Nakidnap ang Mister ng Babae at Kailangan Niyang Magtungong Mag-isa sa Isang Lugar Upang Mailigtas Ito; Bakit Nagulat Siya Nang Malaman Kung Sino ang Kidnaper Nito?

Parang trumpo si Josie sa kakabalik-balik sa sala. Hindi naman malaman ni Edith, ang kapatid niya, kung paano pakakalmahin ito. Isang balita ang sumambulat sa kaniya. Nawawala ang mister nitong si Paulo. Dalawang araw nang nawawala.

Nagpaalam lamang itong may bibilhin lamang. Subalit hindi na ito bumalik. Hanggang sa makita sa dako pa roon ang abandonadong kotse nito.

Tinatawagan nila ang cellphone nito subalit operator lamang ang sumasagot: out of coverage area. Balisang-balisa na si Josie sa unang araw pa lamang ng pagkawala ng kaniyang mister. Walang tigil ang pagtulo ng mga luha niya.

a woman is crying at the hospital - crying asian woman stock pictures, royalty-free photos & images

“Josie… Josie… makinig ka sa akin. Huminahon ka muna. Umupo ka. Kumain ka muna. Kahapon ka pa hindi kumakain, baka mapaano ka…” nag-aalalang sabi ni Editha.

Hindi pa alam ng kanilang mga anak ang nangyari sa kanilang ama. Ayaw pa munang ipaalam ni Josie. Nag-aaral ang dalawa niyang anak sa Maynila. Ang isa, nasa OJT habang ang isa naman ay abala sa paggawa ng thesis. Ayaw niyang abalahin ang mga ito.

Itinawag na nila sa pulisya ang nangyari kay Paulo. Mahigit 24 oras na itong nawawala kaya naman maikokonsidera na siyang “missing person.”

“Hindi ako makakampante rito hangga’t hindi ko nalalaman kung nasaan si Paulo. Hindi ko alam kung may kagalit ba siya eh. Hindi naman siya nagkukuwento kung may nakaalitan ba siya. O kung kidnap for ransom man ito, ano naman ang maibibigay namin? Bakit hindi na lang yung kotse ang kinuha niya? Wala naman kaming ibabayad kung sakali,” umiiyak na sabi ni Josie.

Ipinagdarasal niya ngayon sa Diyos na sana ay nasa mabuting kalagayan ang kaniyang mister. Hindi niya kakayanin kung may mangyayaring masama rito. Para sa kaniya, si Paulo ang kaniyang soul mate. Mabuting asawa ito sa kaniya at mabuting ama sa kaniyang mga anak.

Advertisement

Maya-maya, may tumawag sa cellphone ni Josie. Agad niya itong dinukwang.

“H-Hello…”

“Si Josie ba ‘to?” mariin ang pagkakabigkas ng tinig. Tinig-babae.

“O-Oo, oo ako nga… sino ‘to?”

“Kung gusto mong makitang buhay ang asawa mo, pumunta ka sa lugar na itetext ko sa ‘yo. Ikaw lang. Wala kang isasamang kahit sino, kahit mga pulis. Naiintindihan mo ba?”

“Oo. Oo. Sige. Parang awa mo na, huwag ninyong sasaktan ang mister ko, nakikusap ako…”

“Daming satsat! Bilisan mo! Itetext ko ang lugar kung saan ka pupunta. Uulitin ko, hindi ka puwedeng magsama. Ikaw lang.” pagkatapos nito, nawala na sa linya ang babae. Maya-maya, tumunog ulit ang cellphone niya hudyat na nakatanggap siya ng text message.

“Sino ‘yon? Sino ‘yon?” nag-aalalang tanong ni Edith.

Advertisement

“Kidnaper. Nakidnap nga si Paulo. Pinapapunta ako sa lugar na ito. Ako lang daw mag-isa, kundi mapapahamak ang asawa ko. Anong gagawin ko?” hindi na malaman ni Josie ang gagawin at sasabihin.

“Magkano ba ang hinihinging ransom?”

Napapitlag si Josie. Sa buong pag-uusap nila, wala namang sinabi.

“W-Wala namang sinabi eh… basta pinapapunta lang ako. Ano ba ito? Anong gagawin ko?”

