Ang Gusto ng Babae ay Mayaman ang Lalaking Mapapangasawa, Naging Impyerno ang Buhay Niya sa Lalaking Napili

Nasa ikalawang taon pa lang sa kolehiyo si Mildred nang mapagpasyahan niyang tumigil na lamang sa pag aaral, nakakapagod na kasi. Naisip niyang maganda naman siya kaya siguradong di siya mawawalan ng kabuhayan, marami siyang mga tangang mayamang lalaking mauuto para bigyan siya ng pera.

Maraming nanliligaw sa dalaga pero iilan lang ang tinanggap niya bilang nobyo, sinisiguro niya munang may mahihita siya sa lalaki bago niya ito bigyan ng atensyon.

“Girl, si Harvey kaya? Ilang buwan na iyang umaaligid sayo diba?” sabi ng kaibigan niyang si Ceryl.

“Maryosep ka Ceryl, talaga bang kino-consider mo yang si Harvey sa mga manliligaw ko? Kita mo nga, ni hindi ako mabilhan ng mamahaling chocolate. High maintenance ako girl, hindi ako kaya nyan.” natatawang sabi niya.

“Sabagay, e si Aaron?” banggit nito sa isa pa sa mga manliligaw niya.

“Isa pa yon, eh mahirap pa sa daga ang lalaking iyon eh. Kailangan mabigyan nila ako ng pera pang shopping, pang facial ko every two weeks, kailangan ko ng manicure at pedicure every weekend to treat myself, rebond..and such. Alam mo na, mga girl things. Afford nya ba yon?” sagot niya ulit.

“Grabe ka, baka wala kang mapili nyan at ang ending ay maging matandang dalaga ka.” komento naman ni Ceryl.

“Imposible, maganda ako Ce.. at mautak. Hindi nila ako makukuha sa mabubulaklak na salita ng pag ibig, sa iba ako tumitingin- sa mabubulaklak na wallet!” sabi niya sabay hagalpak ng tawa, natawa na rin ang kanyang kaibigan.

Advertisement

Dahil sa taglay na magandang mukha ay nakakuha siya ng raket bilang model, sapat na rin ang sinasahod doon para sa kanyang pagkain pero kulang para sa mga kapritso niya. Doon sa pagmomodel niya nakilala si Arthur, ang gwapo niyang kasamahan.

Hindi sana ito papansinin ni Mildred pero narinig niyang mayaman raw ang lalaki ayon sa usap-usapan kaya naman naging interesado siya bigla, target kita ngayon, sa isip isip niya.

Nilapit-lapitan niya si Arthur, konting kwento, konting paawa, konting landi at kumagat ang lalaki. Sa unang gabi ng pagiging magnobyo nila ay may nangyari agad sa dalawa.

“Bakit pala nandito ka sa ganito?” tanong ni Mildred.

“What do you mean sa ‘ganito’? ” litong tanong naman ni Arthur.

“Sa ganito. Model model, e mayaman naman kayo diba. I mean siguro mas may future ka sa ibang bagay, nagpapakahirap ka pa rito kung may pera ka naman,” sabi niya.

“Wala lang, I find this exciting. At hindi kita makikilala kung hindi ako pumasok sa modeling,” sabi nito at hinalikan siya ulit.

Simula noon ay sa apartment na ni Mildred natutulog ang lalaki, palagi itong may dalang pagkain.

Advertisement

Jackpot talaga ako sa boyfriend ko, gwapo na ay mayaman pa! Ganito ang pagpili! Ang galing mo talaga Mildred! sa isip isip niya. Palagi nang may nangyayari sa dalawa at kahit na anong birth control pa ang gamitin nila ay nangyari ang nakatakdang mangyari, nabuntis si Mildred.

Sinabi niya iyon kay Arthur, tila nanlamig naman sa kanya ang lalaki matapos malaman ang kanyang kalagayan.

“Iuwi mo ako sa inyo, panagutan mo itong baby natin hon..” panunuyo niya rito, nakatalikod sa kanya ang lalaki habang naninigarilyo.

“Bahala ka, sige. Bukas na bukas mag-impake ka. Isasama kita sa amin, doon ka na tumira, doon na rin ako . Bahala na kung paano tayo mabubuhay,” sabi nito sabay tapon sa sigarilyo.

Excited na si Mildred, buti na lang ay nabuntis siya, naisip niya. Isang paraan na rin ito para tuluyan niya nang mabingwit si Arthur, sa ganoon ay may legal na karapatan na siya sa yaman nito.

Nag-commute lamang sila pauwi sa probinsya, ayon kasi kay Arthur ay naroon ang kotse nito. Nais daw kasi nitong mabuhay ng normal katulad ng mahihirap kaya nang lumuwas ito sa Maynila ay di na dinala pa ang kotse.

“Dito na tayo,” matabang na sabi nito. Unti unting iminulat ni Mildred ang mata niya, pero ang kanyang naaninagan ay napakalayo sa kanyang pinapangarap. Nasa isang bukid siya.

“Arthur? May rest house kayo dito babe?” tanong niya, humawak sa braso nito.

Advertisement

“Eto ang bahay ko, dito na tayo ngayon. Wala, ginusto mong sumama dito diba?” sabi nito at nagdire-diretso na papasok sa pinagtagpi tagping kahoy na bahay nito.

Tila hindi naman makapaniwala si Mildred, hindi! Nananaginip lang siya! Hindi ito maaari! Mayaman si Arthur!

“Niloko mo lang ako? Hayop ka! May pasabi sabi ka pa ng condo, kotse, kung anu anong imbento pa ang sinabi mo sa akin! Hayop ka nadamitan ka lang pala, basura!” sigaw niya rito pero pinatahimik siya ng isang nakabibinging sampal.

“Oo! tanga ka naman din kasi! Para kang mga manager na bakla na nakita lang na gwapo ako ay binihisan na ako at ipinasok sa modeling, wala kayong pinagkaiba! Mga utu-uto kayong lahat!” sigaw nito. Sinipa rin nito ang papag bago muling lumabas.

Walang nagawa si Mildred kung hindi ang umiyak ng umiyak, dahil sa masamang intensyon niya na perahan lang ang lalaki ay siya pa ang nautakan nito.

Sa kakapili niya ay sa walang kwenta siya bumagsak.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, I-like lamang ang aming Facebook page.