
Ginagamit ng Lalaki ang Posisyon sa Kumpanya Para Maka-Iskor sa mga Babaeng Empleyado; Isang Dalaga ang Magbibigay sa Kaniya ng Leksyon
Matagal nang nagtatrabaho sa malaking kumpanya si Drigo bilang manager. Dahil mataas ang katungkulan ay iginagalang at pinangingilagan siya ng mga empleyadong mas mababa ang posisyon kaysa sa kaniya. Pagdating naman sa trabaho ay hinahangaan siya ng kanilang boss, bukod sa masipag ay matalino rin ang lalaki kaya agad siyang na-promote.
Pero bukod sa pagiging huwarang empleyado ay mayroon palang ‘bulok’ sa pagkatao niya. May itinatagong ka-dem*nyohan si Drigo na hindi alam ng iba.
Isang umaga, pinapunta niya sa kaniyang pribadong kwarto ang isa sa mga tauhan niyang babae.
“Good morning, sir. Hanap niyo raw po ako?” anito.
“O, Ms. Rivera…tuloy ka…pasok,” sagot niya.
Halata ang takot sa mukha ng babae habang nakaharap sa kaniya. Napansin pa nga niya na nanginginig ang mga kamay nito.
“Sit down,” sabi pa ni Drigo.
Sumunod naman agad ang babae.
“Alam mo kung bakit kita pinatawag, Ms. Rivera?” sinsero niyang tanong.
Napayuko ito, ayaw tumingin sa kaniya.
“Nakadispalko ka ng pera ng kumpanya at ayon sa imbestigasyon ko, ito ay nagkakahalaga ng otsenta mil,” sabi niya.
Napapa-iyak na ang babae sa harap niya. Totoo naman kasi ang sinasabi niya na may nagawa itong labag sa kumpanya. Tumayo siya sa kinauupuan at lumapit sa kausap.
“Ano’ng masasabi mo, Ms. Rivera?”
Napilitan na itong magsalita.
“I-ibabalik ko na lang po ang pera, sir, p-pero baka pwede, wala na lang pong makaalam dito sa opisina tungkol sa nangyari,” sagot nito.
“Ang lagay eh, ganoon na lang ba iyon, Ms. Rivera?” wika niya.
“E-Eh, a-ano po ang dapat, sir?”
“Ang gusto ko’y malaman ng mga emplayado rito ang ginawa mo para hindi ka pamarisan. Ipapaalam ko rin ito kay boss, tiyak mawawalan ka ng trabaho, ipapa-dyaryo ka pa ng kumpanya,” tugon niya.
Namutla ang babae at mas lalong napahagulgol.
“H-ho? Naku, huwag naman po, sir. Maawa po kayo sa akin. Hindi ko makakaya ang kahihiyang mangyayari, pati ng mga magulang ko,” anito.
“Kasalanan mo naman, ‘di ba?” sabi ni Drigo.
“Pakiusap naman po, sir,” pagmamakaawa ng babae.
Napangiti si Drigo. “Buweno, ‘yan naman ay napag-uusapan.”
Sinabi ng lalaki ang kondisyon niya sa babae para hindi isiwalat ang nagawa nitong kasalanan. Nanlaki ang mata nito ng malaman kung ano ang gusto niya, sa una ay nagdadalawang-isip ito pero pumayag na rin dahil takot sa kahihiyan.
Kinagabihan, dumating ang babae sa pinag-usapan nila ni Drigo.
“Come in…pasok ka, Ms. Rivera,” nakangiti nitong sabi saka binuksan ang pinto ng kwarto sa motel.
Pagpasok nila roon ay inumpisahan na ni Drigo ang maitim niyang balak sa empleyada, ilang beses niyang ginamit ang katawan nito kapalit ng kaniyang pananahimik. Ang babae naman ay walang nagawa kundi isuko sa kaniya ang dangal nito huwag lang mapahiya.
Sa hangad na huwag paulit-ulit na gamitin ni Drigo ay nagpasiyang mag-resign ang babae sa opisina. Wala namang pakialam si Drigo, ang mahalaga sa kaniya ay naangkin niya ito nang libre at walang kahirap-hirap.
Makalipas ang ilang araw ay may kapalit na ang umalis na empleyada. Tulad ni Ms. Rivera ay maganda rin ito at seksi kaya abot tainga na naman ang ngiti ni Drigo.
“Nakakapanggigil talaga itong si Ms. Santos…hay*p ang wankata,” bulong niya sa isip.
At gaya ng ginawa niya sa nauna, gagamitin niya ang kaniyang impluwensiya upang makagawa ito ng kapalpakan sa kumpanya.
“Tulad ng mga nagawa ko na…makakadispalko ka, Ms. Santos at matitikman din kita,” sabi pa niya sa sarili.
Ganoon ang gawain ni Drigo sa magaganda niyang tauhang babae. Pinapalabas niya na nakadispalko ito ng pera sa opisina nang hindi nalalaman ng mga ito na huwad na paratang lang iyon at pagkatapos ay tatakutin niya at sisiraan ang mga bikt*ma. At ang hinihingi niyang kondisyon sa kaniyang pananahimik ay puri ng mga pobreng babae.
Mabilis na isinakatuparan ni Drigo ang plano sa bagong empleyada. Nang sumunod na mga araw ay gulat na gulat ito nang kausapin niya.
