Inday TrendingInday Trending
Isang Babae ang Kaniyang Pinagsamantalahan sa Harap ng Isang Tulala at Piping Binata; Hindi Niya Akalaing iyon pa Pala ang Kaniyang Ikabibisto!

Isang Babae ang Kaniyang Pinagsamantalahan sa Harap ng Isang Tulala at Piping Binata; Hindi Niya Akalaing iyon pa Pala ang Kaniyang Ikabibisto!

Mapupula na naman ang mga mata ni Edison at tila hindi siya mapakali. Lulong na naman siya sa ipinagbabawal na gamot at tila naghahanap na naman siya ng babaeng mabibiktima. Nang makahanap ng isang babaeng pupuno sa kaniyang makamundong pagkauhaw ay agad niya itong dinala sa bahay ng kaniyang pinsang si Anton… ang binatilyong siya nilang tinaguriang tulala.

Pipi si Anton at madalas ay tulala lamang sa kawalan. Hindi naman ito dating ganito. Nagsimula lamang itong hindi na magsalita at matulala na lamang nang mawala ang kaniyang kapatid, ilang taon na ang nakalilipas. Dahil doon ay madalas na itong pag-trip-an ng kaniyang pinsang si Edison dahil katuwiran naman nito ay hindi naman daw makakaimik si Anton.

Sinimulang pagsamantalahan ng binata ang dalagang nakuha niya sa daan at agad na pinainom ng pampatulog. Lahat ng gusto niyang gawin ay ginawa niya sa babae sa harap mismo ng kaniyang pinsang may diperensya na nga’y nagawa pa niyang gawan ng ganoon.

Hindi inaasahan ni Edison na makakatakas pa sa kaniyang mga kamay ang babaeng kaniyang sinamantala at ito pala ay makapagsusumbong pa sa pulis.

“Paano ko lulusutan ’to?!” kinakabahang tanong noon ng lulong na binata sa kaniyang sarili. Nagsisimula na siyang mapraning dahil sa kasalanang kaniyang nagawa.

Hindi na niya alam ang gagawin nang mga sandaling iyon ngunit nakatanggap siya ng balitang hindi raw sapat ang ebidensyang ihinahain ng babae laban sa kaniya. Dahil doon ay nabuhayan si Edison at nagkaroon ng pag-asang matatakasan niya ang nagawa niyang krimen.

Pinuntahan ni Edison ang kaniyang pinsang si Anton at naabutan niyang hanggang ngayon ay tulala pa rin ito at nananatiling pipi. Humalakhak siya habang nagbubunyi na ang nag-iisang testigo sa kaniyang nagawa ay hindi maaaring makatulong dahil nga ito ay may kapansanan.

Nagbunyi ang hayok na si Edison dahil sa inaakalang niyang kaniyang tagumpay. Taas-noo siyang pumunta noon sa susunod na hearing ng kasong isinampa laban sa kaniya ng babaeng kaniyang sinamantala… ngunit ganoon na lang ang kaniyang gulat nang makita ang pamilyar na pigura ng isang binatilyo na nakatayo sa gilid ng harapan ng hukuman! Si Anton, ang kaniyang pinsang tulala! Gulat na gulat si Edison nang makitang hindi na ganoon ang hitsura ng kaniyang pinsan at mukha na itong maayos! Dumagundong ang takot sa kaniyang dibdib.

“Ngayon, Anton, maaari mo bang ituro sa hukumang ito ang taong nakita mong nagsamantala sa biktimang si Aira?” anang abugado noon kay Anton na mabilis namang tumalim ang tingin at agad na ipinukol sa kaniya. Iniangat nito ang hintuturo nito at agad iyong itinutok sa kaniya!“Siya po…” ani Anton. “Kitang-kita ko po ang ginawa niyang pananamantala sa biktimang si Aira nang gabing iyon. Kitang-kita ko po ang lahat ng kaniyang ginawa, katulad ng paraan kung paano niya rin sinamantala ang kapatid ko, pitong taon na ang nakakalipas…” tuloy-tuloy pang dagdag ni Anton noon na hindi na rin napigilang umiyak nang maalala kung papaanong wala siyang nagawa kay Edison habang sinasamantala nito ang kaniyang minamahal na kapatid!

Labis na takot ang naramdaman ni Anton noon, bukod pa sa sakit ng pagkawala ng kaniyang kapatid na naging sanhi kaya siya ay natulala at napipi nang ilang taon!

Mabuti na lamang at nang gawing muli ni Edison kay Aira ang ginawa nito sa kaniyang kapatid ay tila bigla siyang natauhan at nakabalik sa kasalukuyan. Iyon ang dahilan kung bakit agad siyang nakapunta sa hukuman upang isuplong ang kaniyang nasaksihan.

Hindi na nakatanggi pa si Edison nang marinig ang tinuran ng kaniyang pinsan. Doon pa lamang ay alam na iyang huli na siya sa kaniyang mga nagawang kasalanan! Natatakot man siya ngayon ay hindi na niya maikakaila ang kaniyang mga nagawa at siguradong kaniya na ngayong pagbabayaran ang lahat ng iyon sa likod ng mga bakal na rehas.

Katulad ng inaasahan ng lahat ay nanalo si Aira at Anton sa kaso laban kay Edison. Sa wakas ay naibigay din ni Anton ang hustisya sa kaniyang kapatid na noon ay hindi niya nagawang gawin dahil binalot ng pinaghalong poot, galit, at pighati ang kaniyang puso.

“Maraming salamat sa ’yo, Anton. Kundi dahil sa ’yo, baka hanggang ngayon ay hindi pa rin namin nakakamit ang hustisya,” ani Aira noon kay Anton na agad namang tinanggap ng binatilyo. Sa wakas ay makapagsisimula na sila ng panibagong buhay.

Advertisement