Nang Dahil sa Sorbetes ay Napagsamantalahan ang Dalagang Ito, Ngunit Sorbetes Rin Pala ang Magbibigay ng Hustisya sa Malagim na Karanasan
“Hoy! Tigilan mo na nga yung pagtitinda dito sa lugar namin! At tigilan mo na rin yung anak ko!” saad ni Mang Victor.
“Kayo naman ho, nakikipagkaibigan lang ako sa anak nyo,” mahinahong sagot ng binatang si Miguel.
“Naku! Sa itsura mo palang ay mukhang wala kang magandang intensyon sa anak ko, kaya sige na umalis ka na!” dagdag pa ng matanda at isinarado ang gate nila.
Nagtitinda ng ice cream ang binatang si Miguel, sa kabilang barangay ito naninirahan ngunit parating nagagawi sa lugar nila Mang Victor at palagi rin niyang nililibre ang dalaga nitong anak na si Phoebe.
“Anak, ‘di ba sinabi ko na sa’yo na ayaw kong nakikitang nakikipagkaibigan ka dun sa lalaking iyon!” galit na baling ni Mang Victor sa dalaga.
“E ‘tay, bait naman yun si Miguel e. Lagi niya ako bigay ice cream kahit nga wala ako bayad e ‘di sya gagalit ‘tay!” saad naman ni Phoebe habang ito ay nakayuko.
Kung sa unang tingin ay mukhang normal ang dalaga, maganda ang pangangatawan nito at sa edad na 17 anyos ay makaka-ipon kaagad ang dalaga ng maraming manliligaw ngunit nagkaproblema ang dalaga noong siya ay nasa sinapupunan pa lamang ng kaniyang ina kaya ngayon ay nagkadeperensya ito sa pag-iisip.
Mas bata ang isipan ng dalaga kesa sa kanyang normal na edad. Ngayong 17 anyos na ang kaniyang katawan ay nasa 10 taong gulang pa lamang ang development ng kaniyang pag-iisip. Kaya labis-labis na lang ang pag-iingat sa kaniya ng mga magulang lalo na’t lagi silang wala dahil sa trabaho.
“Hindi nga pwede, lalaki yun tapos babae ka! Hindi pa natin kilala yung lalaking iyon, mamaya kung ano pang gawing masama sa’yo nun. Mahirap na anak,” dagdag pa ni Mang Victor.
“E bakit sina Winbert at Jonathan e lalaki din pero pwede ako sama kanila! Bakit si Miguel hindi?” nagwawalang sigaw ni Phoebe.
“Pinsan mo kasi sila anak kaya pwede mo sila kasama saka kilala natin sila, kamag-anak,” wika naman ni Aling Mirasol, ang ina ng dalaga. Ipinasok na ng ale ang kaniyang anak dahil nagsisimula na naman itong sumpungin.
“Winbert at Jonathan, kayo na muna ang bahala kay Phoebe ha, aalis kami ng kuya niyo at kailangan naming umattend ng seminar,” saad ng ale.
Parehas na guro ang magulang ni Phoebe kaya nga kahit na may deperensya ang dalaga ay matalino pa rin ito dahil na rin sa pagpupursiging pagtuturo ng kaniyang mga magulang.
“Oho tiyang, kami na hong bahala sa kaniya, wala ho kayong dapat na ikabahala,” sagot naman ng binatang si Winbert, pamangkin ito ni Mang Victor at sinadya niyang kuhanin ang lalaki at ang kapatid nitong si Jonathan mula sa probinsya para doon na magtrabaho sa kanila. Ito na ang halos tumayong kuya sa kaniyang anak.
“Basta huwag niyong palabasin si Phoebe ng walang kasama, alam niyo naman yan e mahilig na tumakas ang pinsan niyong yan. Kayo na bahala dito sa bahay Winbert, Jonathan at itetext niyo ako lagi. Tumawag din kayo kaagad kapag may emergency,” sambit naman ni Mang Victor saka sila umalis na mag-asawa.
Tatlong araw ang seminar ng dalawa sa Baguio para sa teachers camp. Naging maayos naman ang kanilang seminar at noong pangatlong araw na dapat sila ay mamimili pa sana at mag-iikot ng kaunti sa Baguio ay kinabahan bigla si Aling Mirasol at kaagad silang sumugod pauwi ng bahay.
“Gusto mo ba ng ice cream, Phoebe? Halika sama ka sa’kin dito sa loob oh, madaming ice cream dito,” tanong ng lalaki habang hawak nito ang anim na sorbetes.
Agad namang kinuha ni Phoebe at sumunod siya sa lalaki na papasok sa isang abandunadong bahay. Mabilis ang pangyayari at walang sumaklolo sa kahit anong sigaw ng dalaga, pinagsamantalahan na ang kahinaan nito at iniwan na lamang na lumuluha.
“Winbert! Jonathan!? Asan si Phoebe?” sumisigaw na tanong ng ale pagkarating nito sa bahay ngunit walang sumagot sa kaniya kaya agad itong lumabas para hanapin ang anak. Nagpaiwan naman si Mang Victor para tawagan ang kaniyang mga pamangkin.