“Ano po? Naku, sir, hindi ko po magagawa ang ibinibintang niyo,” sabi ng dalaga.
“Paano ang nangyari na nawalan ng diyes mil ang kumpanya? Eh, ikaw ang nakatoka sa budget ‘di ba?” tanong niya.
Hindi nakasagot ang dalaga.
“Kakasuhan ka ng kumpanya, Ms. Santos, makukulong ka at malalathala sa mga diyaryo ang pangyayari,” banta niya.
“Maawa kayo sa akin sir, wala po akong kasalanan. Ano ang gagawin ko?” natataranta nitong sabi.
Tulad nga ng inasahan, sa hangad na huwag mapahiya at madiyaryo ay ibinigay ng babae ang sarili nito kay Drigo.
“Bayad ka na…walang makakaalam,” natatawang sabi ng lalaki matapos ang nangyari sa kanila ni Ms. Santos.
Hanggang sa pag-uwi niya sa bahay ay naiisip pa rin niya ang mga kalokohang pinaggagagawa niya sa mga natitipuhan niyang empleyada.
“Ang mga tanga, walang kaalam-alam na kagagawan ko ang lahat,” aniya.
Hindi nagtagal si Ms. Santos at nag-resign din sa kumpanya. Dahil doon ay kumuha ulit sila ng bagong empleyada.
“Newly graduate ka pala, hija?” tanong niya sa babae.
“Yes, sir,” sagot nito.
“Pero napakabata mo pa para sa mahirap na trabaho rito sa opisina. Wala ka pang karanasan.”
“Sir, pangako po, ‘di kayo magsisisi pag ako ang nakuha niyo,” sagot ng babae.
Tinanggap ni Drigo ang batambatang babae para magtrabaho sa departamento niya. Dahil sabik na makatikim ng bago at sariwa ay agad na inihanda ni Drigo ang bitag at madali naman itong kumagat sa pain niya.
“Wow, itong si Ms. Dizon na ang pinaka da best sa kama,” ngiting tagumpay na sabi niya sa isip.
Mula noon ay paulit-ulit na nagaganap ang kanilang romansa sa opisina kapag nag-uuwian na ang lahat. Sa mga babaeng dumaan sa kamay niya’y ito ang tumagal.
At dahil sa kabaliwan ni Drigo sa kagandahan at kasariwaan ni Ms. Dizon ay labis siyang nagtiwala sa dalaga. Ginawa niya pa itong personal assistant at alam din nito ang mga pribadong transaksyon na may kinalaman sa kaperahan ng kumpanya.
“Napirmahan mo na ba ”yung mga dokumento, sir?” malambing nitong tanong.
“Oo naman, darling. Kalimutan mo na muna ang trabaho at maglabing-labing muna tayo,” sabi niya sabay yakap sa empleyada.
Nang sumunod na araw ay hindi pumasok sa opisina si Ms. Dizon at nasundan pa iyon ng ilan pang araw hanggang sa hindi na nagpakita pa sa kumpanya ang babae.
“Bakit kaya hindi na pumasok ang babaeng iyon? Sayang, nahuhulog na sana ang loob ko sa kaniya,” nanghihinayang na sabi ni Drigo.
Kinahapunan ay ipinatawag siya ng kanilang boss, ang may-ari ng kumpanya.
“Mr. Antonio, may natuklasan ako tungkol sa tauhan mong si Ms. Rita Dizon. Na lahat ng impormasyon na ibinigay niya sa kumpanya ay hindi totoo. Hindi Rita Dizon ang tunay niyang pangalan, hindi rin siya nakapagtapos sa state university. Peke rin ng ibinigay niyang address. At alam mo ba na nawawalan ng kalahating milyon ang kumpanya? Lulamabas sa records na pirmado mo ang mga dokumento,” hayag ng boss.
“Ano po?!”
“Isa pa, may iniwan daw na sulat ‘yung babae sa sekretarya ko, ipinabibigay sa iyo,” saad pa ng matandang lalaki saka iniabot sa kaniya ang sulat.
Nang basahin niya iyon ay mas lalo siyang nagimbal.
“Salamat, Drigo, sa mga papeles na pinirmahan mo, dahil doon ay mayaman na ako. Nga pala, may A*DS din ako…kaya mayroon ka na rin, tabla na lang tayo.”
“Diyos ko po!”
Laking pagsisisi ni Drigo, naisahan siya ng babae. Ginamit siya nito para makapagnakaw ng pera sa kumpanya. Ang masakit pa ay hinawahan pa siya nito ng sakit na dadalhin niya habang siya’y nabubuhay. Sa madaling salita, siya ang nadenggoy ni Ms. Dizon.
Lumabas din sa imbestigasyon ng boss ang mga ginawa niyang kalokohan sa opisina, tungkol sa pagdispalko ng pera at pananamant*la sa mga babaeng empleyado. Dahil doon ay nasibak siya sa trabaho, kinasuhan pa siya ng mga babaeng nilapastangan niya. Nailathala rin siya sa diyaryo dahil sa mga kagag*han niya.
Tama ang kasabihan na tuso man ang matsing ay nalalamangan din. Dahil sa masamang gawa ni Drigo ay kamalasan tuloy sa buhay ang napala niya.

Kinukutya ang Lalaking Pulis Dahil Kahit Mataas ang Ranggo ay Mahirap pa Rin; Nararapat Pala Siyang Ikarangal ng Lahat
