw pa lang na gawaing bahay lang ang ginagawa niya ay gusto na niyang sumuko.

Habang nagpapahinga si Bert sa labas ng kanilang gate ay isang binatilyo ang dumaan sa kaniyang harapan. May hawak-hawak itong isang bungkos ng mga rosas. Naalala niya yung panahong nililigawan pa lang niya si Miriam. Nagnanakaw pa siya ng bulaklak sa kanilang kapitbahay.

Isang alaala ang sumagi sa kaniyang isipan. Ang araw kung kailan bumili ng ice cream at cake ang kaniyang asawa. Nakalimutan niya ang petsa ng kaarawan ni Miriam. Hindi na nga niya nabati ang asawa pero ang mas malala pa dito ay napagsalitaan niya ito ng hindi maganda.

Binilang ni Bert ang mga pagkakataong kaniyang pinalampas para maiparamdam sa kaniyang butihing asawa na mahal niya ito at ikinumpara niya sa mga pagkakataong napahalagahan niya si Miriam. Kung susumahin ay mabibilang lang sa isa niyang kamay ang mga panahon naipahiwatig niya sa asawa na mahal niya ito simula noong kinasal sila.

“Kailangan kong bumawi kay Miriam. Marami na akong naging pagkukulang sa kaniya.”

Noong gabing iyon ay isang sorpresa ang hinanda ni Bert para sa kaniyang mahal na asawa.

Kinabahan si Miriam nang madatnan walang kailaw-ilaw ang kanilang bahay. Nag-alala siya na baka may masamang nangyari sa kaniyang asawa kaya nagmamadali siyang tumakbo papasok ng bahay habang isinisigaw ang pangalan nito.

“Bert! Bert! Bert….”

Napahinto sa pagsigaw si Miriam nang makita niya ang nagkalat na mga talutot ng bulaklak at mga kandilang nakasindi sa kanilang sala. Dahan-dahan siyang naglakad sa direksyon kung saan patungo ang mga ito.

Hindi na napigilan ang pagtulo ng kaniyang mga luha nang simulang kantahin ni Bert ang kanilang theme song kasabay ng pagkalabit nito sa kaniyang gitara. May hinanda din itong romantic dinner para sa kanilang dalawa. Hindi niya inaasahan ang naghihintay sa kaniya sa kaniyang pag-uwi. Labis na naantig ang kaniyang puso sa sorpresang hinanda ng asawa para sa kaniya.

Simula noon ay maraming nagbago sa kanilang pagsasama. Hindi lang si Bert ang may say sa pamilya. Pinakikinggan na niya ang opinyon ng asawa. Magkasama nilang pinagplaplanuhan ang kanilang kinabukasan. Mas pinahalagahan na din ni Bert ang kaniyang asawa. Kahit busy na ito sa bago niyang trabaho ay naglalaan ito ng araw na para lamang sa kanilang dalawa.

Sa tingin mo ba ay hindi binibigyan ni Bert ng pagkakataong magdesisyon si Miriam para sa kanilang pamilya? Bakit kaya hindi nagrereklamo si Miriam kay Bert? Sa papaanong paraan mo ipinapakita ang pagpapahalaga mo sa iyong asawa? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Advertisement