Akala ng Babae ay Di Niya na Makikilala ang Pen Pal Niya Noon, Di Niya Akalaing Nasa Harap Niya lang Pala Ito
April 18,1992
Dearest Midnight Siren,
Malamig dito sa Amerika, palibhasa ay malapit na ang Pasko. Ang bintana ng bahay namin ay ilang beses nang kinumpuni ng tito Brad ko dahil nasisira sa sobrang lakas ng hangin. Kahit saan ka lumingon ay may niyebe. Ikaw ba? kumusta ka diyan sa Pinas? Nami-miss ko nang mag-Pasko dyan. God, it has been 4 years mula nang makatungtong ako dyan.Sana noon pa lang ay nakilala na kita, edi sana, nagkaroon pa ng chance na makita kita sa personal.
Pareho tayong mahilig sa libro. Ang paborito kong author ay si Dean Koontz, ikaw ba? Ang mommy ko, until now di makapaniwalang narito na kami. Wala eh, destined na talagang muli silang magkita ni tito Brad after many years. Ikaw ba? Naniniwala ka sa destiny?
Love, Lonely Knight
Isinara na ni Belinda ang lumang liham, natatawa siya kapag naalala niya ang pinaggagawa niya noon. 21 lamang siya nang ipasa sa kanya ng kaibigan ang isang penpal mula sa Amerika, usong uso pa noon ang mga code name- iyon bang hindi mo isusulat ang buo mong pangalan para naman may thrill.
Ngayon ay 47 years old na siya, may tatlong anak at ang ikalawa niyang anak ay magtatapos na sa kolehiyo.Grabe, ang bilis ng panahon. Di niya ramdam na tumatanda na siya dahil hanggang ngayon naman ay nireregla pa sya. Hindi niya na alam kung ano na ang nangyari sa ka-penpal niyang si ‘Lonely Knight’ dahil bigla na lamang itong di nakasagot sa mga sulat niya.
Ilang buwan niya ring ininda iyon at nalungkot siya talaga dahil akala niya, sila na ang magkakatuluyan. Para maalis ang hapdi sa puso niya, at ang pagkabagot ay lumipat siya ng kumpanya, kailangan niyang makakita ng mga bagong mukha.
Doon niya nakilala ang asawang si James, masarap kausap ang lalaki at nakakatawa. Unti unti, naibaling niya rito ang kanyang attention at napaibig siya ng lalaki.
“Ma, nagse-senti ka na naman dyan. Parating na si Dad, me-make upan na kita,” sabi ng panganay niyang anak.
Napasulyap naman siya sa oras at medyo nataranta, darating na nga ang mister niya mula sa trabaho! Nagmadali siyang magbihis at humarap sa salamin, sinimulan na ng kanyang anak na pagandahin siya. Ngayon kasi ay ang kanilang 25th wedding anniversary, pinagluto niya ito at ang mga bata ay matutulog muna sa bahay ng lola ng mga ito upang ma-solo nilang dalawa ang bahay.
Pagkamake up sa kanya ay umalis na ang mga anak niya, maya maya pa ay dumating na ang sasakyan ni James.
“Yoohoo, honey!” sabi nito.
Lumabas siya at napasipol ito, “Ang ganda naman ng misis ko! Sundan na natin si Gillian?” nagbibirong sabi nito na ang tinutukoy ay ang bunso nila.Hinampas niya naman ito sa braso.
“Pinagluto kita,” sabi niya at iginiya ito sa kusina kung saan katulong niya ang mga anak na ginayakan iyon kanina. May kandila pa sa mesa at nakahain ang paborito nitong ulam.
“Mga bata?” tanong nito.
“Nasa lola nila,” sagot niya at kinindatan ang lalaki, na napangiti naman sa kanya. Ilang sandali pa ay nagkukwentuhan na ang dalawa at kung anu anong joke na naman ang pinagsasabi ni James.
“May i-sheshare ako, alam mo after all these years ngayon ko lang sasabihin to sayo. Wag kang magseselos ha, anniversary naman natin eh.” sabi niya.
Tumaas naman ang kilay ng lalaki, “May iba kana? Wag mokong iiwan darling!” sabi nito.
“Loko! wait lang,” sabi nya at tumayo.
Kinuha niya ang lumang sulat mula sa kanyang penpal.
“Bago kita nakilala, akala ko sya ang makakatuluyan ko. Kakatawa no, ni hindi ko sya nakilala,” sabi nya at ipinakita rito ang sulat.
Hindi pa nito nababasa lahat iyon, kakabuklat palang ay sumulyap ito sa kanya na nanlalaki ang mata, “Ikaw si Midnight Siren? Ang babaeng mahilig sa popcorn pero ayaw ng mais? Mahilig magbasa ng libro pero hindi natatandaan kung sino ang sumulat?”
Sabi nito. Nanlaki rin ang mata ni Belinda. “Ikaw si Lonely Knight?!”
Bakit ba di niya naisip na naikwento nitong laki ito sa Amerika at naroon ang ina noong unang beses silang magkakilala? Bakit di niya nahalata sa mga jokes nito na ang kausap niya sa liham ay ito rin?
Natatawang tumango ang asawa nya. Aba, mapaglaro talaga ang tadhana! Sino ang mag aakalang sila rin pala ng penpal ang magkakatuluyan? Isip pa siya nang isip kung kumusta na ito ngayon, kasama niya na pala sa bahay nang maraming taon!
Masayang nagyakapan ang mag asawa, tila nagdilang anghel si James dahil nang gabing iyon ay nasundan pa nga ang bunso nilang si Gillian.