Inday TrendingInday Trending
Hustisya Laban sa Abogadong Manloloko

Hustisya Laban sa Abogadong Manloloko

Magandang babae si Maria. Kaya kahit na may nobyo na ito ay marami pa rin ang nagpupumilit na sumiksik sa kanilang relasyon.

“Nagcha-chat pa rin sa’yo ‘yang mga ‘yan?! Ang kukulit ah! Alam naman nilang may boyfriend ka na,” inis na sabi ni Alan sa kanyang nobya.

“Hayaan mo na sila babe, hindi ko naman sila pinapansin e,” sagot naman ng dalaga.

“Dapat lang. Alam mo naman na akin ka lang,” sabi ng binata sabay tayo sa kama.

“Siya nga pala babe, may labas kami ngayon ng mga kaibigan ko ha? Iinom lang kami. Birthday kasi ni Jerick,” singit pa nito habang nagbibihis.

“Sige babe, ingat ka ha? Maglilinis na lang ako dito sa bahay,” sagot naman ni Maria. Agad na umalis si Alan at tumungo sa mga kaibigan nito.

Matapos magpunas ng mga ibabaw, magtupi ng mga bagong labang damit, at magwalis at lampaso ng buong bahay, nahiga na si Maria upang makapagpahinga. Maya-maya, dala ng pagkabagot ay naisipan niyang tawagan ang matalik na kaibigang babae.

“Girl! Kamusta ka na? Gumaganda ah!” panimulang bati ng kaibigan nito, pagkasagot na pagkasagot ng tawag.

“Lagi naman. Kaya nga kahit ikaw ay ‘di mo ako maiwan,” sagot naman ng dalaga. Hindi pa nagtatagal ang kanilang usapan ay nakaramdam ang dalaga na may mga matang nagmamatiyag sa kanya.

“Babe! Ginulat mo naman ako. Akala ko kung sino nang nakapasok sa bahay,” gulat na sabi ni Maria habang naglalakad papalapit sa nobyo.

“SINO YANG KAUSAP KO? ISA BA YAN SA MGA LALAKI MO?” nanggigigil na tanong ni Alan. Dahil dito ay napaatras ang kanyang nobya.

“Babe, si Kim ‘yon! ‘Yong best friend ko noong high school,” takot na sagot ni Maria. Agad siyang nilapitan ng kanyang nobyo at sinalubong ng sunod sunod na lumalagutok na sampal.

“Babe! Tama na, masakit! Please, tama na!” pagmamakaawang sigaw ng dalaga. Kahit na nag-iiiyak na ito ay hindi pa rin tumitigil sa pananakit ang kanyang nobyo hanggang siya ay ibinalibag nito sa sofa.

“Baka naman ibang Kim ‘yan! Subukan mo lang na iwan ako, makikita mo ang hinahanap mo,” galit pa na sabi nito at muling umalis mg bahay. Agad na nag-ayos ang dalaga at nagmadaling umalis ng bahay nila para umuwi sa kanyang ina. Pagkarating nito ay agad niyang ikinwento ang mga nangyari at ginawa sa kanya ng kinakasama.

“Ipakukulong natin yang si Alan! Papapuntahin ko yung abogado dito mamaya para maaksyunan agad ang pagsasampa ng kaso sa walang hiyang ‘yan!” nanggagalaiting sinabi ng ina.

Ilang oras ang lumipas at dumating ang abogado na ipinatawag ng ina ni Maria. Ikinwento agad nila ang kahayupan na ginawa sa kanya ng nobyo.

“Nako! Maling-mali ang ginawa sa iyo ng nobyo mo. Imbes na ingatan ka niya e siya pa ang gumagawa ng dahilan para iwan mo siya. ‘Wag kang mag-alala hija, gagawin ko ang lahat para mabulok sa piitan ‘yang lalaking ‘yan! Kung ka-edaran mo lang ako, ako na lang sana ang magpapatunay ng tunay na pagmamahal sa iyo,” sabi ng abogado habang malisyosong nakatitig sa mga mata ni Maria.

Matapos ang ilang oras na pag-uusap ay nagpaalam ng umalis ang abogado nila Maria subalit pinigilan ito ng ina para yayain na kumain ng hapunan.

“Dito ka na kumain, attorney. Dinamihan ko na ang luto ko para siguradong busog ka pagkauwi mo,” nakangiting pag-aaya ng ina.

“Nako, salamat ho! Mukhang masarap pa naman ang niluto niyo,” sagot naman ng abogado at agad na sinaluhan sa pagkain ang mag ina.

Matapos ang ilang linggo ay muling bumalik ang abogado ni Maria sa kanilang tahanan ngunit sa pagkakataong ito ay wala sa bahay ang ina ng dalaga.

“Attorney? Naparito po kayo? Wala po si mama ngayon e,” panimulang sabi ng dalaga.

“Hayaan mo, ikaw naman ang kliyente ko kaya ayos lang kung wala ang mama mo. San pala siya nagpunta?” nakangiting tanong ng abogado habang sinisilip ang loob ng bahay.

“Nasa kaibigan po niya sa probinsya. Baka mamayang gabi pa ho ang uwi niya e,” sagot naman ng dalaga habang pinapatuloy ang abogado. Pagkasara na pagkasara ng pinto ng bahay nila Maria ay nagulat na lamang ito nang bigla siyang hatakin ng abogado paakyat ng kwarto. Dito, pilit na tinanggal ng lalaki ang kasuotan ni Maria.

