Nagtiwala ang Mag-asawa sa Isang Kamag-anak; Grasya na Sana ay Naging Disgrasya pa

Tuwang-tuwa ang mag-asawang Nida at Dario nang malaman na tumama sila ng jackpot sa lotto. Malaki ang halagang kanilang napanalunan kaya labis ang tuwang kanilang naramdaman. Ngunit kasama ng tuwa ay pangamba.

Paano nila makukuha ang perang napanalunan? Isa man sa kanilang dalawa’y hindi marunong magbasa at magsulat. Ang tanging alam lang nila ay magtanim sa bukid at magbilang ng pera, sa bawat nabibinta nilang palay. Pangalan lamang nila ang kaya nilang isulat at basahin.

“Huwag kayong mag-alala, Nida at Dario. Nandito ako. Tutulungan ko kayong makuha ang napanalunan ninyong dalawa,” alok ni Wilma sa mag-asawa.

Pinsang buo ni Dario si Wilma at tunay ngang matagal na nila itong kasama. Mabait rin ang pinsang iyon ni Dario at likas na matulungin.

“Maraming salamat, Wilma ah. Kung wala ka’y hindi ko alam kung ano ang gagawin,” masayang wika ni Dario sa pinsan.

Kinabukasan nga’y bumaba si Wilma, Nida at Dario sa siyudad upang kunin ang napanalunan. Marami ang naging proseso na tanging si Wilma lang ang nakakaalam, sapagkat siya ang naman ang marunong magbasa sa kanilang tatlo.

Matapos ang mahabang oras ay lumapit sa kanila si Wilma bitbit ang isang itim na bag. “Nida at Dario, narito na ang napanalunan ninyo,” masayang wika ni Wilma.

“Magkano ang laman nito Wilma?” Tanong ni Dario.

Advertisement

“Siyam na raang libo ang laman niyan, Dario.”

“Huh? Pero bakit naman siyam na raan lamang? Ang alam ko’y isang milyon ay limang daang libo ang tinamaan ko,” nagtatakang wika ni Dario.

“Oo. Huwag kanb mag-alala, Dario. Nasa account mo naman ang natirang pera. Pwede mo iyong kunin kung kailan mo gusto,” paliwanag Wilma.

“Ahh. Hindi pala nila ibinibigay lahat?”

“Hindi. Iyong iba ay nakatago muna sa banko,” ani Wilma.

“Salamat Wilma ah. Maraming-maraming salamat talaga,” masayang wika ni Nida.

Nang makauwi sa bahay ay agad na inabutan ni Dario si Wilma ng singkwenta mil. Pasasalamat sa kabutihang ginawa nito at iba pa nilang kamag-anak ay inabutan rin nila ng kaunting balato.

Iyong ibang pera ay ipinagawa ni Nida at Dario ng bahay nila, mas pinaganda nila ang kanilang tahanan. Katas ng kanilang napanalunan. Hindi nababahalang maubos ang pera, sapagkat may natitira pa naman sa banko— ayon kay Wilma.

Advertisement

Ngunit makalipas ang isang buwan ay biglang hindi na nagpakita si Wilma sa mag-asawa. Inisip ni Dario no’ng una’y baka nagbakasyon lamang ang kaniyang pinsan. Malaking pera na rin ang singkwenta mil at sapat na ang perang iyon upang magbakasyon si Wilma.

Ngunit makalaunan ay bigla na silang nangamba. Ilang buwan nang hindi nagpapakita ang babae at paubos na ang perang nakuha. Kailangan na niyabg kunin ang natira pang pera sa banko. Makukuha lamang nila iyon sa tulong ni Wilma.

Dahil tuluyan na ngang hindi nagpakita si Wilma ay nabahala na si Nida at Dario. Pilit iwinawaglit sa isip na baka naloko sila ni Wilma. Upang kumpirmahin ang hinala ay personal silang nagpunta sa siyudad at kinausap ang mga staff sa naturang kumpanya.

“Wala na po kayong natirang pera dito, sir. Lahat po ay tinanggap niyo na. Ito ang patunay namin at narito rin ang inyong lagda,” wika ng lalaking nakausap nila.

“Totoo po ba iyan sir? Ang sabi kasi sa’kin ng pinsan ko’y siyam na raang peso muna ang inilabas niyo ay nasa banko pa angbibang pera. Pwede ko namang kunin iyon kung kailan ko naisin,” wika ni Dario.

“Pero sir wala na po e. Nakuha niyo na lahat sa mismong araw na iyon.”

Bagsak ang dalawang balikat ni Dario at Nida nang malamang niloko lang pala sila noon ni Wilma. Nagtiwala silang mag-asawa sa babae dahil akala nila’y mapagkakatiwalaan ito. Bagkus ay niloko pala sila nito at dinala lahat ang perang kaniyang napanalunan.

Isang patunay si Wilma na kahit pala tunay mong kamag-anak ay hindi mo pwedeng pagkatiwalaan. Nagiging masama ang isang tao, kapag pera na ang usapan.

Advertisement

Ipinagpasa-Diyos na lamang ni Dario at Nida ang ginawa sa kanila ni Wilma. Masaya pa rin sila dahil kahit papaano’y may naipundar sila sa napanalunan nila. Ang mahalaga’y nanatili silang mabuting tao, sa kabila ng mga nangyari.

Makalipas ang isang taon ay nabalitaan na lamang nilang nakulong si Wilma sa salang estafa. Nanloko kasi ito at tinakbo ang malaking halagang pera.

Hindi man sila ang naging dahilan ng pagkakulong ni Wilma ay naging masaya pa rin sila dahil ang Diyos na mismo ang gumawa ng paraan upang iganti sila sa ginawa nito.

Hindi natutulog ang karma. Darating at darating siya sa’yo depende sa nagawa mo. Ito man ay good o bad karma.