“Sige ganito Josie… pumunta ka sa sinasabi niya pero ibigay mo sa akin ang lokasyon. Magtiwala tayo sa mga pulis. Ako na’ng bahalang magkuwento sa kanila.”

Kabado man, nilakasan ni Josie ang kaniyang loob sa pagtungo sa lugar na sinasabi ng tumawag sa kaniya. Isa itong abandonadong bahay. Pumasok siya sa loob. Walang lamang kahit ano ang loob nito. Sa gitna, isang upuan. Nakaupo ang mister. Nakatali ang mga kamay sa likuran. kahit may takip ang mukha nito, alam niyang si Paulo ito.

kidnapping - kidnapped guy stock pictures, royalty-free photos & images

“Paulo! Asawa ko!” bulalas ni Josie. Patakbo na siya patungo rito subalit isang putok ng baril ang pumigil sa kaniya. Maya-maya, lumabas sa gilid ang isang babaeng may hawak ng baril, na may sound proof sa dulo. Hindi niya kilala ang babae.

“S-Sino ka? Bakit ginagawa mo sa amin ito?” galit na tanong ni Josie.

Advertisement

“Well, I’m sure hindi mo nga ako kilala. Puwes, magpapakilala ako sa iyo. Ako nga pala si Marga. Ang kabit, kerida, other woman ng pinakamamahal mong asawang si Paul. Gulat ka no? Oo! All this time niloloko ka ng asawa mo!” galit na sabi ng nagpakilalang si Marga.

Tila pinagbagsakan ng langit at lupa sa kaniyang mga narinig si Josie. Totoo pala ang mga alingasngas tungkol sa kaniyang asawa. Na hindi niya pinaniwalaan. Ayaw niyang maniwala dahil alam niyang mahal na mahal siya ni Paulo.

“T-Totoo ba?” basag ang tinig na tanong ni Josie sa kaniyang mister. Inalis ni Marga ang taklob sa ulo ni Paulo.

Hinang-hina si Paulo. Sa halip na sumagot, humingi ito ng tawad sa kaniya.

“P-Patawarin mo ko Josie… hindi ko sinasadyang matukso. Patawarin mo ko…”

Nagpaputok ulit ng baril pataas si Marga.

“Tama na ang drama! Masyado na kayong OA. Simple lang naman ang pakay ko rito. Iisa lang ang dahilan kung bakit kita nagawang kidnapin. Gusto kong malaman ngayon, harap-harapan, kung sino sa aming dalawa ang pipiliin mo: akong kabit mong pinapaligaya ka sa kama, o itong boring mong misis! Nasa magandang sagot mo ang magiging kapalaran ninyong dalawa. Kaya ayusin mo ang sagot mo,” saad ni Marga.

portrait of woman gun while standing against black background - asian woman with a gun stock pictures, royalty-free photos & images

“Kapag ako ang pinili mo, sa harap mismo ng babaeng ito, tayong dalawa ang magsasama. Mabubuhay siya. Hahayaan ko siyang makatakas at magsasama na tayo. Pero kapag siya ang pinili mo, magpapaalam na siya sa mundong ito. At ikaw, sa akin ka pa rin mapupunta,” humalakhak na parang demonyo si Marga.

Advertisement

Nagkatitigan naman sa kani-kanilang mga mata ang mag-asawa.

“Ang pinipili ko ay…. ay si…”

Isang putok ng baril ang pumailanlang.

Humandusay sa sahig si Marga. Hindi pala nito namalayan ang pagdating ng mga pulis, sa tulong ni Editha. Nailigtas sina Paulo at Josie.

Hindi nakaligtas si Marga, na may kasaysayan pala ng pagkawala sa sariling bait, batay sa medical records nito. Buong puso namang humingi ng tawad si Paulo sa ginawa niyang panloloko sa asawa. Inamin niya rito na isang beses lamang may nangyari sa kanila, dahil inakit siya nito, subalit hanggang doon lamang iyon.

Gusto raw ni Marga na lumalim pa ang kanilang relasyon subalit hindi na pumayag si Paulo. Sinabi niya ritong pamilyado na siya. Subalit ayaw papigil ni Marga.

Pinatawad naman ni Josie ang kasalanan ng kaniyang mister at binigyan pa ito ng isa pang pagkakataon. Sinikap nilang magpatuloy sa kanilang buhay at kalimutan ang bangungot ng kahapon.