Dahil sa Pangangaliwa ng Lalaki sa Kanyang Nobya ay Masakit ang Naging Balik sa Kanya ng Tadhana
Walong taon nang kasintahan ni Allan si Chen. nagsisimula pa lang sila noon sa pag aaral ng Medicine nang magsimula ang kanilang relasyon. Ngayong malapit na silang matapos at maging doktor ay nananatili pa rin sila sa isa’t isa. Alam ni Allan na mahal na mahal siya ng nobya, sa katunayan ay naibigay na nito sa kanya ang lahat. Pero siya, hindi niya tiyak kung ano ang nangyayari, basta isang araw nagising na lang siyang hindi na siya sigurado, nakakaramdam na siya ng takot sa tuwing mababanggit ni Chen ang kasal. Summer vacation, niyaya si Allan ng kanyang barkada na magpunta sa isangbar para magparty.Kumbaga, para boy’s night out. Hindi niya iyon pinagtapat kay Chen, hindi siya sanay magsinungaling dito pero ngayon ay parang mas masaya siya na hindi na siya kailangan pang magpaliwanag at mag update sa nobya maya’t maya. Pakiramdam ni Allan ay napakalaya niya nang gabing iyon. Nakilala nya ang isang tisay at magandang babae, Nellie ang pangalan nito. Aaminin ni Allan na naakit siya dito, kabaligtaran ni Chen na slim at conservative, malaki ang hinaharap ni Nellie at halatang game na game ito. Nasundan ang mga pagkikita nila, at hindi nagtagal ay nagsimula na nilang lokohin si Chen dahil nagkaroon na sila ng relasyon. Mahal na ni Allan si Nellie, at maraming beses nang may nangyari sa kanila. “Ano to? Baka you’re just going through a phase? Lilipas din yan, diba normal naman sa mga magkasintahan na at some point magkasawaan pero kailangan ba talagang bumitaw? Willing naman akong bigyan ka ng space.” hindi makapaniwalang wika ni Chen, nakikipaghiwalay na kasi si Allan. “Hindi mo maiintindihan, matagal ko nang nararamdaman to.” sagot naman ng lalaki. “Ang alin? kung matagal na bakit di mo sinabi sakin para naayos natin?” sabi naman ulit ng babae. “May, may mahal na akong iba.” pag amin ng nobyo. Tahimik lang si Chen, hindi siya makapaniwala. Gumuguhit ang sakit sa dibdib niya. Maya maya, matapos pahiran ang mga luha ay muli itong nagsalita. “Sana, sana wag mong danasin ang ganito kasakit na ginawa mo sa akin.” iyon lang at umalis na ito. Ipinagpatuloy ni Allan at Nellie ang kanilang makasalanang relasyon, hanggang sa nabuntis ang babae. Kinailangang tumigil ni Allan sa pag aaral, hindi niya na natapos ang pagiging doktor. Nag apply siya bilang crew sa iba’t ibang fast food chains dahil itinakwil siya ng kanyang mga magulang. Pinanindigan niya si Nellie. Pero pagkapanganak nito ay iniwan din silang mag ama makalipas ang ilang buwan, sumama ito sa isang matandang mayamang negosyante. Habang hawak hawak ang umiiyak na sanggol, tila nag echo sa pandinig ni Allan ang boses ni Chen. “Sana, sana wag mong danasin ang ganito kasakit na ginawa mo sa akin.” Alam niyang ito na ang karma niya sa panloloko. Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang. Ang Inday Trending ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat. sa ibaba.Para sa mas maraming updates,i-like lamang ang aming Facebook page.