“ATTORNEY, ANONG GINAGAWA NIYO?! UTANG NA LOOB, HUWAG PO!” takot na sigaw ng dalaga habang pilit na kumakalas sa yakap ng abogado subalit nanghina ito ng bigla siyang pagsasapakin ng paulit-ulit. Nang matanggal na ng abogado ang damit ng dalaga ay ginawa na niya ang lahat ng pagpapantasyang noon pa pala niya pinapangarap gawin kay Maria.

Matapos ang halos isang oras ng pambababoy sa dalaga ay bumangon ang abogado at nagbihis ng kanyang damit. Habang papalapit siya ng pinto ay kinausap niya ang hinang-hinang dalaga.

“Pag nagsabi ka kahit kanino, hindi kita tutulungan sa kaso mo. Kapag nagsumbong ka? Babaliktarin ko ang lahat ng reklamo mo sa nobyo mo!” nakangising nitong sinabi sabay alis ng bahay ni Maria. Naiwan ang dalaga na umiiyak habang walang saplot.

Kinagabihan nang makauwi ang ina nito ay nagulat siya sa lalaking nag-aabang sa labas ng bahay nila.

“Anong ginagawa mo dito, Alan? Ang kapal naman ng mukha mo! Pagkatapos mong saktan ang anak ko, may gana ka pang magpakita sa akin? Tandaan mo ito, lalabanan kita hanggang sa abot ng makakaya ko!” nanggigigil na sabi ng ina ni Maria subalit nawala ang galit nito ng biglang lumuhod ang lalaki sa kanyang harapan. Umaagos ang luha sa mga mata ng nagsisising binata.

“Patawarin niyo po ako, tita. Hindi ko po kayo lalabanan sa ikakaso niyo sa akin pero sana po ay patawarin niyo ako. Lasing po ako ng oras na iyon. Pangako po, hindi na po ako iinom. Handa rin po akong makilahok sa mga anger management program para lang po patawarin niyo at bigyan pa ng isang pagkakataon,” naiiyak na sabi ng binata. Agad siyang itinayo ng ina ni Maria dahil sa awa na naramdaman nito.

“Alam mo Alan, kay Maria ka humingi ng tawad. ‘Wag sa akin. Kasi kung patuloy na lalaban si Maria, ganoon din ako. Halika at tumuloy ka sa loob, mag-usap kayo ni Maria ng maayos,” mahinahon na sabi ng ina. Agad silang pumasok sa bahay at nagulat sila ng madatnan ang dalaga na tulala habang nakaupo sa sala. Nang makita ng dalaga ang ina ay agad itong nahimasmasan at umiyak ng malakas.

“MAMA! TULUNGAN MO PO AKO!” nag-iiiyak na sigaw ng dalaga. Nagmadali namang lumapit ang dalawa para alalayan ang dalaga.

“Anak, anong nangyari sa’yo?” gulat na tanong ng ina habang hinihimas ang likod ng anak.

“P- pi- pinagsamantalahan po ako ni attorney… ‘Wag daw akong magsusumbong dahil babaliktarin niya raw yung kaso ko sa oras na magsabi ako kahit na kanino,” umiiyak pa na sabi nito.

“T*rantado yung hayop na ‘yon! Kaya pala ang lagkit ng tingin sa’yo. E hindi pala si Alan ang kailangang kasuhan dito e! Si attorney ang tunay na kalaban natin dito,” inis na sabi ng ina.

“Tatawagan ko po agad si Papa para tulungan tayo sa kaso. Kung hindi ko pa po nasasabi, isa po siyang abogado. Sigurado akong tutulungan niya tayo,” dali-daling sabi ni Alan sabay kuha ng telepono para tawagan ang ama. Ilang oras ang nagdaan nang dumating sa bahay ang tatay ni Alan. Agad nilang ikinwento ang nangyari sa dalaga kaya alam na agad ng ama ni Alan ang gagawin niya.

“Huwag kang mag-alala, hija. Alam na alam ko na lahat ng gagawin at ikakaso natin sa kanya,” seryosong sabi ng ama. Agad silang tumawag ng pulis para ipahuli ang siraulong abogado. Dahil isang beteranong abogado ang ama ni Alan, naging napakabilis ang pagkamit ng hustisya sa nangyari sa dalaga.

Pagkatapos naman ng isang linggo ay nag-usap ang magkasintahan upang subukang ayusin ang kanilang relasyon.

“Pangako babe, pupunta ako ng anger management program para maayos ang sarili ko. Para ma-control ko ang galit at pagseselos ko. Hindi ko kayang mawala ka sa akin,” sabi ni Alan habang yakap ang nobya.

“Sige. Hihintayin kita, Alan. Pagbalik mo, pangako, ikaw pa rin ang mahal ko. Salamat pala sa tulong niyo ng papa mo. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ang tulong niyo,” sagot naman ng dalaga.

Umalis ang binata para magpagamot dulot ng hindi macontrol na galit at anim na buwan ang tinagal niya roon. Pagbalik niya sa kanyang bahay ay nadatnan niya ang kanyang nobya na nakangiti sa kanya. Sinalubong niya ito ng mahigpit na yakap.

Simula noon ay itinigil na rin ni Alan ang kanyang pag-inom, dahilan upang hindi na sila mag-away ng dalaga. Ginagawa na rin ni Alan ang lahat upang makabawi sa lahat ng pagkukulang niya sa kasintahan. Habang ang mapang-abusong abogado naman ay nakakulong na at permanente nang tinanggalan ng titulo sa pagiging isang abogado.

Advertisement