“Nasan ba kayo? Ba’t walang tao dito sa bahay!? Asan si Phoebe,” galit na tanong ng lalaki.
“Nakikipag-inuman lang kami saglit dito tiyong sa kapitbahay natin, sinarado naman naming ang gate nung umalis kami para hindi siya makalabas sana,” saad ni Winbert.
“Naloko na! Sinabi ko naman sa inyong magaling tumakas ang pinsan niyo e, lumabas kayo at tulungan niyo maghanap ang tiyahin niyo,” utos ni Mang Victor.
Wala pang sampong minuto at narinig ni Aling Mirasol ang iyak ng anak sa ‘di kalayuan kaya sinundan niya ito at halos mapunit ang puso niyang nadatnang nakahandusay at walang pang itaas na damit ng kaniyang nag-iisang anghel.
“Anak! Anong nangyari sa’yo! Anak! Sino may gawa nito?” umiiyak na sigaw ng ale sabay yakap kay Phoebe at hinubad ang kanyang cardigan saka ikinumot sa anak.
“Mama! Gusto ko lang naman ice cream e, ice cream lang pero gawa niya to sa’kin mama. Mama, sakit sakit dito ohh! Sakit mama!” saad ni Phoebe habang umaagos ang luha nito at humihikbi sabay turo sa kaniyang maselang bahagi.
“Anak sabihin mo kay mama sino may gawa nito!? Anak si Miguel ba? Yung nagtitinda ng ice cream?” tanong ng ale sabay hawak sa mukha ng kaniyang anak.
“Mama, ‘di ko pwede sabi sayo e, gagalit siya. Pagsabi ko raw sa’yo uulitin niya pa yung ginawa niya sa’kin kanina tas sasaktan din daw niya kayo papa. Mama ayaw ko na mama,” umiiyak na baling ng dalaga.
Agad na iniuwi ni Aling Mirasol si Phoebe at laking gulat ni Mang Victor ng makita ang kaniyang anak sa ganoong kalagayan.
“Huwag papa, huwag mo ako hawak. Dumi Phoebe! Sakit sakit Phoebe! Huwag papa!” nagpupumiglas na wika ng dalaga ng subukan siyang yakapin ng ama.
“Anak, sige na sabihin mo na sa papa kung sino ang gumawa sa’yo nito para ipapulis na’tin siya. Huwag kang matakot, anak! ‘Di ba sabi sayo ni papa magtiwala ka sa’kin at kay mama. Kaya para hindi na niya kami masaktan saka ikaw ay ipapahuli natin siya sa mga pulis,” wika ni Mang Victor sabay luhod sa harap ni Phoebe.
Sakto namang dumating ang dalawa niyang pinsan na nakatulala rin sa kanilang mag-ama,
“Si Miguel ba anak? Yung nagtitinda ng ice cream? Sabihin mo na sa amin anak oh,” paki-usap ng ale at lalong lumakas ang iyak ni Phoebe.
“Siya po!” sabay turo ng dalaga kay Winbert at nanlaki ang mata ng lalaki.
“Siya papa sakit sa akin! Si Winbert po. Bad siya papa, sumbong mo siya sa pulis papa!” umiiyak na wika ni Phoebe at mabilis na nakatayo si Mang Victor saka niya sinapak ang pamangkin. Agad namang naawat ni Aling Mirasol ang asawa at nakatawag ng pulis para mapadampot kaagad ang lalaki.
Hindi naging mahirap ang kaso dahil umamin kaagad ang binata sa kaniyang kahalayang ginawa kay Phoebe, bumili pala ito ng ice cream kay Miguel para iyon ang maipain sa dalaga. Labis na nagsisisi si Winbert sa kaniyang ginawa ngunit mas pinili ng pamilya ni Phoebe na pagsisihan niya ito sa ilalim ng batas.
“Pasensya na ho kayo, kung alam ko lang masama ang intensyon ni Winbert sa pagbili ng ice cream sa akin ay baka hindi ko na siya nabagbentahan, hindi ko man lamang nasagip ang aking minamahal,” malungkot na wika ni Miguel sa mag-asawa.
“Kami ang dapat na humingi ng tawad sa’yo dahil ikaw kaagad ang pinagbintangan namin,” baling naman ni Aling Mirasol.
Simula noon ay pinayagan na nilang makipagkaibigan si Miguel kay Phoebe dahil nakikita nilang magaan ang loob ng kanilang anak sa lalaki, di kalaunay nahulog ang loob nila sa isa’t-isa. Hindi man makapaniwala ang mga magulang ni Phoebe ngunit pinatunayan ni Miguel na malinis ang kaniyang intensyon at inantay niyang matangap siya ng pamilya ng dalaga.
Pagkalipas ng tatlong taon ay tuluyang gumaling at naghilom ang sugat ng mapait na karanasan ni Phoebe at ngayon ay magpapakasal na sila ni Miguel.
I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasa ng isang Pilipino.